DEATH 112 PUMUNTA naman si Lexi, Rovic at Levy sa isang arena pagkatapos ni Rovic magpahinga sa kanyang katatapus na almusal. Malawak na arena kong saan may mga obstacle na daraanan. "Baka mamaya may hiwaga na naman dito, ayoko pang mamatay." Singhal ni Rovic. Binigyan naman ni Levy ng masamang tingin si Rovic na hindi naman pinansin ng binata, "wag kang mareklamo, kalalaki mong tao ganyan ka." "Tama na yan, mag uumpisa pa ang pangalawang pagsasanay ni Rovic." Aniya ni Lexi Nilibot naman ng tingin nang binata ang paligid, hindi madali ang ibang daraanan, may ibang pwede kang bumagsak sa tubig at maglalambitin para maka tawid sa kabila pa para matapos ang buong pag-ikot sa arena. "Mukhang mahirap din ang isang yan, diba dapat basic muna bago sa super hard?" Pagtataka ni Rovic. "Iba di

