AWAKEN 18
NAGMADALING lumapit si Camille sa pinto nang marinig niya ang sunod-sunod na katok. Kakaibang kaba at tuwa ang nararamdaman niya ngunit nag lahu ito ng makitang kapatid ni Eulexis ang ka harap, si Sidney. Naka ngiti ito sa kanya kaya binigyan din niya ito ng ngiti. Tanghali na ng araw na yun at nagpaalam si Eulexis na aalis ito, kaya akala ng dalaga ay naka balik na ito sa mansyon. Naging awkward pa nga sa pagitan nila ng maisip ang kanilang ginawa kanina lang, ngunit sa likod ng kanilang nararamdaman, gusto naman nila ang nangyare. Hindi rin mawala sa isipan ng dalaga ang pangyayare yun at paulit ulit sa kanyang utak, hindi niya maiwasang kiligin. "Hi," bati ni Sidney sa kanya.
"Hello, may kailangan ka ba?"
"Wala naman pero may ilan lang akong sasabihin, hindi kase dito manananghalian ang ibang miyembro ng pamilya namin, lalo na ako at baka gabe na kami maka uwi. Gusto ko lang sabihin na, pwede ka naman sumabay kila tito Kenneth at kila Lexi."
"Ganun ba, sige ayus lang, salamat."
"Sige alis na ako."
Aalis na sana si Sidney ng muling bumalik ang binata nang tawagin ito ni Camille. "Sidney."
"Anu yun?" Pagtataka ng dalaga.
"May gusto lang akong itanung. Kong alam mo, kong na saan si Eulexis?"
Napa kunot noo ang binata at iniisip kong bakit hahanapin ng dalaga ang nakaka tanda niyang kapatid. Saka ito napa ngiti, "namimiss mo siya agad noh?"
"Huh?" Halos mag murang kamatis ang pisngi ng dalaga sa sobrang pula nito sa hiya. "Anu kase?"
"Naku ayus lang na hanapin mo siya, naintindihan kita. Nakita pa nga kayu ni Kaden na sabay na pumasok sa silid ni Eulexis."
Nang laki ang mga mata ng dalaga at may mapang asar na ngiti ang binata. "Anu?"
"Ayus lang yun, alam muna ganun naman talaga ang nag iibigan, maiitindihan ka rin nila mama."
Iba ang iniisip ng binata sa nangyare at hindi maiwasang mahiya ang dalaga dahil dun. "Hindi naman ganun yun."
Ngunit hindi pinansin ng binata ang sinabe ng dalaga dahil sa pagtawa nito. Tumigil din sa pagtawa ang binata nang maalala kong na saan nga ba ang kanyang kapatid. "Ang pagkakarinig ko pupunta siya kila Madison yung mapapangasawa niya, pang limang pagkikita na nila toh. Pagnaka sampu silang meet up, saka sila ipapakasal. Ang gulo nga hindi ko maintindihan, ang gulo basta ganun, sige mauna na ako."
Tuluyan nang lumisan ang binata at si Camille ay na iwang tulala dahil siya'y na gugulahan din. Akala niya malinaw na sa kanila na hindi na ito gagawin ng binata para sa kanya ngunit hindi, pero may higit pa siyang kina iinisan at pumasok ang tanung sa kanyang isipan kong mahal din ba ni Eulexis ang babaeng ipapakasal dito. Hindi niya na pansin na binalibag ang pinto at saka padabog na umupo sa kama. Na iinis din siya sa kanyang sarili dahil kanyang nararamdaman sa mga oras na yun.
Kalahating oras ang tinagal niya aa silid nang maisipan niyang lumabas na doon para mag tanghalian. Agad niyang nakita si Lexi na umiinum ng tubig at mukhang katatapusan lang magtanghalian. "Hello Camille, ngayun na lang uli tayu nagkita ah."
"Oo nga eh," saka naman umupo si Camille sa harap ng mahabang lamesa sa tapat mismo ni Lexi. "Ikaw lang ba mag isa kumain, wala kang ka sabay?"
"Oo, ngayun lang naman nangyare toh kaya hindi ako sanay na walang ka sabay kumain. Wala kase si tito Kenneth biglang umalis, may ipapatulong daw si tita Violet sa kanya. Si Tina ayun nag date na naman siguro yong Jonas niya. Akala ko nga ako na naman mag isa dito, andyan ka lang pala."
"Sorry, kase may ginawa pa ako bago bumaba. Di sana sinabayan kita kumain."
"No, ayus lang sa akin." Napa gaan kausap ni Lexi kaya tuwang tuwa si Camille sa kanya. "At saka may pina alala sa akin si tito Kenneth, nasa kusina pa yung pagkain and you know what yung pagkain mo luto yung katulad ng kinakain ni tito na isang mortal din."
