Sa pagbalik ng biyenan sa ibang bansa sila na ni Sebastian ang naghatid rito, tutal maayos naman silang tatlo at tanggap na tanggap na ng Mama ni Sebastian ang pagsasama nila. Tuwang-tuwa pa nga si Sebastian nang sabihin niya rito na nagkausap sila ng Mama nito at nagka ayos na sa lahat ng gusot. Hindi pa nga ito makapaniwala noong una at tinawagan pa talaga nito ang Mama nito para ma kumpirma. At nang makumpirma nagyaya pa itong mag dinner silang apat bilang selebrasyon. Bago din umalis ang biyenan kumain din muna silang tatlo para naman bonding nila at masasabi niyang masaya siyang makita ang mag ina na masaya at wala ng gulo. "Sana sa susunod na pag bisita ko may apo na ko,' biro ng biyenan sa kanya nang nasa airport na silang tatlo. Ramdam pa niya ang pag init ng kanyang pisngi sa pa