AWAKEN 24
AGAD na binitawan ni Victoria ang binata at lumayo ng bahagya. Dahil sa nangyayare napag desisyunan ni Toby na isara ang pinto ng silid kong na saan sila. Titig na titig naman ngayun si Victoria kay Camille at kinakabisado ang mukha nito. "Anu bang nangyayare?" Tanung ni Toby sa tatlong ka harap.
Lumapit si Victoria kay Camille, dahil sa takot ni Camille napa atras ito. "Anu bang ginagawa mo?" Hinihila na siya ni Eulexis ngunit hindi siya nagpapapigil kaya nagpatuloy lang ito sa paglapit kay Camille.
Hindi makapag salita ang dalagang si Camille at si Victoria naman ay nalutas ang kanyang suliranin sa bisyon, naka hinga na siya ng maluwag. "Ikaw ang mortal, diba?"
Hindi alam ni Camille kong magsasalita ba siya o anu. Sinulyapan niya si Eulexis, tinanguan siya nito at saka bumalik ang tingin kay Victoria. "A---ako nga, hindi ko naman sinasadyang maka pasok sa mundo ninyu," nangangatg nitong paliwanag.
Nagulat naman si Eulexis at Camille nang ngumisi lamang si Victoria. "Wala naman akong mapapala kong alam ko kong na saan na ang mortal, ang akin lang mag ingat ka lalo kana Eulexis."
"Huh?" Hindi paren maintindihan ng binata ang pinag sasabe ni Victoria.
"Alam kong hindi ikaw ang nagpapasok sa kanya, alam ko kong sinu, isa sa mga kaibigan mo---"
"Dati kong kaibigan," pagtatama ni Eulexis.
Nagpatuloy si Victoria, "tinulungan mo lang ang mortal na ito kaya nadadawit ka, hindi mo kasalanan ang lahat."
"Talaga?" Gulat na gulat na tanung ni Eulexis.
Napa sulyap naman ang binata kay Camille ng magsalita ito. "Yun yung gusto kong sabihin sayu, hindi naman talaga ikaw ang may gawa kaso pinipigilan mo akong sabihin kase ayaw mong maalala lahat."
Ngayun lang na isip ng binata na lahat ng pagsisi ng kanyang ginawa eh hindi naman pala niya kasalanan. "Ngunit kailangan muna siyang palayain, magbubukas na ang lagusan sa araw ng Spring Gala. Kailangan na niyang maka alis dito bago pa man siya mapatay ng mga kaibigan mo."
"Anu?"
"Dalawang buwan ako nagkulong para lang mabasa ang ritual ko, bawat ritual na ginagawa ko, pinapakita naman ng bisyon ko ang mukha mo. Kamuntik na akong maghinala sayu pero yung pinaka huling ritual ko, lahat pala ng tungkol sayu ay patungkol din sa apat kong pinsan at sila pala ang may gawa ng lahat ng ito. Gusto nilang isisi sayu ang lahat, papatayin ka nila, katulad ng paghahabol nila sa akin para mapatay dahil nakaka basa ako ng bisyon na pwedeng mangyare sa susunod." Sumulyap sandali si Victoria kay Camille at saka muling sumulyap sa binata. "Kaya hindi ko nakikita ang mukha niya dahil may malakas na angkan nagtatago sa kanya at para bantayan. Isa lang ang pwede mong mali at kailangan mo nang pigilan, ang magmahal ng mortal."
Isang bagay na sinampal sa mukha ni Eulexis ngunit nagkunwari siyang walang narinig. Bagkus humarap ito sa kanyang pinsan, "ikaw Toby wag kang magsasalita kahit kaninu ng nalaman at narinig mo. Kong ayaw mong madamay."
Umiling iling na lamang ang binatang si Toby, "oo, oo hindi ako magsasalita para hindi ako madamay."
"Tutulong akong maka labas siya dito sa Illustra, itatama ko ang lahat at hindi ka madadamay dito Eulexis."
MAGKATABI si Camille at Eulexis sa kama ng dalaga. Minabuti na lang nilang umuwi pagkatapos ng pag uusap na yun. Ang saya-saya pa lamang nila kanina tapos babawiin din pala ang kasiyahan nila. Hindi nila akalain na matatapos din pala ang lahat. Magkaharap ang dalawa habang naka yakap si Eulexis sa bewang ng dalaga at nagtatago sa dibdib ni Camille. Pinag lalaruan naman ni Camille ang buhok ng binata at kapwa pinapakiramdaman ang bawat isa.
Buong gabe silang gising at animoy sinusulit ang bawat oras nila na magkasama. "Camille."
Lahat ng ginagawa ng binata para kay Camille ay kakaiba kahit na sa simpleng pagtawag sa kanyang pangalan. "Anu yun?"
"Pwedeng tayu na lang magkasama sa Spring Gala hanggang sa umalis ka?" Isang nakaka binging katahimikan ang pumagitna sa kanila at saka na isipan ni Camille na magsalita.
"Oo naman, pero sana wag mong isipin na aalis na ako."
Humigpit ang pagkakahawak ni Eulexis sa laylayan ng damit nito. "Hindi ko naman iniisip, ang alam ko aalis ka lang at hihintayin ka araw-araw kase alam kong babalik ka." Hindi na pigilan pang maging emosyunal ang dalaga at dahan-dahan dumaosdos ang luha sa mukha nito. Hindi siya nagpahalata sa binata at pinipilit na maging tahimik ang pagluha. Ilang minuto pa ang nagtagal ng dalawin sila ng antok at hindi na nilang mapigilang mapa pikit habang ganun ang posisyun nila.
DUMATING ang oras ng pinaka hihintay ng mga taga Illustra, ang Spring Gala. Lahat ay bihis na bihis at may mga ngiti sa mga labi. Iisang grupong dumating sila Camille at Eulexis, kasama sila Sidney, si Kaden, Lexi, Tina at ang kasintahan nitong si Jonas. Isang malawak na lugar sa gitnang gubat ginanap ang Spring Gala, alam na din ng magulang at mga kapatid ni Eulexis ang mangyayare sa gabeng yun. Lahat ay nagsasaya maliban kay Eulexis, Camille na pinipilit na ngumiti at maging masaya dahil may kong anung mabigat sa kanilang mga puso.
May mga palamuti ng mga nag-gagandahang ilaw sa palibot ng lugar at sa mga puno. May masasarap na pagkain para sa mga pupuntang taga Illustra, halo-halo ang angkan na nagpunta. May mga upuan na bilog at lamesa. Naghanap ng isang lamesa ang grupo ni Eulexis at doon pumesto sa pinakamalapit na labasan kong sakaling kailangan na nilang ihatid si Camille. Na una ang seremonyang pagbabasbas sa may mga edad labing walong taon para magibg ganap na immortal.
Pagkatapos nun ay nag sikainan na ang mga bisita at saka naman lumapit si Victoria sa grupo nila Eulexis. Habang tumatagal lalong kinakabahan si Camille at Eulexis. "Bukas na ang lagusan."