Awaken 25

1502 Words
AWAKEN 25 HABANG nagkakasiyahan ang mga kabataan doon at ang iba pang matatanda sa Spring Gala. Ang grupo naman ni Eulexis ay maingat na tumakas sa kasiyahan. Ihinatid nila si Camille sa gubat kong saan malapit na sa lagusan. Huminto na sila at hindi pwedeng lumapit ang grupo nila Eulexis sa lagusan ngunit alam nilang kaya na ito ni Camille. Ang lungkot nila Camille at Eulexis ay napalitan ng kaba sa mga oras na yun. "Tumakbo kana, wag na wag kang huminto, kahit na anung maririnig mo tumakbo ka paren. Pilitin mong maka labas ka ng Illustra. Hindi kana pwedeng pang ihatid ni Eulexis sa labas ng lagusan baka lalo lang lumalala ang sitwasyun sa inyung dalawa." Paliwanag ni Victoria, may hindi magandang nakita si Victoria sa kanyang bisyon na pwedeng ikamatay ng isa ngayung gabe ngunit hindi niya alam kong sinu dahil hindi niya nakita ang mukha. Napa tango si Camille, "niitindihan ko." Napa sulyap naman ang lahat kay Eulexis na naka yuko habang hawak-hawak ang kamay ni Camille na hindi paren binibitawan. "Eulexis, kailangan nang umalis ni Camille baka may maka kita pa sa atin diti." Hindi na pigila ang nararamdaman ni Eulexis at sa huling pagkakataon hinalikan niya sa labi ang dalaga. Wala siyang pake alam kong nakikita siya ng iba sa kanilang ginagawa. Pero ito na ang huli nilang pagkikita. Dahan-dahan na kumalas si Eulexis ka sabay ng pagbitaw niya sa mga kamay nito at makikita ang mga luha na nag uunahang maka wala sa mata ng dalaga. "Hindi ko man masabe mo sa magulang mo na ang laking pasalamat ko na kayu ang nag alaga sa akin habang na andito ako, pake sabe na lang maraming salamat. Maraming salamat sa inyu." Hindi na hinintay pa ni Camille ang sasabihin ng kahit isa sa kanila. Tumakbo siya ng tumakbo, paminsan minsan ay iniilagan niya ang mga naka harang na puno. Hindi mawala sa kanyang isipan ang pagbitaw ng binata, kahit sa maikling panahon ay nagmahalan sila at hindi niya ito makakalimutan hanggang sa mamatay siya. Taas baba ang dibdib niya habang natakbo dahil sa hingal. Ngunit hindi pa siya nakaka layu ng may marinig siya ng isang sigaw na nang gagaling sa pinang galingan niya kanina. Parang tumigil ang mundo ni Camille, napa kapit siya sa punong malapit sa kanya, tanging nagtatamang dahon dahil sa hangin ang naririnig at sunod-sunod niyang sigaw. Sumulyap ang dalaga kong saan siya nang galing at isa pang sigaw ang narinig niya na umaalingawngaw sa buong gubat. Tumingin muli siya sa diretsong daan kong saan nagtuturo pa tungong lagusan, Tumakbo kana, wag na wag kang huminto, kahit na anung maririnig mo tumakbo ka paren. Pilitin mong maka labas ka ng Illustra. Hindi kana pwedeng pang ihatid ni Eulexis sa labas ng lagusan baka lalo lang lumalala ang sitwasyun sa inyung dalawa.' Sumagi sa kanyang isipan ang bilin sa kanya ni Victoria kanina ngunit may nagtutulak sa kanya na kailangan niyang bumalik. Kusang gumalaw ang mga paa niya at tumakbo pa balik. Mula sa lugar nila Eulexis ng maka alis si Camille bigla naman nag silitaw ang mga arrow na galing sa itaas na bahagi ng puno dahil sa takot napa tili si Lexi. Hinatak ni Sidney ang kapatid na babae at saka tinago sa mga bisig para hindi matamaan. "Ito na nga ba ang sinasabe ko, may mamamatay." Bulong ni Victoria habang nililigtas ang kanyang sarili sa mga ulan na arrow. Walang takot na tumangala ang binatang si Kaden at hindi alintana na baka siya'y matamaan. Hinanda niya ang pana at palaso, kahit na gabe ay malinaw ang kanyang mga mata at talagang hinanap kong saan nang gagaling ang mga ito. Sumulyap siya sa kanang bahagi ng malaking puno at walang anung pinatamaan kong sinu man ang na andoon. Na hinto ang pag ulan ng arrow at nalaglag si Max sa lupa. Dahil sa gulat at sa mismong kila Lexi nalaglag kaya ito'y napa tili sa gulat. May tama sa ulo at dibdib si Max. Mabilis na tinamaan muli ni Kaden ang isa pa at nalaglag mula sa puno si Drew. Lumitaw naman sa dilim si Ben at susugurin sana si Eulexis na tulala sa isang tabi. Ngunit agad na nakita ito ni Sidney at inatake si Ben. Hinatak ni Sidney ang buhok nito ngunit mabilis din si Ben at agad na gumawa ng istratehiya para maka wala sa hawak ni Sidney. Ngunit hindi na ituloy ni Ben ang gagawin niya ng panain siya ni Kaden sa mismong dibdib kaya agad itong nawalan