DEATH 110 NANG magising si Lexi agad siyang nag-ayos sa sarili at agad na dumiretso sa Guild kong saan may kailangan pa siyang kitain doon para sa bago niyang trabaho. Ilang sandali lang ay nakarating na siya doon, naglalakad siya sa pasilyo nang makita rin niya sa dulo ang pinakabatang Master sa kanila. Nakasuot ang binata ng togang kulay itim na may puting desinyo sa likod na kalasag na bilog at habang may suot naman itong bonet sa ulo na halos pinatong lang. Papalapit ito ng papalapit hanggang sa makita ni Lexi na yayakap ito sa kanya kaya inunahan na niya ito. "Subukan mong yumakap, baka bigyan kita ng pangalawang black eye katulad ng dati." Banta ni Lexi kaya agad na umayos ang binata. "Sorry naman, hindi mo ba ako na miss? Ako na miss kita." Ngiti ng binata sabay kindat sa dalaga