AWAKEN 33
TANGING si Camille lamang ang walang alam sa tunay na nangyayare, naka ilang buntong hininga siya habang hinihintay na naman si Kaden dumating. Na isip niya na mukhang hindi ito makakarating lalo na't hating gabe na. Napilitan muli siyang maglakad sa labas ng nipa hut at naglakad muli papalayu doon. Malakas ang hangin sa gubat at tanging sinag ng buwan ang nagiging ilaw sa buong lugar. Na isip niyang wala naman maninita sa kanya at hanggang sa may matanaw siyang nagliliwanag sa di kalayuan. Kahit papaanu ay kinakabahan siya sa pwedeng makita sa lugar na yun ngunit pinag patuloy paren niya dahil gusto niyang malaman kong anu ang liwanag na nakikita niya.
Pamilyar sa kanya ang malamig na hangin hanggang sa maka lapit siyang tuluyan sa isang ilog, isang pamilyar na ilog kong saan puno ng bolang gawa sa salamin. Agad siyang lumapit doon at naalala na naman ang unang gabe na magkasama sila doon ni Eulexis na ginawa ito ng binata para sa kanya. Nilapitan niya ang nasa unahan at hindi paren nalalanta ang bulaklak na nasa loob, hindi na niya kailangan ng bolang salamin para lamang ilagay doon ang bulaklak dahil nawala ang allergy niya. "Ganda paren nila," bulalas ni Camille sa kanyang sarili.
Matagal tagal na rin simula ng mawala siya ngunit na andoon paren ang sapin na ginamit nila para mahiga at manood ng bituin. Pinagpagan niya ang sapin at na higa doon. Gusto niyang maalala ang lahat muli sa kanila kahit sandali lang, ngunit sa paghiga niya doon bigla na lamang dinalaw ng antok. Pakiramdam niya na kahit matulog siya doon magdamag ay ligtas siya.
NAGLALAKAD si Eulexis para balikan ang lugar na tumataktak sa kanyang isipan. Palagi siyang bumabalik doon simula ng sabihin sa kanya na patay na ang pamilya niya at tinutulungan siya ng isang angkan kong saan doon siya nakatira sa ngayun. May paglusob daw na nangyare, siya lang daw ang naka ligtas at natagpuan na lamang siya sa isang gubat. Sabe din sa kanya na nawawala ang mga labi nito at sa tulong ng angkan na yun hinahanap paren ito sa ngayun. Malapit na siya sa gubat kong saan maraming bolang salamin at puno ng mga bulaklak. Hindi niya alam kong para saan, kong para kaninu at bakit niya ginawa ang bagay na yun, basta ang alam niya nakakapag isip siya ng maayus sa lugar na yun.
Natigilan siya ng malapit na siya doon ng matanaw niya ang isang dalagang naka higa sa sapin at napapalibutan ng bolang salamin. 'Akala ko ako lang ang nakaka alam sa lugar na ito?' Tanung ng binata sa kanyang sarili. Dahan-dahan siyang nagpatuloy sa puwesto ng dalaga kong saan hindi kumikibo sa puwesto. Hanggang sa makita niya ang buhok ng dalaga na tumatakip sa mukha kaya hindi niya maaninag ang mukha, umupo siya sa tabi ng natutulog na dalaga at inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha.
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya ng sobrang bilis at nagtatanung sa kanyang sarili kong saan ba niya nakita ang dalagang natutulog ngayun. "Miss," tawag niya dito ngunit hindi siya naririnig. Tinignan din niya kong ayus lang ba ito ngunit wala naman galos sa katawan. Na pansin niyang niyayakap ng dalaga ang sarili habang natutulog kaya hinubad niya ang jacket na suot at ginawang kumot sa katawan ng dalaga. Pinag masdan pa niya ang mukha nito dahil may gumugulo sa kanyang isipan na parang nakita na niya talaga ang dalaga. Mula sa mga naka pikit nitong mata at hanggang sa labi nitong mapupula. Nagtagal ang mga tingin niya doon hanggang sa mapa lunok siya at mag init ang katawan ng biglaan. "Anu bang nangyayare sa akin?" Tanung niya.
