"Kumusta naman ang bagong asawa ng Mommy mo?" Tanong sa kanya ni Sebastian habang sakay sila ng elevator pababa ng Hotel na pagmamay-ari nito.
"Ok naman, mabait naman sa akin si Tito Arthur," tipid niyang tugon rito. Nahihiya rin naman kasi siyang ipaalam rito na may hindi siya nagugustuhan sa bagong pamilya ng Mommy niya. Hindi naman na kasi problema pa ni Sebastian ang problema niya. Kung tutuusin magkakilala na lang sila ngayon, dahil kasal na sa iba ang Mommy niya at wala na ang Papa nito. Hindi na sila mag stepbrother and stepsister ngayon.
"May mga anak siya hindi ba? Babae ba o lalake?" Tanong nito.
"Dalawang babae," tugon niya at pasimpleng sinulyapan si Sebastian. Marahil ay nagtatanong lang ito para may napag-usapan sila sa elevator dahil silang dalawa lang ang sakay non.
"Good at least may magiging kapatid na babae ka na, kahit stepsisters lang," Sebastian said.
"Ah.. Yeah, yeah," tugon na lang niya rito, dahil hindi na rin nito dapat malaman pa na bully ang dalawang anak ng Tito Arthur niya at inaapi-api lang siya sa bahay ng mga ito.
"Gusto mo ihatid na kita sa school mo?" Sebastian asked her nang lumabas sila ng elevator at agad na may sumalubong sa kanilang dalawang security na marahil ay security ni Sebastian.
Isang Congressman si Sebastian kaya dapat lang na lagi itong may kasamang security. Hindi rin naman madali ang maging isang Congressman sa bansa nila. Hindi nga niya alam kung bakit pinasok pa ni Sebastian ang pulitika gayong isa na itong napakabatang bilyonaryo na hindi basta-basta mauubusan ng pera.
"Huwag na nakakahiya. Mag ta-taxi na lang ako," tangi niya. Kung ihahatid kasi siya nito baka umagaw pa ito ng atensyon sa school nila.
"Taxi? Until now, ba wala ka pang sasakyan? Isn't seventeen ka na turning eighteen na?" Natigilan pa ito nang tanungin siya at sinulyapan.
"Ah.. Wala pa. Hindi pa kasi ako marunong mag drive," tugon niya rito.
"Mag enroll ka na sa mga driving school then get a car of yours para naman hindi nag co-commute papasok sa school. Iba na ang panahon ngayon Eliana, delikado na lalo na't babae ka pa naman," litanya sa kanya ni Sebastian habang nakatingin ito sa kanya.
"Ah.. Yeah, yeah, sasabihin ko kay Mommy," tugon niya rito.
Ang totoo non wala siyang sasakyan dahil walang pambili ang Mommy niya. Naubos na kasi nito ang perang binigay sa kanila ng Papa ni Sebastian noong mamatay ito. Ang bagong asawa naman ng Mommy niya ay walang pakialam sa kanya. Hindi siya nito tinatratong anak katulad ng naging pagtrato sa kanya ng Papa ni Sebastian. Napakalayo ng Tito Severino niya sa bagong asawa ng kanyang Mommy, na para bang ang Mommy lang niya ang mahalaga at sabit lang siya.
Muli siyang inalok ni Sebastian na ihatid siya nito sa eskwelaan niya nang makalabas na sila ng malaking hotel, at muli siyang tumanggi. Nahihiya kasi siya rito. Wala naman na itong obligasyon sa kanya. Ewan ba naman kasi sa Mommy niya kung bakit padala pa ng padala ito ng pagkain kay Sebastian.
Kumaway pa siya kay Sebastian nang makasakay na ito sa mamahaling sasakyan nito. Tiyak na aagaw ng atensyon ang mamahaling sasakyan nito sa school nila, kahit na exclusive school pa ang pinapasukan niya. Iilan lang naman sa bansa nila ang makikita ng ganung klaseng sasakyan.
Sinundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan ni Sebastian. Hindi niya maiwasang malungkot. Kung hindi sana namatay ang Papa nito, baka magkasama pa rin ang Mommy niya at Papa nito at nasa maayos ang kanyang lagay. Hindi siya nabubully at naaapi sa bagong tirahan, at paniguradong magiging close pa sila ni Sebastian.
"Bakit late ka na naman, Ellie?' Tanong sa kanya ng kaibigan niya si Crizel nang pumasok siya sa classroom nila.
"Wala pa naman si Ma'am hindi pa ko late,' tugon niya sa kaibigan.
"Late ka pa rin dahil hindi tuloy tayo nakapag tambay sa labas para tumingin sa mga gwapo," simangot ni Crizel sa kanya.
"Naku Crizel! Wala akong balak humanap ng gwapo no," iling ulong saad niya rito.
"Sus, malapit ka ng mag eighteen dapat lang na magka jowa ka na," Crizel said to her.
"Sus may kakilala ka bang lalaking tagapagmana diyan? Iyung walang kapatid nag-iisang anak para walang kahati sa kayamanan," nakangiting saad niya sa kaibigan. Sandaling tila nag isip si Crizel saka tumingin sa kanya.
"Meron!" Hiyaw nito sa kanya.
"Sino naman?" Tanong niya rito.
