Chapter-3

1613 Words
Dala na rin ng ayaw niyang magmukmok sa silid niya habang masayang nasa dinner ang Mommy niya kasama ang bago nitong pamilya, pumayag na siya sa plano ni Crizel na mag bar sila kasama si Philip. Susunduin naman daw sila ni Philip sa mga bahay nila at ito na daw ang bahala sa kanya para makapasok sa bar. Tinawagan na rin siya ni Philip para i confirm sa kanya na sasama talaga siyang mag bar sa mga ito. Ito kasi ang unang beses niyang makakapasok sa isang bar at sana walang maging aberya. Nag message naman siya sa Mommy niya na lalabas siya ngayong gabi. Ok lang naman ang naging tugon sa kanya ng Mommy niya. Busy marahil ito dahil kasama nito ang bagong pamilya sa dinner. Casual lang ang napili niyang isuot. Maong pants, crop top na pinatungan niya ng denim jackets, and high heels sandals. Nag apply din siya ng light make up para mag glow ang kanyang mukha. Para mas gumanda pa ang outfit niya naghiram siya sa closet ng Mommy niya ng luxury bag and watch nito. Ibabalik naman niya pag uwi. Sa dami ng mga mamahaling bags ng Mommy niya, baka hindi man nito mapansin na kulang ang collections nito. Naka received siya ng text mula kay Philip at sinabing nasa labas na daw ito ng subdivision. Hindi na kasi niya pinatuloy pa si Philip sa bahay, baka kase magalit sa kanya ang Tito Arthur niya pag nalaman na nagpapasundo siya sa bahay nito. Isa pa hindi pa niya nais ipaalam sa iba ang totoong estado ng kanyang buhay. Ok na may isang Crizel ang nakikinig sa kanya at umiintindi. Malapit lang naman ang gate ng subdivision mula sa bahay kaya nilakad na lang niya. Safe naman sa loob ng subdivision nila, walang snatcher o ano pa man. Puro mayayaman kasi ang mga nakatira. "Hi," bati sa kanya ni Philip nang salubungin nito paglabas niya ng subdivision. "Sorry natagalan ako,' paumanhin niya rito. "It's ok," nakangiting tugon sa kanya ni Philip. Isang pure Chinese si Philip na lumaki na dito sa Pilipinas. Negosyante ang mga magulang nito. Gwapo at mukha namang mabait si Philip, iyon nga lang alam niyang hindi siya seseryosohin ni Philip dahil tiyak niyang nasa tiyan pa lang ito ng nanay nito eh may naka arranged marriage na ito agad sa kapwa Chinese nito. Ganun yata talaga pag Chinese. Kaya enjoy na lang niya muna ang company ni Philip. Gentleman naman si Philip sa pag alalay nito sa kanya pasakay sa mamahaling sasakyan nito. Sa kotse pa lang masasabi na niya agad na mayaman nga ito. "Thanks," pasalamat niya nang makaupo sa passenger seat. Umikot naman si Philip sa driver seat. Napangiti pa nga siya habang sinusundan ng tingin si Philip. Gwapo kasi ito at malakas din ang appeal. May kahawig nga itong artista sa Korea, parang Kim Soo Hyun ang datingan. "Saan daw natin susunduin si Crizel?' Tanong niya kay Philip nang umaandar na ang sasakyan nila. "Tumawag siya sa akin kanina sinabi niya na mag taxi na lang daw siya papunta sa bar," tugon ni Philip sa kanya. "Ah.. Ganun ba. Akala ko pa naman sasabay siya sa atin," saad niya. "Akala ko nga din eh. Ewan ko sa kanya bakit nagbago ang isip niya," Philip said habang sa kalsada nakatuon ang atensyon. Mukhang sinasadya ni Crizel na hindi sumabay sa kanila para makapag solo sila ni Philip. Matagal na rin naman nirereto ni Crizel sa kanya si Philip at ngayon lang siya nagkaroon ng oras para ma entertain si Philip. Maiksi lang ang naging biyahe nila dahil malapit lang ang bar na pinuntahan nila, katabi lang ng mall iyon. Katulad kanina pinagbuksan na naman siya ng pintuan ni Philip at inalalayan pa pababa ng hagdan. Mukhang nagpapalapad ito ng papel sa kanya. Sa paningin nga niya parang gumuwapo bigla si Philip. Parang lalo itong naging Kim Soo Hyun. Kabado pa siya nang papasok na sila ni Philip sa bar baka kasi hingan pa siya ng ID at makita na minor pa siya at hindi papasukin sa loob. Sa kaba pa nga niya napahawak siya sa braso ni Philip. "It's ok, Ellie, don't worry, ako ang bahala sa iyo," Philip said to her. Tumango naman siya rito. May tiwala siya kay Philip. Mayaman ito kaya panigurado na may kapit ito sa loob. Hindi nga siya nagkamali isang tango lang ni Philip pinapasok na sila sa loob ng bar. Tinignan lang siya at hindi na hinanapan pa ng ID. Tuwang-tuwa siya nang makapasok na sila ni Philip sa loob ng bar. Sumalubong sa kanya ang malakas na tugtugan at maingay na kapaligiran. Malikot na mga ilaw na patay sindi at napakaraming kabataang naroon ang nagsasaya. "Wow," anas niya habang nakatingin sa mga kabataang nagsasayaw na para bang wala ng bukas. Sa buhay na meron siya, pwede niyang maging escape ang ganitong happenings. Ganito