Agad niyang sinalubong si Troy nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Kanina pa kasi siya sa may komedor at naghihintay sa pagdating ni Troy. Buong araw niyang hindi kasama si Troy sa loob ng bahay kaya parang sobrang miss niya ito. Lalo na ang paghahalikan na ginawa nila kanina bago ito umalis. Maghapon din niyang iniisip iyon. Hindi na nga niya alam kung ano ang gagawin niya para lang hindi na niya maisip pa ang halik sa kanya ni Troy, kaya lang masyado talaga siyang nadala. Hindi naman niya first kiss iyon, dahil may mga nakahalik na rin sa kanya sa trabaho. Pero this time kase hindi iyon scripted, basta na lang nila kapwa naramdaman na nais nilang halikan ang isat-isa. Naisip nga din niya kanina kung paano na lang kung may damdamin na pala si Troy sa kanya at ganon rin siya kay Troy? M