"What happened, po Tita?" Tanong niya sa kabilang linya nang sagutin ang tawag ng dating stepmother niyang si Emma ang Mommy ni Eliana.
"Naku, Sebastian pasensya ka na alam kong dis oras na ng gabi at tinawagan pa kita,' paumanhin nito sa kanya.
"It's ok Tita, what happened, po ba? May nangyari po ba?' Polite niyang tanong sa kausap at lumabas ng silid kung saan may kasama siyang babae sa loob ng silid na iyon.
"Sebastian itong si Ellie kase wala pa rin hanggang ngayon madaling araw na nag-aalala na ko sa batang iyon," saad sa kanya ng Ginang.
"Ano po? Saan po ba nagpunta si Eliana?' Gulat niyang tanong sa kausap. Hindi niya naiwasang mag-alala nang marinig ang sinabi ng Ginang.
"Natawagan ko siya kanina at ang sabi niya nasa isang bar siya kasama ang mga kaibigan niya. Sinabihan ko na siya na umuwi na agad, pero hanggang ngayon wala pa siya. Sinubukan ko naman siyang tawagan ngayon lang kaya lang hindi naman ito sumasagot," litanya ng Ginang sa kanya.
"Nag-aalala lang na kasi ako Sebastia, hindi naman sanay si Ellie magpagabi sa labas, lalo na magpa madaling araw," patuloy pa nito sa kanya.
"Don't worry po Tita ako na lang po ang hahanap kay Eliana. Saang bar po ba siya nagpunta?" Tanong niya sa Ginang.
"Naku, Sebastian pasensya ka na talaga ah. Hindi na rin kasi ako makalabas pa ng bahay ng ganitong oras naka magalit si Arthur sa akin,' saad pa nito.
"It's ok po Tita, ako na po ang bahala kay Eliana,' tugon niya rito.
"Salamat talaga Sebastian," saad nito at sinabi kung saang bar niya matatagpuan si Eliana.
"And Sebastian may isa pa pala akong pakiusap sa iyo," saad pa nito.
"What is this po Tita?" He asked..
"Pwede bang sa isa sa mga hotel mo muna patuluyin si Ellie. Ayoko kasing umuwi siya ng ganitong oras at malaman pa ni Arthur. Ayokong magalit si Arthur kay Ellie," may pag-aalala sa tinig ng Ginang.
Humugot siya ng malalim na paghinga sabay tango pa na tila ba nakikita siya ng kausap sa kabilang linya.
"Don't worry po Tital. Tatawagan ko na lang po kayo once na masundo ko na po si Eliana," saad niya sabay nagpaalam na rito.
Muli siyang napahugot ng malalim na paghinga at mariing pinikit ang kanyang mga mata. Minasahe pa niya ang mga mata habang nakapikit.
"Babe," narinig niyang tawag sa kanya ng kasama niyang babae saka siya nagmulat ng mga mata.
"May problema ba?" Tanong sa kanya ni Marjorie na hindi niya namalayang lumabas pala ng silid.
Naglalakad palapit sa kanya si Marjorie ma wala ni ano mang saplot sa katawan. Hubod't hubad ito. Bago pa kasi tumawag ang Mommy ni Eliana ay nasa loob na sila ng silid ni Marjorie para gawin ang lagi naman nilang ginagawa, iyon ay ang maglaro ng apoy.
Si Marjorie ay artista sa isang TV network, pero hindi ito sumisikat although lagi naman itong may show, sadyang hindi pa nga lang matunog ang pangalan nito sa showbiz. Nagkakilala sila ni Marjorie through friends of friends at kapwa naman sila interesado sa isat-isa kaya umabot sila sa ganito. Palihim silang nagtatagpo ni Marjorie para maglabas ng init ng kanilang mga katawan.
Bago pa man niya pinapasok sa buhay niya si Marjorie pinaliwanag na niya sa dalaga kung ano ang tanging nais niya rito at hanggang doon lang iyon. Hindi na dapat pa itong mag expect sa kanya. Sinabi niyang s*x lang ang pwedeng namagitan sa kanila at hindi sila pwedeng lumagpas pa doon. Wala silang pakialaman sa isat-isa. Kapwa sila malaya na gawin ang ano mang gusto nila. Pwede silang makipag relasyon kung gusto nila, walang maghahabol.
Tumagal na ng dalawang taon ang ganitong set up nila ni Marjorie, hanggang ngayong Congressman na siya at patuloy pa rin ang pakikipaglaro niya kay Marjorie. Ok naman sa kanya si Marjorie dahil hindi ito nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanya. Kung sa bagay pa sweet naman kasi ito sa TV kaya inaakala ng marami na demure ito, kaya naman takot din itong malaman ng marami ang tungkol sa kanila ang pagiging f*ck buddy nilang dalawa at ganun din siya. Kung may inaalagaan itong pangalan sa publiko mas lalo na siya dahil isa na siyang Congressman ngayon. Hindi niya nais matulad sa karamihang pulitiko na laging paiba-iba ng babae. Ginagamit ang kapangyarihan sa pambabae.
"Busy?" Marjorie asked him nang malapitan siya nito while naked.
Napalunok pa siya at pinilit na pigilan ang pagsulyap sa hubad nitong katawan. Lalaki lang siya at normal ang maakit siya rito. Lalo na't alam niya kung gaano kagaling si Marjorie sa kama.
"I am sorry, Marjorie, I need to go," saad niya rito.
"Oh.. Can I stay here for a while?' Tanong nito sa kanya.
"Sure, sure," tugon niya rito at humakbang na para magtungo sa silid at mag shower saglit bago magbihis.
Nasa isa sa VIP room ng hotel sila ni Marjorie. Ang silid na ito ang naging pugad nila, dito sila nagkikita ni Marjorie sa tuwing kailangan nila ang isat-isa.
Marjorie knows her role, alam nito na hanggang kama lang niya ito. Aware si Marjorie na bawal itong mag demand sa oras niya. Hindi rin ito pwedeng makialam sa personal niyang buhay. Ganun rin naman siya rito. Alam nilang pareho kung saan ang off limits nila. Hindi naman sila magtatagal ni Marjorie ng dalawang taon kung hindi niya gusto ang ugali nito, o kung nakikialam na ito sa personal niyang buhay.
Mabilis na rin siyang nagbihis matapos maligo at lumabas na ng silid. Nadatnan niyang umiinom ng wine si Marjorie sa may sala habang wala pa rin itong saplot. Sanay naman ito sa ganun kaya balewala na rito iyon. Kung gaano ito ka sweet at balot na balot sa mga palabas nito at kabaligtaran naman ito sa personal. Lalo na sa tuwing sila ang magkasama nito ay halos hindi na ito magdamit pa sa harapan niya.
"Aalis na ko," paalam niya kay Marjorie na hawak ang bote ng wine.
"Huwag kang maglalasing,' he said. Nagtaas lang ito ng kamay sa kanya. Tumango siya rito at lumakad na siya palabas ng hotel room.
Pagsakay niya ng elevator sinilip niya ang luxury watch sa palapulsuan para tignan kung anong oras na. Mag a-ala una na ng madaling araw.
"This is not right, Eliana," bulong niya at napaigting ang kanyang panga. Hindi niya inaasahan ang ganitong behavior kay Eliana. Nakita niya si Eliana kung paano ito lumaking mabuting bata at may takot. Nang mag dalaginding ito ay hindi niya nakitaan na magiging typical na teenager ito na mag pa-party hanggang madaling araw. But he is wrong. Seventeen pa nga lang si Eliana nagsisimula na itong mag party hanggang madaling araw, bagay na hindi niya gusto sa dating stepsister.
Kahit na hindi na niya stepsister si Eliana ay concern pa rin siya sa dalaga. Hindi niya nais na maging liberated ito, lalo na't naging malapit ito sa Papa niya at tinuring ito ng kanyang Papa na parang tunay na anak.
Mula nang makapag asawa ng bago ang Tita Emma niya na Mommy ni Eliana, sinabihan siya ng Tita Emma niya na kung sakaling mangailangan ng tulong si Eliana ay tulungan daw niya ito dahil wala na daw ibang malalapitan pa si Eliana. Kahit naman hindi sabihin ng Mommy ni Eliana iyon ay gagawin pa rin niya, dahil nais niyang tulungan si Eliana kahit hindi na niya ito stepsister. May espesyal na lugar sa kanya si Eliana, kahit noo pang bata ito.
Mag isa siyang umalis at hindi na nagsama pa ng security o driver niya. Hindi naman siya natatakot sa kanyang seguridad, kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.
Pagdating sa bara nagsuot muna siya ng itim na cap para naman hindi basta-basta makita ang kanyang mukha. Bilang Congressman hindi siya dapat makita sa mga ganoong klaseng lugar. Hindi makakatulong sa political career niya ang pagpunta sa mga maiingay na lugar katulad ng bar kahit puno ng kabataan.
Naging mabilis ang kilos niya at matulis ang mga mata habang hinahanap si Eliana sa crowded na lugar at sadyang napaka ingay pa. Isama pang halos nag-iinuman ang mga kabataang naroon.
"You should not come here, Eliana. This is not the right place for you," he whispered habang patuloy ang paghahanap niya kay Eliana.
May nakabunggo pa nga sa kanya na babae na agad niyang iniwasan dahil baka nais lang nitong magpapansin sa kanya kaya siya binunggo. Dapat niyang iwasan ang madikit sa mga naroon at baka may makakilala sa kanya at kung ano pa ang isipin sa kanya.
Sa tiyaga niyang hanapin si Eliana sa wakas natagpuan din niya ito. Hindi nga lang niya ito malapitan dahil may mga kasama ito. May mga lalaki itong kasama at ang isang lalake na may pagka intsik at halos nakadikiti na kay Eliana, isama pa ang kamay ng lalake na makapwesto sa bewang ni Eliana at tila balewala naman iyon kay Eliana na masaya pa habang umiinom ng alak.
"Damn it, Eliana,' mura niya. Kung pwede nga lang niyang gawin ay lapitan na si Eliana sa mesa nito at itulak ang intsik na nag te-take advantage kay Eliana ay gagawin niya. Iyon nga lang paniguradong headline siya bukas sa maraming bayan.