ng malay at binitawan naman siya ni Sidney. Malapit na si Camille sa grupo nila Eulexis at natatanaw na niya ang mga ito. Ngunit napa hinto siya ng may humatak sa kanyang buhok at naramdaman na lamang niya ang kanyang likod na tumama sa isang puno. Napa singhal siya sa sakit at naramdaman na naman niya ang malakas na pwersang humihila sa kanyang buhok na halos mapunit na ang kanyang anit. Hinila siya at hiniga sa damuhan. Nakita niya ang naka ngising mukha ni Marty na halos parang baliw na tignan at may hawak na patalim. "Andito ka pa pala? Tatakas ka pa ah." Hinang hina na si Camille pero pinilit niyang gumapang at hinayaan lang siya ni Marty. "Anung akala mo papatakasin kita, ikaw ang may kasalanan nito." "Waka akong ginawa sa inyu," mahinang saad ni Camille. Hinatak na naman siya ni Marty sa mga paa at pina higa. Dumidikit na ang dumi sa suot na damit ni Camille at sa kanyang mukha. Dahan-dahan na tinarak ni Marty ang patalim na hawak. Ramdam ni Camille ang kirot at sakit na dumadapo sa kanyang katawan na ngayun lang niya naramdaman. Gulat na gulat at naka awang ang kanyang labi. Napa kagat pa siya sa kanyang labi ng pinaikot doon ni Marty ang patalim sa katawan ni Camille habang naka tarak. Dahan-dahan pa itong hinila palabas ni Marty at iniisio na lamang ng dalaga na hindi na itong ang kamatayan niya. Hanggang sa sunod-sunod na sinaksak ni Marty ang kahit na anung parte ng katawan ni Camille. Taas baba ang dibdib ng dalaga hanggang sa huminto ito, hindi na tumitibok ang puso ng dalaga at binawian siya ng buhay nang dilat. Mula sa puwesto nila Eulexis ay bigla siyang na alerto ng maamoy niya dugo ng isang mortal, napaka bagong dugo ng isang mortal. Hindi lang siya ang nakaka amoy pati rin ang iba niyang kasamahan. Isa lang ang pumasok sa kanya, si Camille. Kusang naglakad ang mga paa niya at pabilis ng pabilis hanggang sa maging takbo na ito habang sinusundan kong saan nang gagaling ang amoy. Na hinto siya ng makitang naka tayu si Marty sa iaang bangkay, napa kuyom siya ng makitang si Camille ang duguang bangkay. Nakita rin niya ang patalim na hawak ni Marty na may dugo, pati ang kamay ng binata at ang labing naka ngisi habang labas ang ngipin na kulayan ang pulang dugo ng dalaga dahil ininum ni Marty ang ibang dugo ng dalaga. Hindi na nahintay pa si Eulexis na unahan pa siya ni Marty at agad na umatake sa binata. Sinapak niya ito, aatake sana si Marty ng unahan muli siya ni Eulexis. Hindi nag bigay ng pagkakataon si Eulexis para sa dating kaibigan. Pinilipit niya ang kamay nitong may hawak ng patalim at agad na kinuha ang patalim. Galit na galit siya at nilalamon ng galit ang buo niyang katawan. Pinagsasaksak niya si Marty wala siyang pake alam kong anu ba ang matatamaan niya, ang nasa isip lang niya ay mamatay si Marty. Wala nang buhay si Marty ngunit patuloy paren si Eulexis sa kanyang ginagawa. Hanggang sa mapagod siya at hinayaan lang na bumagsak ang katawan ni Marty sa lupa. Dahan-dahan naman siyang lumapit  sa bangkay ni Camille. Nang hinang lumuhod ang binata sa tabi ng dalaga. Kinuha ng binata ang katawan ni Camille, pinunasan nito ang mukhang puno ng sariling dugo at pinikit ang mga matang dilat. Hinang hina siyang makitang maputla ang balat ng binata at malamig nitong bangkay. Gusti niyang magsalita ngunit walang lumalabas na salita sa bibig. Nagsidatingan din ang mga kasama niya at gulat na gulat na patay na ang dalagang si Camille. Napa takip naman si Lexi sa kanyang bibig at hindi makapaniwala sa nakikita niya. Naalala ni Eulexis ang isa nilang pag uusap noo ni Camille. Na gusto ring maging prinsesa ni Camille at gustong tumakas sa reponsibilidad na meron siya. Na gusto pa makuha ni Camille ang pangarap niya na makapag tapos ng pag aaral. Walang anung sinira ang tela sa kanang bahagi ng suot na damit ni Camille. Na isip na nila Victoria at Sidney ang gagawin ng binata. "Wag na wag mong gagawin yan," paalala ni Victoria. Ngunit walang naririnig ang binata, kasabay ng pagkagat niya sa kanang balikat ni Camille ang pag tawag nila Sidney sa kanyang pangalan. Ang gusto niya ay mangyare ang pangarap ni Camille, wala na siyang pake alam kong kasalanan pa ang ginawa niya ngayun basta ang nasa isip niya ang kabutihan ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD