CAGE 89 NAGTATAKA man ang mga kasama ni Sid sa mansyon na sa pagkakataon na yon hindi sumama sa Spring Gala ang binata, ngunit pinayagan naman siya na hindi sumama, katulad ng pagkakaalala ng binata na dapat may kasama siya, na iwan din sa mansyon si tito Kenneth niya na kasama niya habang naghahapunan. Tumayo naman si tito Kenneth niya kaya napa sulyap siya, "saan ka pupunta tito?" "Ay teka lang, may kukunin lang akong desert sa kusina." Aniya ni Kenneth, animoy kuminang naman ang mata ni Sid ng marinig ang salitang pang himagas. "Masarap yon, hati tayo, total marami yon, marami tayong makakain." "Sige po," agad naman na pumunta si Kenneth sa kusina at na iwan si Sid na kumakain paren. Ilang segundo ng maiwan si Sid ng may marinig ang binata na animoy nabasag galing sa kusina, natigi