Agad na siyang lumabas ng guest room nang masilip ang sasakyan ni Troy na dumating na. Kanina pa siya naghihintay sa binata, madilim na kasi at mag isa lang siya sa napakalaking bahay nito. Isama pang nais na rin niya itong makit agad. Tamang nasa hagdan at nagmamadaling makababa nang bumukas ang pintuan at pumasok si Troy. "Troy," masiglang tawag niya sa binata. "Hi, Tessa, good evening,' bati sa kanya ni Troy at ngumiti. Lalo naman siyang nagmadaling makababa ng hagdan para masalubong ito. Malapad ang ngiti niya sa labi nang huminto siya sa tapat ni Troy na sadyang napakagwapo habang nakangiti sa kanya. "Pasensya na ginabi na ko, marami pa kasi akong inasikaso," Troy said. "Ok lang iyon Troy, alam ko naman na marami kang trabahong kailangan asikasuhin," tugon niya rito. Habang naka