AWAKEN 30
WALANG sinayang na oras si Eulexis at kinarga niya ang walang malay na dalaga. "Sidney ibalik mo ang oras kong saan una kong nakita si Camille." Seryoso nitong saad na siya namang kina gulat ng mga kasama nito sa gubat. Nag aalinlangan si Sidney at naka tingin lang kay Eulexis, "dali na."
"Baka kase hindi ko pa magawa."
"Tutulong ako," aniya ni Victoria at alam na niya kong anung gustong mangyare ng binata. Na ibalik na ang dalaga sa dati nitong mundo dahil yun ang tama para kay Camille. Hindi na nagsalita pa ang iba kahit na nagugulahan sa nangyayare. Humawak si Victoria sa isang kamay ni Sidney at walang ano'y sabay silang bumubulong ng kakaibang salita. Ilang minuto ang naka lipas ng animoy bumagal ang oras, nagsitigil ng pagkilos ang buong Illustra at lalong lalo na ang mga kasama nila ngayun. Animoy nalulusaw naman ang paligid hanggang sa makita nila ang sarili na naka tayu sa likurang bahagi ng pinag trabahuhan ng dalaga. Pagsulyap ni Eulexis kay Camille iba na rin ang suot nitong damit, uniporme sa trabaho.
"Dalian mo lang Eulexis, sandali lang ang orasyun na ginawa ko." Aniya muli ni Victoria na hawak paren ang kamay ni Sidney dahil pagnagkataon nagbitaw ang dalawa saka naman mapuputol ang orasyun sa pagbalim ng oras. Nanghihinayang na nilapag ng binata si Camille sa sahig, kinatitigan muna niya ito hanggang sa bigyan ng huling halik sa labi.
"Magkikita pa tayu, pero hindi pa sa ngayun. Alam kong babalik ka, hihintayin kita uli hanggang sa maka balik ka sa akin. Sa ngayun kailangan muna kitang ibalik kong saan kita kinuha. Mahal na mahal kita sana wag mo akong makakalimutan."
Ayaw pa sana ni Eulexis na tumayo ay ewan ang dalaga ngunit kailangan niya itong gawin sa ngayun. Nang maka tayu na siya at saka naman bumitaw si Victoria kay Sidney hanggang sa maka balik muli sila sa gubat. Na andoon na uli at kumikilos na ang lahat. Takang taka naman ang lahat dahil biglang nawala ang dalagang si Camille. "What happen to Camille, where is she?" Hindi nila na sagot ang tanung ni Lexi, tanging nakaka alam ng nangyare ay si Eulexis, Victoria at Sidney.
Minabuti nilang maghiwa-hiwalay na muna at nag siuwi naman ang mga mansyon ang mga ito. Na andoon na ang mga magulang nilang sila Dylan at Eunice. "Naka balik na ba ng maayus si Camille?" Tanung ni Eunice sa mga bagong dating ngunit nagsitinginan ito kay Eulexis na animoy ito lang ang makaka sagot sa tanung na yun. Kaya napa sulyap din ang mag asawa sa panganay nilang anak at hindi maipinta ang malungkot nitong mukha. Napaka bigat ng pakiramdam ni Eulexis ng mga oras na yun, parang gustong niyang balikan si Camille ngunit maiiba ang naka planong ginawa niya. Ayaw niyang mapa hamak ang dalaga at gusto pa niyang matupad ang gusto nitong mangyare. Sinisisi niya ang lahat sa nangyare na kong di dahil sa kanya hindi magugulo ang buhay ng dalaga. Napa kuyom ang mga palad niya at hindi niya na pansin na may dumaosdos sa kanyang pisngi galing sa kanyang mga mata.
Ang pagkawala ni Camille sa ngayun ay para na rin siyang namatayan. Hindi niya mawari kong anung gagawin niya. Hindi kayang makita ni Eunice na nagkakaganun ang isa sa mga anak niya kaya agad niya itong yinakap at inalo. "Magiging ayus din ang lahat," mahinang saad ni Eunice sa panganay na anak. Kahit din sila Kaden, Sidney, Lexi at Tina ay nararamdaman kong anu ba ang nararamdaman ng binata. Hindi sila sanay na makitang ganun ito lalo na't alam nilang palabiro at masayahin su Eulexis.
