Sinulyapan siya ni Tessa na puno ng takot ang mga mata nito. Hindi naman niya akalain na babalik pa ang Mama niya sa loob ng bahay at madadatnan nito si Tessa. "Troy sagutin mo ko. Siya ba ang babaing sinasabi ni Lira?' Tanong ng Mama niya na kay Tessa nakatingin. Alam niyang posibleng mangyari ito na magsumbong si Lira sa Mama niya. Inaasahan naman na niya iyon, iyon nga lang hindi pa ngayon sana, isang gabi pa lang nasa poder niya si Tessa at mainit pa ang lahat rito. Naka alerto pa si Mr. Valdez para mahanap si Tessa. "Mama," tawag niya sa ina. Nalipat naman ang tingin nito sa kanya. "Mag-usap po muna tayo," magalang niyang saad sa ina. "Well, you are right, Troy. Kailangan nating mag-usap dalawa," taas kilay na tugon ng Mama niya at muling binalik ang mga mata nito kay Tessa na