CAGE 90 GUMAAN ang pakiramdam ni Idlyn pagkatapos ng pagkakagapos niya sa isang lubid na hindi naaninag ng nga mata, gumaan din ang pakiramdam niya sa silid niya na kanina lang ay napaka bigat dahil sa ginawang kulungan ito ni Laura para hindi siya maka takas. Alam na niya kong anong ibig sabihin non, "na huli na si Sid," agad siyang tumayo at lumabas ng silid. Pagkatapos ipakilala ng ama niya sa kanya ang magiging bagong taga silbi ay agad niyang sinabeng hindi paren siya papayag sa gusto ng mga ito. Nang malaman na taliwas paren ang iniisip niya sa kanyang ama, agad siyang dinala sa silid niya para ikulong doon ng panandalian para din hindi nita magawa pang mangialam sa balak ng ama niya. Nakarating siya sa hagdan pababa sa bahagi ng mansyon sa mismong ilalim ng lupa kong saan maramin