Nang mapa tahan ni Eunice ang anak saka naman niya tinanung muli kong anu ba talagang nangyare. Paos at paputol putol ang mga salita ni Eulexis pero tama lang para maintindihan ng mag asawan ang kwento ng anak. "Ginawa ko ang makakaya ko, binuhay ko siya."
Nagkatitigan si Dylan at Eunice na animoy nag uusap sila sa mga mata. Kabadong kabado si Eunice sa pwedeng mangyare sa kanyang anak pagnalaman ito ng council. Nagpasulyap ang lahat ng mag anak ng kusang bumukas ang malaking pinto ng mansyon. Pumasok ang tatlong miyembro ng council na galing sa Swiss at si Victoria. "Anung ginagawa ninyu dito?" Habang pilit ni Eunice na tinatago ang anak sa likuran niya.
"May ginawa ang anak ninyung labag sa batas ng Illustra, dahil doon kailangan niyang maparusahan." Parang aatakihin si Eunice, mawawalan ng alaala ang anak niya, ang alaala ang isang kayamanan ng nilalang na maitatago niya habang nabubuhay ngunit mawawala ang sa anak niya.
Laking gulat ng lahat na lumuhod si Eunice sa harap nito at agad na lumapit si Dylan para pigilan niya ito ngunit hindi nagpapigil si Eunice. "Ma," hagulgol na tawag ni Lexi at hindi kayang makitang ganun ang ina. Napa yuko na lamang sa inis, galit si Eulexis dahil sa nagawa at sa kapabayaan niya nangyare ito lahat. Wala siyang magawa para sa nanay niya at pinapanood lang para siya'y ipagtanggol.
"Eunice, tama na."
"Bitiwan mo ako, wala ka bang gagawin para sa anak mo! Sanggol pa lang siya, marami na siyang pinag daanan at alam mo yan pero papayagan mo na lang na mangyare ito sa kanya!" Hindi makapag salita si Dylan sa sinabe ng asawa.
"Wala tayung magagwa Eunice, lahat ay dapat mangyare." Aniya ni Astra
"Hindi, ako na lang."
Napa titig lalo si Eulexis sa kanyang ina dahil sa sinabe nito. "Ma hindi---"
"Tumigil ka Eulexis, ako masusunod hindi mo kailangan sumama sa kanila." Humarap muli si Eunice sa tatlong council, "ako na lang wag lang ang anak ko. Nagmamaka awa ako," hagulgol ni Eunice at iniisip kong anung pwedeng sabihin ng mga makakakita sa kanya. Ngunit ina lang siya na nag aalala sa kanyang anak at ayaw niya itong ipahamak. Gagawin niya ang lahat mapabuti ang mga buhay nito kahit na buhay pa niya ang kapalit. Hindi na mapigil ni Eulexis at nagmadali siyang lumapit sa mga kukuha sa kanya. Gulat na gulat naman si Eunice, "anak wag kang sasama sa kanila."
Ngumiti ng mapait si Eulexis ngunit hiyang hiya na siya sa kanyang na gawa at ayaw din niya madamay ang pamilya lalo na ang ina nito. "Ma, aalisin lang naman nila ang alaala ko babalik ako sa inyu."
"Hindi mo kase ako na iintindihan Eulexis, pagnawala ang alaala mo mawawala din ang lahat ng masasayang nangyare sa buhay mo na isang pinakamahalagang kayamanan ng nilalang sa mundo. Hindi muna ako makikila, kami ng pamilya mo at hindi ko gusto na makita kang walang alam sa naka paligid sayu."