Natahimik ang dalaga at nagkakatitigan sila ng matagal ni Lexi. "Ga---ganun ba?" Hindi maiwasang kabahan si Camille na baka mabuko kong sinu ba talaga siya.
"I knew it."
"Huh?" Pagtataka ni Camille at lalong na gulat ito na mula sa pagiging seryosong mukha bigla itong ngumiti sa kanya.
"I knew it for the first place na ikaw yung mortal na pinag hahanap. Ang dami mo kaseng hindi pagkakapareho sa amin. Nakita ko lahat yun nung unang gabeng sumabay sa amin, napaka over protective sayu nila Kaden at Eulexis which is kakaiba. Hindi ka rin kumain nung hilaw na karne, hinandaan ka pa ni tito Kenneth ng lutong pagkain, hindi ka maputla katulad namin at lalong lalo hindi nagbabago sa tatlong kulay ang mata mo."
Gustong mag salita ni Camille ngunit walang lumabas sa kanyang bibig kaya nag patuloy lang si Lexi. "Ang talino ko talaga nalaman ko lahat kahit na hindi nila sinabe sa akin at higit pa doon nakaka tampo dahil nilihim nila sa amin ni Tina. Magaling din naman kami porket ba kami ang pinaka bata sa pamilyang ito. Pero wag kang mag alala Camille magiging ok ka sa amin, may dahilan siguro kong bakit ka nila tinatago. Kawawa naman kase kong papatayin ka nila, paanu kong aksidente lang ang lahat diba."
Naka hinga ng maluwag si Camille at napa ngiti. "Oo nga, tama ka dyan."
"Naku minsan talaga kailangan nang baguhin ang batas namin dito. Gusto ko ring maranasan ang manirahan sa mundo ninyu, maganda ba doon?"
"Oo at hindi." Saka naman kiniwento ni Camille ang merob sa mundo ng mortal na katulad niya. Manghang mangha naman si Lexi sa pakikinig. Si Lexi na rin ang mismong kumuha ng pagkain nito para kay Camille at nagpasalamat naman ito kay Lexi. Halos hanggang sa matapos si Camille sa pagkain ay binantayan lang siya ni Lexi para lang makapag kwento.
"Astig," wika ni Lexi ng matapos ang usapan nila kasabay matapos ni Camille kumain. Kahit papaanu nakalimutan ni Camille ang inis na nararamdaman niya ngunit bumalik sa kanyang isipan si Eulexis, may isang bagay pa siyang naalala na gusto ding itanung sa binata ngunit itatanung na lang niya ito kay Lexi kong may alam ito. Na isip niyang total kapatid ito ng binata at baka marami din itong nalalaman kay Eulexis.
"May itatanung lang ako tungkol kay Eulexis?" Nahihiya niyang tanung habang pinag lalaruan ng mga kamay niya ang tinidor at naka tuon doon ang pansin.
Nang gigil naman si Lexi sa tuwa. "Sige, sige anu yun?"
"Anu kase, paanu nga ba?"
"Naku wag kana mahiya, ayus lang yan."
"Makakalimutin ba si Eulexis ng pangalan?" Napa kunot si Lexi sa tanung ni Camille at kiniwento naman ni Camille kay Lexi ang tungkol sa pag banggit ng iba't ibang pangalan na nag uumpisa sa 'C'.
"Ah yun ba, hindi naman siya makakalimutan. Sadyang paraan niya yun ng pagpapansin o paraan niya para mapansin mo siya," na gulat si Camille at tuluyan nang napa sulyap kay Lexi. "Ganyan talaga, dati ginawa na niya yan kay mama nung once na napa galitan siya hindi din siya pinansin ng one week ni mama dahil palagi siyang wala sa bahay. Ayaw pa naman ni kuya na nagtatampo si mama sa kanya kaya ang ginawa niya nagkunwaring makalimutin siya sa lahat ng inutos sa kanya ni mama, on that way pinagilatan na naman siya ni mama at doon siya nag sorry. Hindi naman siya na tiis ni mama kaya pinansin niya uli si Eulexis, iba nga lang ang case sayu? Iwan ko kong bakit siya nagkunwaring makakalimutin kahit sa una palang ninyung pagkikita."
"Ganun pala yun?"
"Yup," ngayun nalaman na ni Camille ang dahilan kaya din pala natatawag na siya ng binata sa tama nitong pangalan. "Kwentuhan mo uli ako, please." Dahil tuwang tuwa si Camille sa kanya na halos parang isip bata mag isip si Lexi kahit na mag kaseng edad lamang sila ay nagkwento ito para pang palipas oras sa kanilang dalawa.