AWAKEN 34
NAKA balik ng mansyon si Eulexis sa mansyon ng mga Prix at unang sumalubong sa kanya si Madison na nag aalala ang mukha. "Saan ka galing? Wala ka sa kwarto buong gabe, akala ko nawala kana." Sabay yakap ni Madison sa binata. Yumakap naman si Eulexis sa dalaga at hindi gustong nag aalala ito sa kanya. Na gising na lamang siya isang umaga na ang dalaga ang nakita ang unang mukha at animoy wala siyang maalala tungkol sa kanyang buhay. Pinaliwanag lahat ni Madison na nilusob ang mansyon ng mga Otis at siya lamang ang naka ligtas. Alam din niyan kasintahan niya ang dalaga dahil yun ang paniwala sa kanya, mabait si Madison sa kanta at pinaparamdam ang pagmamahal para sa kanya.
Ngunit wala siyang nararamdaman na kahit anu sa dalaga at animoy may hinahanap niya ang kanyang sarili. "Ayus lang ako, wag kang mag alaala."
"Saan ka ba galing?" Sabay kalas ni Madison sa pagkakayakap sa kanya. Sabe din ng dalaga na patay na ang mga magulang nito sa hindi alam na dahilan. Kaya silang dalawa lamang ang nakatira sa mansyon kasama ang mga kasambahay nito at mga bantay.
Hindi alam ng binata kong tama bang sabihin na natulog siya sa gubat kasama ng hindi kilalang dalaga at hinalikan siya nito. "Galing ako sa bayan, may tinignan at doon na rin ako natulog."
Pagtataka ang gumuhit sa mukha ng dalaga. "Anu naman ang tinignan mo doon? Diba ang sabe ko sayu delikado sa labas, maraming nangyayare at baka kong mapaanu ka."
Ngumiti ang binata, "ayus lang ako, sige magpapalit langa ko ng damit ko."
"Sige, bumaba kana lang kong nagugutom ka at paghahanda kita ng makakain mo." Binigyan na lamang ni Eulexis ng ngiti ang dalaga at tuluyang nagkulong sa silid niya ng makarating siya doon. Hindi paren mawala sa kanyang isipan ang nangyare kagabe at kaninang umaga. Gusto niya uli makita ang dalaga ng hindi niya alam.
Hindi nawala ang pag-iisip ng binata kay Camille hanggang sa kumakat na naman ang hating gabe. Hinintay niyang maka tulog anag lahat lalong lalo na si Madison, hindi niya alam kong bakita kailangan niyang magsikreto at magtago sa gagawin niya pero may bumubulong sa isipan niya na ayus lang ang maglihim. Sa mismong terrace ng silid niya siya dumaan para hindi mahalata na lumabas talaga siya. Nilock din niya mismo ang silid para hindi maka pasok ang kahit na sinu. Nilundag niya ang may taas na limang metro ngunit wala lang ito sa kanya at ginamit ang bilis niya para makarating kong saan sila nagkita ng dalaga.
Nang makarating siya doon ay umiilaw naman ang bolang salamin ngunit wala doon ang dalaga. Nadismaya siya ng sandali at napa upo sa sapin. Palinga linga siya sa paligid at disedidong hintayin ang dalaga kong sakaling bumisita muli ito doon. Lumipas ang segundo, minuto, at oras na hindi paren dumating si Camille. "Dadalaw ba siya dito? Paanu kong natakot siya sa akin? Dapat talaga hindi ko ginawa yun, pero bakit niya ako hinalikan?" Gulong gulo ang isipan ni Eulexis habang naghihintay siya.
Lumipas ang dalawang oras na wala paren ang dalaga kaya na isipan niyang tumayo na ngunit ayaw pa niyang lumisan sa lugar na yun. Nagdadalawang isip siya kong aalis na ba o maghihintay pa ng kahit kaunting sandali.
DAHIL hindi maka tulog si Camille sa gabeng yun at wala na naman si Kaden minabuti niyang pumunta muli sa gubat. Papalapit na siya nang makitang naka tayu si Eulexis sa gitna ng mga bolang salamin. Ang lakas ng t***k ng puso niya at sumagi sa kanyang isipan ang nangyare kaninang umaga. "Bakit uli siya na andito?" Hindi niya namalayan na naglakad na pala siya papapit sa binata. Nang maramdaman na may ibang na andoon maliban sa kanya ay agad siyang humarap sa dalaga. Na andoon na naman ang saya, pagkamangha, pagtatanung sa kanyang sarili at pagkagulat na sa wakas nasa harap na naman niya ang dalaga.
"Buti dumating ka," sabay kamot ni Eulexis sa kanyang batok.
"Bakit, hinihintay mo ba ako?" Ayaw mangarap ng dalaga ngunit yun ang unang pumasok sa kanyang isipan.
"Kong sasabihin ko bang oo, lalayuan mo ba ako o matatakot?" Sabay pilit na ngumiti ng binata para hindi matakot sa kanya ang dalaga.
"Hindi naman ako natatakot sayu at saka para saan para matakot ako sayu?"