"Makakalimutan ko man kayu pero alam ko nasa puso ko kayu." Hindi nag asksaya pa ng oras ang council at hinatak na papalabas si Eulexis. Napaka lakas na hagulgol at pagtawag sa kanya ng ina ang huli niyang narinig. Agad siyang dinala sa isang silid na ang laman at lamesa at upuan. Isang silid sa mansyon ng mga Swiss, ito ang unang pagkakataon na gagamitin ito at sa isa pang maharlika.
Tulala lang ang binata sa loob hanggang sa pumasok si Victoria. Nalulungkot din si Victoria sa nakita niya at sa nangyare kanina sa mga mansyon ng mga Otis. "Ayus ka lang ba?"
"Hindi. Bakit ikaw ang na andito?"
"Sabe ng council magiging tagapag mana na ako ni mama na isa ding council total tapos na ako sa guild yun nga lang ang huling pagsusulit sa akin ay ako dapat ang mag aalis ng alaala mo."
"Ayus lang yan. Maalala ko pala, salamat kanina sa tulong mo para maibalik si Camille."
"Patawarin mo ako, agad nilang nakita kong anu nga ba ang nagawa mo kaya nila nalaman ang lahat. Malinis na sana ang mga kamay mo kong hindi mo binuhay si Camille. Alam na nila na sila Marty ang mag gawa ng lahat."
"Tama na."
Hindi nagsalita si Victoria at naglapag ng maliit na botelya sa harap ng binata. Na iinis siya sa mga nakaka harap niyang nagkukunwari masaya at walang problema ngunit sa loob-loob nito gusto na nilang sumuko, katulad ng nakikita niya ngayun kay Eulexis. May itim na likido sa botelya at animoy may mga glitters sa loob. Tama ang narinig ni Victoria kay Eunice na isang kayamanan ang alaala at pagnawala ito mahirap ng maka kuha uli. Kase ang bawat alaalang nangyayare sa isang nilalang masaya man o hindi ay isang beses lang nangyayare. Napag tanto niyang ang panget pagwala kang alaala at animoy para kang naliligaw na bata sa isang hindi mo kilalang lugar.
"Hindi ko kukunin lahat ng alaala mo na meron ka," seryosong saad ni Victoria at kinatitigan naman siya ng binata na animoy hinahanap sa kanyang mukha kong nagbibiro ba siya.
"Anung sabe mo?"
"Hindi ko kukunin ang lahat ng alaala na meron ka, ang kukunin ko sayu ay alaala kong saan nakilala at naka sama mo si Camille."
"Kaya mo yun?"
"Oo, at isa pa may tanung ako?"
"Anu yun?"
"Kong aalisin ko ang alaala mo tungkol kay Camille, anu ang gusto mong maiwan at kahit paanu may maalala ka tungkol sa kanya."
Sumagi lahat ng alaala ni Eulexis ang lahat ng nangyare habang magkasama sila ng dalaga, lahat yun ay napakaganda at hindi niya malilimutan. Pero may isang bagay na tumatak sa kanya at kailangan niyang maghirap para lang kay Camille. Naalala niyang allergy ito sa bulaklak at gumawa siya ng napaka raming bolang gawa sa purong salamin para doon ipasok ang mga bulaklak para sa dalaga. Napa sulyap din siya sandali sa mga kamay na may kaunting galos pa sa pag gawa na ngayun ay pa galing na. "Gusto kong maiwan yung alaala na naghahanda ako ng mga bolang salamin tapos sa loob nun ang iba't ibang uri ng bulaklak. Na andoon paren yun sa gubat hanggang ngayun, yun ang gusto kong maiwan."
"Masusunod," hindi paren maiwan ang pag galang ni Victoria kay Eulexis dahil magiging lider na toh ng Otis Clan. "Inumin mo yung nasa botelya at mangyayare ang gusto mo."
Natatakot man ang binata na baka ikamatay niya ang pag inum doon ngunit ginawa na lamang niya. Nang malasan niya ang likido para siyang uminum ng alak na may maanghang na lasa. Inubos niya ito hanggang sa mabilis na inantok. Tumama ang mukha niya sa lamesa ng mahulog ito at hinayaan na lamang siya ni Victoria na maka tulog.