AWAKEN 31
INIWAN ni Kaden ang dalaga sa sarili nitong nipa hut at nagpaalam na may aasikasuhin ito sandali. Halos mag iisang oras na palabas at papasok ng bahay si Camille para lamang mawala ang lungkot niya habang mag isa. Kong na sa loob siya, hihiga sa kama ng binata, pagnainip naman siya sa kakahiga, tatayu at pupunta sa bintana para tanawan ang pagdating ng binata ngunit wala paren ito. Paminsan minsan ay palibot libot ang dalaga sa loob at pinag mamasdan ang lahat ng kakaibang makikita. Nang mainip naman siya sa loob ay agad naman siyang lumabas at naka tingin sa kawalan. May isang bagay ang sumagi bigla sa kanyang isipan at dahan-dahan na naglakad.
Ang maliliit na lakad ay naging nagmamadaling hakbang na hindi namamalayan ng dalaga. Hindi na rin niya alintana ang layu niya sa nipa hut. Pasikot sikot na siya sa gubat at hanggang sa maramdaman niya ang pagbilis lalo ng paglalakad. Tuwang tuwa siya na animoy para na siyang tumatakbo ngunit hindi napapagod. Isang bagay na kina hangaan niya sa mga aswang, ang bilis ng kilos na nakuha din niya. Hindi niya alam kong saan siya papunta ngunit hinayaan lang niya kong saan ba siya dadalhin ng mga paa. Hanggang sa matanaw niya ang isang bayan kaya napa hawak siya sa puno para hindi siya tuluyang maka labas ng gubat.
Bahagyang maingay sa lugar naririnig niya mula sa kinatatayuan niya. Lumabas na siya ng tuluyan sa gubat at dahan-dahan na naglalad papalapit sa mga katulad niya habang nakikiramdam. Natatakot siya na baka mahalata siyang baguhan at hindi aswang. Napa hinto siya sa pagsagi sa kanyang isipan ang ideya na yun at simpleng pinag tawanan ang sarili. 'Aswang na ako at dahil ito kay Eulexis. Malamang hindi na ako maamoy bilang mortal.' Kaya hinayaan niyang mawala ang kaba at takot sa pagkatao niya.
Naglakad-lakad pa siya at napa daan sa mga nagtitinda ng kong anu-anung bagay o kaya pagkain. Halos puros itim din ang kulay ng damit ng mga aswang na nakaka salubong niya. Puno din ng tabi tabing tindahan at bahay sa paligid. May mga batang naglalaro at masayang masaya naghahabulan. Normal lang ang lahat katulad din ng mga tao ang pamumuhay sa bago niyang mundo. Hindi niya maiwasang mapa ngiti uli, ayus na ang lahat at tanggap na niya ngunit hindi nila kapiling ang binatang si Eulexis.
Sa mismong gitna ng bayan may naka tayung fountain, sa tubig nito puno naman ng mga barya at animoy ginagawa din nila itong wishing fountain. Tila bumagal ang oras kay Camille ng mapa sulyap siya sa likod ng lalaking nasa kabilang banda ng fountain na kahit likod lang ang nakikita alam niya kong sinu yun. Hinintay niyang humarap ito sa kanya ng kahit kaunti at kakalabas lang sa isang gusali na katapat din ng fountain na hinintuan niya. Ang lakas ng t***k ng puso niya at hindi nga siya nagkamali, si Eulexis nga ang hinala niya.
Lalong natigilan ang dalaga ng saglit na nagtama ang mga mata nila ngunit hindi na pansin ng binata na may nakatingin pala sa kanya. Gusto niyang lumapit ngunit nabato siya sa sinabe ni Kaden sa kanya na ikakasal na ito at hindi siya naalala. Dahang dahan na lungkot ang mukha niya, gusto niyang tulungan ang binata na bumalik ang alaala nito. Lalapit na sana siya ng may humatak sa kanya pa harap, "anu bang ginagaw mo dito Camille?" Nawala ang pag iisip nito nang makita ang nag aalalang mukha ni Kaden. Hindi niya muna pinansin ang tanung ng binata, humarap muli sa harapang bahagi ng gusali ngunit wala na ito at muling sumulyap kay Kaden. "Sinabe ko diba sayu na wag ka munang aalis at hintayin mo ako ang magdala sayu dito."
Hindi na nagdalawang isip na hindi sabihin ni Camille ang nakita niya, "nakita ko si Eulexis kanina lang bago ka dumating." Ngunit gulat ang gumuhit sa mukha ng binata.
"Nakita mo siya?"
"Oo kanina lang doon oh," sabay turo ni Camille sa harapan ng gusali at hindi nag atubiling hilahin ni Kaden si Camille sa gusaling yun para tignan. Takang taka ang dalaga sa kinikilos ng binata ngunit doon nila nalaman na tindahan pala ito ng mga gamit sa bahay. Hindi rin maintindihan ni Camille kong para sa ang gulat ng binata. "Ayus ka lang ba?"