ang magpapalimot sa kanya sa malungkot niyang buhay. "You like it here, Ellie?" Bulong sa kanya ni Philip. Hinawakan pa siya nito sa bewang para mailapit siya rito at mabulungan. Maraming tao kaya kailangan bumulong sa kanya ni Philip. Hindi na rin niya binigyan pa ng issue ang kamay nitong nasa bewang niya. "Yes, Philip, thank you," tugon niya at pasalamat rito. "Hanapin na natin si Crizel," saad niya. Tumango naman sa kanya si Philip at nakipagsiksikan na sila sa mga taong naroon. Halos magdikit na nga ang mga katawan nila ni Philip. Ramdam nga niyang yakap na siya ni Philip habang siya naman ay kapit na kapit sa binata. Hindi naman siya naiinis sa sitwasyon nila ni Philip, natutuwa pa nga siya, dahil for the first time may nakalapit na sa kanyang lalake. Nakita nila si Crizel at iba pa nilang ka school mate na lalake sa isang mesa at nakaupo na. Mukhang sila na lang ni Philip ang hinihintay roon. "Ellie!" Tili ni Crizel nang makita siya na agad pang tumayo para lapitan siya at yakapin. "You made it, girl!" Crizel said at hinawakan ang dalawa niyang kamay at sinayaw siya nito. Tumawa siya at sinabayan ang trip ng kaibigan. Sumayaw sila nito kasabay ng malakas na tugtugin sa harap ng mga lalaking school mates nila. Sobrang saya kasi niya at hindi niya mapigilan ang pagsayaw lalo na't si Crizel naman ang kasama niya. "Girls later na iyan, uminom muna tayo," saad ng isa sa mga kasama nilang lalaki roon. "Inom," ulit niya at sinulyapan si Crizel. Tumango ang kaibigan sa kanya at hinila na siya nito palapit sa kanilang mesa. Nakatayo pa si Philip sa isang tabi at mukhang hinihintay siyang maupo. Inalalayan pa nga siya nito hanggang sa pag upo. Perfect gentleman na ito para sa kanya. "Umiinom ka ba?" Tanong sa kanya ni Philip nang maupo ito sa tabi niya. Iniling niya ang ulo. "Hindi ko pa nasubukan. But, I am willing to try," tugon niya kay Philip. Hindi niya gustong maging KJ sa grupo. Hindi rin niya nais na masabihang maarte kaya sasabayan niya ang mga ito as long as alam niya ang kanyang limit at alam niyang ingatan ang kanyang sarili. Apat na lalake ang kasama nila sa table, mga kaibigan ni Philip ang tatlo. Dalawa lang silang babae ni Crizel pero alam niyang mapagkakatiwalaan naman ang mga kasama nila. Beside hindi naman niya hahayaang malasing siya. "Ok lang kung ayaw mo, may mga juice naman sila dito," Philip said to her. "No, kaya ko naman. Kahit isa lang at least maka try ako,' saad niya. Naghiyawan ang mga kasama nila pati na si Crizel nang marinig ang sinabi niya. Kaya naman agad na ring tinawag ng mga ito ang waiter para makapag order na sila ng maiinom. Habang hinihintay ang inumin nila pansin niyang malapit masyado sa kanya si Philip at nasa may likuran pa niya ang kamay nito at paminsan-minsan ay nasa bewang niya. Wala naman siyang makitang malisya o ano pa man. Hindi naman din kasi siya naiilang kay Philip, kaya hinahayaan na lang niya muna ito. Pagdating ng kani-kanilang mga drinks agad ng inabot ni Philip ang para sa kanya. Tinanggap niya iyon at nagpasalamat pa rito. Kinantyaw naman siya ng mga kaibigan ni Philip na mauna na daw siyang uminom dahil nga first time niya. Ganun din ang katyaw sa kanya ni Crizel kaya naman napilitan siyang mauna sa pag inom. Unang tikim niya ito ng alak at hindi niya alam kung makakaya niya o kung ano ang magiging reaksyon ng kanyng katawan. Pero dahil nais niyang maging in at magkaroon na ng buhay ang boring niyang buhay ay kakayanin niya. Malakas na sigawan at palakpakan ang narinig niya kasabay ng mapait na likido sa kanyang lalamunan na halos hindi niya kayang lunukin. "You can do it, Ellie," saad pa sa kanya ni Philip habang hinahagod nito ang kanyang likod. "Anag pait,' saad niya nang malunok ang alak sa bibig. "Sa una lang iyan, masasanaya ka rin," Philip said. Magsasalita pa sana siya nang maramdaman ang pag vibrate ng kanyang cellphone sa loob ng bag. Sinilip niya ang cellphone at nabasa niyang ang Mommy niya ang tumatawag. "Excuse lang guys, sagutin ko lang. Mommy ko," paalam niya sa mga kasama sa table at tumayo para lumayo ng bahagya at makausap ang Mommy niya. "Where are you, Ellie?' May galit sa tinig ng Mommy niya. "Lumabas po ako, nagpaalam naman po ako," tugon niya sa kabilang linya. "Anong ingay iyan? Nasa bar ka ba?' Tanong ng ina. "Opo," tugon niya. "Ellie naman! Umuwi ka na ngayon din!" Mariing saad ng ina sa kanya. "Mommy naman," simangot niya na tila ba nakikita ng ina ang mukha niya. "Anong bar iyan Ellie! Susunduin kita ngayon din!" Galit na saad ng Mommy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD