CAGE 88 BUMITAW sa pagkakayakap ang ama ni Idlyn sa kanya, "tignan mo ang pagkabuhay ng mga magiging taga sunod mo." Kinumpas ng ama niya ang kamay sa hangin, na tinuturo ang mga estatwang nasa tapat ng bawat poste. Kinatitigan ni Idlyn ang dahang-dahan nagkakaroon ng buhay ang bawat estatwa, unti-unting natanggal ang bawat simentong nasa katawan nito. Sabay-sabay na nagsilundagan ang mga estatwa na naging buhay at katulad nilang may mga balat na bilang immortal. May iba't ibang sandata, may pana, itak, kutsilyo, itak, palakol, espada at sibat. "Susunod sila sa mga pinag uutos mo anak, sila ang mga tagapag bantay mo, kong alam nilang nasa panganib ka ililigtas ka nila, buhay nila ang buhay mo, habang nabubuhay ka hindi sila mawawala, lilitaw sila mula sa dilim." Pagpapatuloy ng ama nang