"Ewan ko," natahimik ang dalawa saka niyaya ng binata na umupo sa sapin si Camille na ilang beses niyang pinagpagan kanina habang hinihintay ang dalaga. "Upo ka."
"Hindi."
Parang na lungkot ang puso ni Eulexis sa sinabe ng dalaga ngunit pinipilit niyang ngumiti para sabihing ayus lang siya. "Bakit naman?"
"Babalik na ako sa---"
"Bahay ninyu? Malapit lang ba dito sa gubat o kaya dito mismo sa gubat ang bahay ninyu?" Hindi mapigilan mapa ngiti ang dalaga dahil sa sunod-sunod na tanung ng binata sa kanya. "Bakit ka naman lumalabas ng ganitong oras, baka kong mapaanu ka?"
"Oo malapit lang dito, ikaw bakit ka na andito?"
"Kase madalas ako dito at lugar ko toh. Ikaw bakit ka pumunta dito?"
Ang lakas ng kabog ng pareho nilang puso na animoy sasabog, "pinapagod ko ang sarili ko para antukin ako."
"Ah ganun ba, kaya pala." Iniisip ng binata na akala niya para sa kanya ang pagpunta ng dalaga sa gubat ngunit nagkamali siya.
Biglang naalala ni Camille na ikakasal na ang binata kaya napa tanung siya kong bakit pa siya nakikipag usap pa. Pero ang alam niya kaya siya pumayag na bumalik sa Illustra at ewan ang lahat sa mundo ng mortal dahil sa binatang ka harap nito. Gusto ni Camille na ipapaalala niya ang lahat ang tungkol sa kanila ngunit hindi niya alam kong paanu siya mag uumpisa. Lalo na't alam niyang ikakasal ito katulad ng sabe ni Kaden sa kanya, kailangan na niyang umiwas at ayaw niyang maka sira sa relasyun ng iba. Sa tingin niya hanggang doon na lamang ang relasyun nila ng binata nang maka balik siya sa tunay niyang mundo.
Agad siyang tumalikod sa binata para hindi makita ang nagtutubig niyang mga mata. "Aalis na ako, mag ingat kana lang." Ngunit hindi pa siya nakaka layu ng humarang agad si Eulexis sa kanyang daraanan kaya na untog ang ulo nito sa dibdib ng binata.
Alalang alala ang binata sa kanya lalo na nang makitang lumuluha ang dalaga, "may problema ba?"
"Hindi ito tama." Paos na saad ng dalaga habang pinipilit itago ang mukha ngunit pilit naman na inaangat ng binata ang mukha ng dalaga.
"Anung hindi tama?" Hindi maintindihan ng binata kong anung gustong ipahiwatig ng dalaga. Hanggang sa maingat ni Eulexis ang mukha ni Camille at pinunasan agad ang luha. May sumagi sa isipan ni Eulexis na ginawa niya yun dati ngunit hindi niya maalala kong kaninu niya ginawa yun. "Bakit mo ako hinalikan kanina? Magka anu-anu ba talaga tayu, anung pangalan mo?"
Napa ngiti ng mapait si Camille, "hindi muna ako kailangan makilala pa." Lalayu na sana si Camille ng higpitan lalo ni Eulexis ang pagkakahawak sa dalaga. Nagkatitigan ang dalawa at para bang may gustong maulit sa nangyare kanina para kay Eulexis. Para bang gusto niya uli maramdaman ang naramdaman niya kanina nang mahalikan siya ni Camille.
Mabilis na nilapat ni Eulexis ang labi niya kay Camille. Andoon na naman ang tuwa at pagsagi sa kanyang isipan ang salitang pagmamahal na hindi niya nararamdaman kay Madison. Parehong naka pikit ang mga mata nila at ninanamnam ang oras na yun. Hanggang sa dahan-dahan na kumilos ang labi ng binata na lalong nagpahina kay Camille. Dumaosdos ang kamay ni Eulexis sa bewang hanggang sa yakapin nito ang likod, parang kabisado na niya ang gagawin. Napa kapit naman si Camille sa batok ng binata. Naging sabik ang halik na yun at naging mainit. Tumagal sila sa ganung posisyon hanggang sa kumalas ang labi ng binata at pareho silang hingal na hingal.
Napa ngiti si Eulexis, "anu bang pangalan mo?"
Namumula naman ang pisngi ng dalaga, "Camille." Napa isip si Eulexis sa pangalan na yun kaya napa bitaw na siya sa dalaga. "Aalis na ako."
Nawala sa pag iisip ang binata nang marinig yun galing sa dalaga. "Agad-agad, diba pwedeng mag usap na muna tayu kahit sandali."
"Kailangan ko nang umuwi."
"Pwede ba tayu magkita uli?"
"Hindi ko alam."
"Hihintayin uli kita." Tuluyan nang umalis si Camille at ilang minuto pa ang naka lipas ng sundan siya ng binata ng palihim. Hanggang sa pumasok ito sa isang nipa hut. "Dyan pala siya nakatira, malapit lang." Ngiting saad ni Eulexis.