Hindi niya alam kung saan galing ang sinasabi niya kay Tessa na magpanggap sila bilang mag boyfriend and girlfriend para makagawa na siya ng paraan para tumigil na si Mr. Valdez sa panggugulo sa dalaga at maging malaya na ito muli. Labis ang pagnanais niyang matulungan si Tessa na makabalik sa pag-aaral nito, sayang naman din kasi kung hindi ito makakapag tapos ng pag-aaral nito. Dalawang taon na lang naman ito sa kolehiyo, kaya nais niyang maipagpatuloy nito ang pag-aaral. "Paano tayo magpapanggap?" Tessa asked her. Hindi rin niya alam kung paano. Bakit pa kasi niya nabanggit ang bagay na iyon. Pwede naman niyang sabihin rito na may gusto siya rito at nais niyang ligawan ito. Natatakot siya, wala siyang lakas ng loob. Ayaw din kasi niyang masira ang tiwala sa kanya ni Tessa. Ayaw niyang