"Congratulations, pare masaya ako para sa iyo dahil naamin mo na sa wakas kay Eliana na mahal mo siya. And now ikakasal na kayo," masiglang saad sa kanya ni Troy nang magkita sila nito. "Kung alam mo lang ang nararamdaman ko noong inamin ko kay Eliana na mahal ko siya, gusto ko na lang mawala sa harapan niya," iling ulong saad niya sabay inom sa kopitang hawak niya. "Sa tagal mo ba namang tinago ang damdamin mo sa kanya, natural lang na abot langit ang kaba mo," Troy said. "Grabe pare,' he said. "Kailan ba ang kasal niyan?" Tanong nito. "This month na siguro wala naman ng dahilan pa para patagalin ko pa. Isa pa alam na ng marami naman na engaged na kami ni Eliana dahil sa social media,' he said. "Walang duda sa bilis ng tsimiss pagdating sa social media,' Troy said. "Ikaw kailan ka