"Tessa, what are you doing here?" Tanong sa kanya ni Troy na hindi man nag abalang takpan ang sarili nitong katawan. Habang parang may sariling isip ang kanyang mga mata na hindi niya magawang ikurap man lang sa pagkakatitig sa magandang katawan ni Troy. Ultimo bibig niya hindi niya magawang isara. "Tessa," muling tawag sa kanya ni Troy dahil natulala na siya. "Ah.. Eh...," saad niya sabay mabilis na tumalikod para hindi na niya matitigan ang maganda nitong katawan na tila ba hindi rin nito nais takpan sa kanya. Kunh sa bagay kahit naman siguro sinong magkaroon ng ganoong kagandang katawan hindi na tatakpan pa. "Sorry, Troy sa biglang pagpasok ko," paumanhin niya rito habang nakatalikod. Nasasamyo niya ang mabangong body wash nito na nakadagdag sa tensyon na kanyang mararamdaman. "It