"Oo, halika na bumalik na tayu bago pa magdilim."
"Ayus na sa akin na makita ko man lang siya kahit nasa malayu atleast nakita ko siya." Hindi gaanung pinansin ni Kaden ang sinabe ni Camille at may kong anung gumugulo sa isipan nito hanggang sa maiuwi niya ang dalaga.
TAHIMIK ang buong mansyon ng mga Otis at tanging si Sidney lang ang naghihintay sa kanyang pagdating na tatlong araw ding naghintay sa kanya. "Ibig sabihin ba nito naka uwi na si Camille dito sa Illustra?"
"Oo, wag kang maingay doon tayu sa silid mag usap." Nang makarating naman sila ng silid saka naman silang nag usap tungkol sa mga nangyayare. "Ayus na ba si mama?"
Napa yuko ang binatang si Sidney sa tanung at humiga sa kama ng kakambal. "Wala, lalo lang lumalala ang kalagayan ni mama at pati si papa nang hihina na makitang ganun si mama. Hayyy naku! Na saan na ba si Eulexis?"
Yan ang tanung ng lahat at lalo na ni Kaden, na saan na ang kapatid niyang si Eulexis kaya takang taka siya ng sabihin sa kanya ni Camille na nakita niya si Eulexis. Akala nila pagkatapos ng pagkuha ni Victoria sa alaala ay naka balik ito ng ligtas sa kanila ngunit pagkalipas ng dalawang araw nawala na lamang ng parang bula ang kapatid at kasabay ng pag uumpisa ng sikretong rebilyon sa Illustra na hindi paren matukoy kong sinu ang nagpa umpisa. Doon din nag umpisang magkasakit ang ina nilang si Eunice sa pagkawala ng kapatid. Tama ang sinabe niyang hindi naalala ng kapatid niya si Camille ngunit nag sinungaling siyang ikakasal na ito dahil nawala ang kapatid at baka ipilit ng dalaga na makipag kita sa kanyang kapatid gumawa siya ng dahilan.
Nagkwento si Kaden sa kakambal kong paanu niya nagawa ang lahat para maka balik ng ligtas si Camille at sa nakita nito. "Sigurado ka na nakita ni Camille si Eulexis?" Napa upo sa gulat ang kakambal nito.
"Oo, tapos yun daw biglang nawala nang galing ito sa tindahan ng gamit sa bahay."
"Nagtanung ka lang ba?"
"Hindi pa, baka maka halata si Camille. Eh kayu ni Victoria, may nakita na ba kayung pwedeng lugar mahanap si Eulexis?"
Isang malungkot na mukha ang binigay ni Sid sa kakambal na alam na nila ang ibig sabihin nun, "hindi rin, sabe ni Victoria madali lang ang lahat ngunit may maitim na mahikang gumagamit dito para matakpan ang lahat."
Itim na mahika ang isa sa mga bawal sa kanila at takang taka ang dalawa kong sinu ang taga Illustra ang gagamit sa bagay na yun. "May alam ba kayu na pwedeng gumamit nun?"
"Ang Swiss lang ang may kayang gumawa ng ganun. Pero noong unang pagsugod ng propaganda, alam ng mga ito kong sinung pamilya sa Swiss ang may hawak nun at yun ang unang kinuha. Sa ngayun sa mansyon ng mga Swiss ang pang huling pamilya ang nagtatago sa itim na mahika." Ang itim na mahika ay katumbas ng likidong pina painum sa mga aswang para mawalan ng alaala ngunit ang nasabeng itim na mahika ay ginagamit para mapa sunod ang isang nilalang at para matakpan ang ibang mahika na pwedeng kumalaban kong sinu man ang may hawak nun.
Natahimik ang magkakambal at nag isip muli bago nakapag salita si Sid, "anu nang plano natin?"
"Hindi ko pa alam, siguro kailangan kong pumunta sa Swiss bukas at sa tindahan na tinuro ni Camille sa bayan ng Prix."
"Sasama na ako sayu," sambit ni Sid sa kakambal. Napaka gulo paren ng sitwasyun ng mga taga Illustra dahil sa sikretong propaganda na halos kabataan ang kasali. Balita din sa buong bayan ang pagkawala pa ng ibang kabataan pagtuwing gabe at makikita na lamang nila ang kabataan na sumusugod sa kabahayan para mang gulo. Kaya ingat na ingat si Kaden kay Camille na baka makuha din ng nasabeng propaganda ang dalaga.
Napa sulyap naman si Kaden kay Sid ng magtanung ito bago sila tuluyang magpaghinga. "Sa tingin mo makaka tulong ba si Camille sa paghahanap kay Eulexis?"
"Hindi ko alam, Sid. Hindi ko alam."