"Nagpa check up ka na ba sa OB-GYNE niyan, baka nakabuo na kayo ni Sebastian?" Tanong ng Mommy niya sa kanya nang hapong sunduin siya nito sa school ay yayahing magtungo sa mall para naman makapag bonding daw silang dalawa. Bago siya sumama sa Mommy niya pinaalam muna niya kay Sebastian dahil baka mapahamak na naman ang dalawang security niya dahil sa kanya. Nang ok naman sa asawa ang lakad nila ng Mommy niya agad na rin silang umalis ng campus para mag mall. "Hindi pa po,' tugon niya sa ina habang busy sa patingin-tingin ng mga damit sa pinasukan nilanh luxury store. Hindi nga niya alam kung bakit sila pumasok ng Mommy niya sa store na iyon eh mamahalin doon at alam niyang hindi naman siya bibilhan ng ina ng mamahaling gamit. "Ano ka ba, Ellie!" Sabay hampas ng Mommy niya sa balikat niy