Hindi niya alam kung bakit niya tinanong ang bagay na iyon kay Tessa. Baka isipin nito nag te- take advantage siya rito. Babawiin na sana niya ang sinabi niya nang makitang banayad na tumango sa kanya si Tessa habang nakatingin sa mga mata niya. "Yes, Troy, you can kiss me," Tessa answered. Napalunok siya ay hindi na sinayang pa ang pagkakataon. Maingat niyang hinalikan sa labi si Tessa. Puno ng pag galang at respeto sa dalaga ang bawat galaw ng kanyang labi sa labi nito. Pakiramdam kasi niya napaka fragile ni Tessa, na para bang masasaktan niya ito kung hindi siya mag iingat. Tessa's lips are soft and sweet. Kung gaano na niya katagal nais halikan ang dalaga ay masasabi niyang worth it ang kanyang paghihintay, dahil napakasarap ng labi nito. Iyun bang ayaw na niya itong tigilan pa, kun