Maaga siyang nagising kinabukasan para siya naman ang maghanda ng almusal nila ni Sebastian. Pagbaba niya wala si Sebastian sa penthouse baka nag jogging ito dahil maaga pa naman. Kaya naman sinimulan na niya ang pagluluto ng breakfast. Kagabi narinig niya ang lahat ng pinag-usapan ni Sebastian at ng Mama nito. Medyo nasaktan siya sa mga naging paratang sa kanya ng Mama ni Sebastian, pero napawi naman lahat ng iyon dahil sinabi ni Sebastian sa Mama nito na mahal siya nito. Naiyak pa nga siya nang marinig ang mga sinabi ni Sebastian sa Mama nito dahil pinanindigan siya nito at talagang mahal na mahal siya ni Sebastian. Wala siyang ibang nais ngayon kung di ang suklian ang pagmamahal ni Sebastian sa kanya sa paraang alam niya. Hindi naman mahirap mahalin si Sebastian dahil mabait ito at