"Si Philip iyung anak ng Chinese. Mayaman iyon at nag-iisang anak lang," Crizel said.
'Naku mahirap pag anak ng chinese," she said.
"Pero gwapo si Philip at type ka non," Crizel said.
"Hmmm...," she said at nagtaas ng kilay na tila ba pinag-iisipan ang sinabi nito.
Kilala naman niya si Philip isa ito sa friend niya sa social media na laging naka like sa mga post niya at lagi ring may comment sa mga pictures niya. Panay din ang chat nito sa kanya, sinasagot naman niya ito pag hindi siya busy. Minsan na rin siyang niyayang lumabas ni Philip pero tumanggi siya dahil nga busy pa siya non.
"Sasabihin ko kay Philip na gusto mong pumunta sa bar," Crizel said to her.
"Ano! Huwag na!" Saad niya sa kaibigan.
Bago pa nila matuloy ang pag-uusap pumasok na ang Teacher nila na kanina pa nila hinihintay.
Breaktime na nila ng makatanggap siya ng tawag sa Mommy niya.
"Mommy bakit po?" Tanong niya sa ina sa kabilang linya.
"Naibigay mo ba kay Sebastian ang pagkain?" Tanong nito sa kanya.
"Opo, thank you daw po sabi niya," tugon niya rito.
"Good," saad ng ina.
"Siya nga pala Eliana may dinner kasi kami mamaya ng Tito Arthur mo kasama ang mga anak niya," saad ng ina sa kabilang linya.
"Umuwi ka na lang maaga at matulong ka na, huwag mo na kaming hintayin ah," saad pa nito.
"Opo Mommy," tugon naman niya rito at agad na rin itong nagpaalam sa kanya.
Lagi naman ganito ang set up nila. Sa tuwing kakain sa labas hindi siya sinasama ng Mommy niya, hindi daw kasi gusto ng Tito Arthur niya na may makapansin sa kanya, dahil alam daw ng lahat na walang anak ang Mommy niya at ok lang iyon sa Mommy niya. Ganun naman kaso ang Mommy niya, kung saan ito may benefits doon ito at wala na itong pakialam pa sa kanya, ang mahalaga masunod ang gusto at luho nito.
Never naman siyang tinago ng Mommy niya sa mga lalaking nanliligaw rito. Sadyang hindi lang gusto ng Tito Arthur niya na maisama siya marahil dahil hindi nito gusto na masapawan ang mga anak nitong hindi naman mga kagandahan.
Sa mga ganitong pagkakataon hindi niya maiwasang maalala ang magandang pakikitungo sa kanya ng Tito Severino niya na talagang pinaramdam sa kanya na may ama siya kahit hindi naman niya ito ama.
"Sinong tumawag?" Usisa ni Crizel sa kanya matapos niyang ibalik sa bag ang cellphone.
"Ang Mommy ko, may dinner daw sila mamaya," tugon niya rito.
"At hindi ka na naman kasama, dahil kasama ang dalawang malditang anak ni direk," ikot matang saad ni Crizel sa kanya.
Alam ni Crizel kung ano ang kanyang tunay na kalagayan sa loob ng bahay ng bagong asawa ng Mommy niya
"Ganun na nga. Ano pa ba ang aasahan mo," taas kilay niyang tugon sa kaibigan.
"Well," Crizel said with a wide smile.
"Anong ngiti iyan? Bakit ang lapad?" Kunot noong tanong niya rito.
"Wala ka namang kasama sa bahay niyo e di lumabas na lang tayo," masiglang saad ni Crizel sa kanya.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong niya.
"Saan pa edi sa bar," bulong sa kanya ni Crizel na kinikilig pa.
"Seventeen lang ako, hindi pa ko pwede sa mga bar," simangot niyang saad.
"Kaya nga magpapasama tayo kay Philip," Crizel said.
Hindi siya tumugon sa kaibigan at medyo nag isip pa kung sasama rito o mag stay na lang mag isa sa bahay nila at walang ibang kasama kung di ang mga kasambahay lamang.
"Huwag ka ng mag isip pa diyan, sumama ka na," pangungulit ni Crizel sa kanya.
"Baka mahuli tayo eh," alanganin niyang saad rito.
"Eighteen ka na two weeks from now hindi na problema pa iyon," Crizel said.
Ngumiti siya sa kaibigan. Eighteen na nga pala siya next week legal age na kaya pwede na niyang gawin ano man ang gusto niya. Pwede na siyang mag party kahit saang bara gusto niya at syempre pwede na siyang magka boyfriend.
Sa lungkot ng kanyang buhay sa bagong asawa ng Mommy niya, parang kailangan niya ng boyfriend na laging makakasama at makakausap. Iyon bang pwede siyang alagaan at protektahan. Kaya tama lang na magsimula na siyang maghanap ng lalaking papasa sa category niya. Pasok na si Philip Yao. Gwapo naman ito kahit papano. Matalino at mayaman ang pamilya. Hindi pa naman siguro siya itatakwil ng pamilya nito dahil hindi siya chinese. Jojowain lang naman niya ito at hindi aasawahin. Sa nakita niyang pamumuhay ng Mommy niya wala siyang balak mag asawa at maging katulad ng Mommy niya. Kahit ma in love pa siya hindi siya magpapakasal.