Kinabukasan maaga siyang bumangon para maghanda ng breakfast sa kanila ni Troy. Magdamag man siyang hindi nakatulog buong gabi dahil kakatitig niya sa mga rosas na binigay ni Troy sa kanya. Hindi kasi niya maiwasang mag imagine na kaya siya binigyan ng bulaklak ni Troy ay dahil nahuhulog na rin ito sa kanya. Katulad niya unti-unti na rin itong nagkakaroon ng damdamin sa kanya. Ang sarap sanang isipin na pareho na sila ni Troy ng damdamin para sa isat-isa. Parang ang sarap isipin kung hindi na sila kailangan pang magpanggap no Troy na may relasyon para lang tigilan na siya na ni Mr. Valdez. "Good morning, beautiful flowers," nakangiting bati niya sa mga rosas at inamoy-amoy pa ang mga iyon, sabay dampot at niyakap. Napasayaw pa nga siya habang pikit ang kanyang mga mata at yakap ang mga b