"Ano ang ginawa mo at bakit biglang nagbago ang mood ng Mama mo sa akin?" Tanong niya kay Troy pagpasok nila sa loob ng bahay matapos maihatid ang Mama nito sa labas. Nagulat siya bigla nang tila bumait sa kanya ang Mama ni Troy. Noong pagdating kasi nito nakita niyang nakataas ang kilay nito at naramdaman niya agad na ayaw nito sa kanya. Tapos kanina pagkatapos mag usap nina Troy at Mama nito, bigla na lang ang bait ng Mama ni Troy sa kanya. Nakakapagtaka. "Wala akong ginawa Tessa, sinabi ko lang sa kanya kung ano ang totoo. Na lahat ng sumbong ni Lira sa kanya at mali at puro kasinungalingan lang," paliwanag sa kanya ni Troy. "Naniwala siya sa iyo," she said. "Of course. Anak niya ko, mas paniniwalaan niya ko kesa kay Lira," tugon nito sa kanya. Alam kasi niyang magaling umarte si L