Awaken 26

1195 Words
AWAKEN 26 NAPABALIKWAS ng bangon sa kama si Camille, gulat na gulat, nagtataka kong nanaginip lang ba siya o totoo ba ang lahat ng nangyare. Pamilyar ang maliit at masikip na silid kong na saan siya. Ang ingay sa labas at ang masangsang na amoy galing sa kanal. Gulat na gulat din siya dahil suot niyang uniporme sa trabaho, ang alam niya naka suot siya ng magandang itim na damit. Takang taka siya at pilit iniisip kong paanu siya naka uwi kong alam niya at malinaw sa kanyang isipan ang lahat ng nangyare sa kanya. Takang taka kong paanu siya naka uwi sa bahay nila. Agad siyang tumayo at natakapakan pa niya ang ilang damit sa sahig na hindi pa natutupi. Paglabas niya ng silid, doon lang niya nakitang masayang nagkakainan ang kanyang pamilya ng isang buong manok kasama si Dale. Ang alam niya papalabas siya ng Illustra at habang na andoon siya nakalimutan niya ang lahat lalo na si Dale. Napansin naman siya ng bunsong kapatid, "ate gising kana pala," sabay subo nito ng pagkain. "Kumusta kana anak?" Napa kunot noo ang dalaga at hindi alam ang gagawin. "Anung nangyare sa akin?" Tinginan ang pamilya ni Camille sa binatang si Dale para ito'y magpaliwanag. "Ganito kase yun Camille, papaalis na ako sa resto at doon ko na isipang lumabas sa likod para malapit lang sa park ng kotse ko. Laking gulat ko na lang na naka higa ka sahig at walang malay. Since alam ko yung bahay mo dahil employee kita hinatid na lang kita dito, mukhang na sobrahan ka sa trabaho." Hindi makapaniwala si Camille sa kanyang narinig para bang may mali sa nangyayare. Ni parang hindi siya hinahanap ng pamilya niya ng matagal na panahon at animoy hindi siya nawala. Parang bumalik siya sa oras kong saan unang nagkita si Camille at si Eulexis. Nang sumagi sa isipan niya ang pangalan ng binatang si Eulexis, alam niya talagang may mali. Kilala niya paren ang pangalan ng binata at walang nawala sa kanyang alala. Ang daming tanung sa isipan niya, kong anung nangyare sa mga Otis, sa Illustra at lalong lalo na kay Eulexis. "Ayus ka lang ba anak?" Napa sulyap naman si Camille sa kanyang ama at lahat ng mata ay naka tingin sa kanya. "Sa tingin ko Ms. Nuñez mas magandang hindi kana muna pumasok. Ang putla mo kase, sobrang putla mo." Pagiging pormal ni Dale sa pamilya ng dalaga dahil alam nila sa isa't isa na hindi pa nila nasasabe sa kanilang pamilya ang tungkol sa kanilang dalawa. "Anu?" Napa kunot noong tanung si Camille at sabay simpleng hinaplos ang mukha. "Oo, ate ang putla mo may sakit ka ba?" Agad na tumakbo si Camille sa loob ng banyo nila. Nang laki ang mata niya ng makita ang sarili sa salamin, totoo ang sinasabe ng mga ito sa kanya. Hindi basta simpleng pamumutla ng mukha, lahat ng balat niya sa katawan maputla ngunit may makinis siyang balat na siyang kina gulat niya. Hinaplos ng mga kamay niya ang kakaibang balat na ngayun lang nangyare at isa pang kina gulat niya. Ang pag iiba ng kulay ng mata, alam niyang kulay itim ito, nagiging asul, gray at bumabalik sa pagiging asul na kulay. "Anung nangyare sa akin, anu ba talagang nangyayare?" Ilang minuto siyang nagtagal sa banyo hanggang sa katukin siya ng ina niya. Bahagya pa siyang na gulat at pinag buksan ang kumatok. Makikita ang pag aalala ng ina niya sa kanya, "ayus ka lang ba, ang tagal mo ah?" "Ayus lang po ako." "Sigurado ka, ang tagal mo kase. Baka may sakit ka, may pacheck ka kaya." Tumango na lamang sa pag