"Kinausap ko lang naman si Marjorie para hindi na siya mangulit pa, lalo na't nalalapit na tayong ikasal, Sebastian,' she said at sinulyapan ito. Nakita niyang tila ito nawala sa mood, ni hindi man siya nito sinusulyapan patuloy lang ito sa pagkain sa niluto niya. Halata naman niyang nagustuhan nito ang luto niya pero sana naman sulyapan siya nito kahit saglit lang. "Eliana, mangungulit pa rin iyon kahit kinausap mo na siya,' saad nito na hindi man siya sinusulyapan. Napahugot siya ng malalim na paghinga. Kaya nga sinabi niya rito ang nangyari dahil nais niyang maiwasan na magalit ito sa kanya, pero parang ganun pa rin naman nagalit pa rin ito at mukhang nadamay na naman ang dalawang security niya. "Galit ka ba?' Alanganing tanong niya kay Sebastian. This time sinulyapan siya nito. Ka