Titig na titig lang siya sa dalaga hanggang sa mangalay siya at tumabi sa dalaga sa iisang kumot. Manghang mangha siya sa dalaga na hindi niya mawari at patuloy ang pagtibok ng puso niya. "Pwede ko kaya siyang bantayan, baka kong mapaanu siya pag iniwan ko lang siya." Ngunit laking gulat niya nang kumilos ang dalaga at napa yakap sa kanya. Hindi siya halos maka hinga dahil sa lapit ng mukha ng dalaga sa kanya na anumang oras pwede na niya itong mahalikan at nag init naman ang pisngi. Nahihiya siya sa ganung posisyon nila kahit walang naka tingin, sinasabe ng isipan niya na ilayu niya ang dalaga sa kanya ngunit may nagtutulak naman sa kanya na ayus lang ang ganun.
Titig na titig siya hanggang sa dalawan siya ng antok sa ganung posisyon. Napa dilat siya ng maramdaman na may kong anung bagay sa labi niya, pagdilat niya sobrang lapit na talaga ng dalaga, naka halik ang labi niya sa noo ng dalaga at naka yakap din siya. Napa balikwas siya ng bangon kaya na alimpungatan si Camille, napa upo din ang dalaga at nagkatitigan sila pareho at gulat na gulat.
"Eulexis?" Kumusot kusot pa si Camille sa kanyang mata ng makitang ka harap ang binata.
Saka naman napag tanto ng binata na kilala siya ng dalaga samantalang hindi niya kilala ang ka harap. "Kilala mo ako?"
Na isip muli ni Camille na hindi pala siya naalala ng binata. Napa isip siya ng pwedeng dahilan, "sinung hindi makaka kilala sayu, dati tayung magkasama sa guild?"
"Talaga?" Napa isip tuloy ang binata na kaya pala pamilyar ang mukha ng dalaga.
"Anung ginagawa mo dito?"
Natawa ang binata at napa kamot sa kanyang batok, "ako nga dapat mag tanung sayu niyan, ang alam ko lugar ko toh at bakit ka na andito? Akala ko ako lang ang nakaka alam sa lugar na ito."
Na isip ni Camille na may naalala si Eulexis tungkol sa mga ito at naglulundag ang puso niya sa tuwa dahil may naalalang isang bagay ang binata tungkol sa kanila. "Naglalakad ako kagabe nang makita ko ang lugar na ito, napasyal lang tapos naka tulog ako. Ikaw ba?"
Takang taka ang binata dahil ang gaan ng pakiramdam niya habang nakikipag usap kay Camille, "palagi ako dito, nakita kitang natutulog at maraming mabangis na hayop kaya binantayan kita."
Laking gulat ni Camille nang marinig ang bagay na yun sa binata, "ta---talaga?"
"Sorry kong ginawa ko yun," napa kamot na naman ang binata sa kanyang batok at hindi na niya kinaya dahil nahihiya na siya sa dalaga. Agad siyang tumayo at pinagpagan ang damit. "Babalik na ako sa mansyon, ikaw na bahala kong aalis kana."
Tumayo na din ang dalaga, hindi na napigilan ang kanyang sarili ng hatakin niya sa kanya ang binata at bigyan ng halik sa labi. Hindi maka kilos si Eulexis sa ginawa ni Camille, gulat na gulat ang binata at hindi alam ang gagawin. Agad na lumayo si Camille at tumakbo palayu sa kanya. Gusto niyang habulin ang dalaga ngunit pinag masdan lang niya ang paglayu nito sa kanya. Nakaka bingi ang t***k ng puso niya at para bang may pinapa hiwatig ang halik na yun sa kanya.
Maraming tanung sa isipan niya, kong sini ba ang dalaga, anung pangalan nito samantalang siya kilala at bakit yun ginawa ng dalaga sa kanya. Pero ito lang nag iisang tanung na paulit ulit sa kanyang isipan, 'makikita ko pa ba siya dito?' Hindi niya namalayan na naka ngiti na pala ang labi niya.