DEATH 111 NANG maka pasok si Rovic sa loob ng gubat ay muli siyang sumulyap sa likod para tignan muli ang dalaga ngunit biglang nagbago ang lugar, puros puno na lamang ang nakikita niya, humarap siya sa direksyon pupuntahan niya ngunit nag-iba na rin ang nakikita niya. Madilim, mausok, lalong lumamig ang paligid at sirang puno ang nakikita niya. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid, puros ganon na lamang ang nakikita niya. Nagtataka siya, ang daming tanong sa isip niya, kong paanong napunta siya sa lugar na yon ng biglaan. Ang gubat na madalas niyang nakikita sa horror movie ang kina tatayuan niya ngayon, alam niya sa sarili niya na hindi siya natatakot ngunit hindi nagsisinungaling ang puso niya na dumadagundong sa kaba sa mga oras na yon. Kailangan paren niyang ituloy ang pagtakb