sang-ayun ang dalaga, "ihatid mo muna sa labas ang boss mo at magpasalamat ka sa kanya dahil ihanatid ka pa niya." Aalis na sana si Camille ng may maalala siya, "ma." "Anu yun?" Sandaling nag isip si Camille, gusto niyang itanung kong talaga bang nawala siya o panaginip lang ang lahat. Alam din niyang hindi siya maiintindihan ng mga ito kaya minabuti niyang tumahimik. "Wala po sige ihatid ko na si Sir. Dale." Lumapit naman si Camille sa kanyang boss na nakikipag laro sa kapatid nitong lalaki. "Sir, hatid ko na po kayu sa labas." "Sige." Hanggang sa maka labas sila ay bigla namang kinuha ni Dale ang kamay niya kaya napa sulyap si Camille may Dale. "Camille, ayus ka lang ba? Sabihin mo nga sa akin kong anung nangyare sayu kong may naalala ka ba bago ka mawalan ng malay." Iniisip ng dalaga kong maiitindihan ba siya ng binata kong sasabihin ba niya lahat na sa tingin niya ay panaginip lang. Kaya minabuti niyang tumahimik lang, "ayus lang ako Dale, mas maganda kong umuwi kana lang gabe na rin eh baka kong ikaw naman ang mapaanu." Bibigyan sana siya ng halik ni Dale ng bahagya siyang lumayo, kaya bahagyang nalungkot ang binata. "Baka nga kailangan mo lang ng pahinga, mas maganda kong wag kana muna pumasok bukas. Magpahinga kana, wag kang mag alala sa siswelduhin mo." Hindi na nakipag talo pa si Camille at tumahimik na lamang hanggang sa maka alis ang kotse ng binata. Pabalik na sana siya sa kanyang bahay ng mag iba ang itsura ng lugar. Kinusot kusot niya ang mata ngunit imbes na maging harap ng bahay nila ang makikita, nakikita niya ngayun ay isang gubat. Pamilyar na gubat, sa Illustra. Nilibot ni Camille ang paligid, takang taka siya kong paanu niya na punta sa isang gubat. "Camille." Sumulyap si Camille sa boses na tumawag sa kanya, isang pamilyar na boses ng lalaki. Naka tayu ito sa dilim at pinili na lang ng dalaga na tumayo kong na saan siya. "Kilala mo ako?" Hindi pinansin ng binata ang tanung ni Camille. Isang malakas na hangin ang dumaan, "anu bang nangyayare, anung nangyayare sa akin? Pakiramdam ko may ibang nangyayare sa katawan ko." "Malalaman mo rin ang lahat, ang payo ko lang sayu bumalik ka sa Illustra." "Anu?" Hindi alam ng dalaga kong paanu siya makaka punta sa Illustra samantalang hindi pamilyar sa kanya ang lugar na dinaan nila noon ni Eulexis. "Maghanap ka ng pwedeng tumulong sayu?" "Sa paanung paraan?" "Ang sabe ko sayu maraming katulad namin at katulad mo na nabubuhay na ngayun sa dati mong mundo." Isa lang ang kilala niyang nag sabe sa kanya sa impormasyon na yun, "Kaden?" "Makinig ka, hindi muna toh mundo Camille. Kailangan mo nang bumalik sa Illustra, kailangan mo nang mamuhay ng nararapat." Ang bilis ng t***k ng puso ni Camille at taas baba ang dibdib. Ngayun niya napagtanto na hindi panaginip ang lahat ngunit takang taka paren siya kong paanu siya nakarating sa bahay nila. "Magmadali ka." "Teka lang---" lalapit na sana si Camille kay Kaden ng maglaho ng animoy abo na sumabay sa hangin ang katawan ni Kaden. Tulala lang si Camille, marami siyang gustong itanung ngunit wala na ang binata. Bumalik sa dati ang lahat, nakita na lamang niya ang sarili na naka harap sa isang ihawan. Lumalapit ang usok na nang gagaling doon at may iilan ding napapa daan doon na napapa sulyap sa dalaga. Minabuti ni Camille na bumalik sa bahay nila at maraming katanungan paren sa kanyang isipan.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD