"Guys, I had enough, ayoko na," tangi niya nang iniaabot sa kanya ang isang basong may lamang alak. Medyo nakarami na yata siya at nakakaramdam na siya ng pagkahilo. Ito ang unang beses niya sa bar at ito rin ang unang beses niyang makatikim ng alak.
"Ellie naman last na ito," saad ng isa sa lalaking kasama nila.
"No, no," tangi niya at sinulyapan si Philip na nakatingin sa kanya.
"Are you sure ayaw mo na?" Philip asked her. Tumango siya rito.
"Enough boys akin na lang iyan," Philip said at ito ang tumanggap sa baso na para sana sa kanya.
"This is for you, Ellie," Philip said to her at ito ang uminom sa basong para sa kanya.
Napangiti siya at sinulyapan si Crizel na may malapad na ngiti sa labi. Pasimple pang nag thumb up si Crizel sa kanya. Ibig sabihin pasado rito ang kilos ni Philip. Actually noon pa naman pasado na si Philip sa kaibigan para maging first boyfriend niya in the future.
"Thanks," pasalamat niya kay Philip.
Naghiyawan pa ang mga kasama nilang lalake roon na natuwa yata sa ginawa ni Philip dahil gentleman ito sa kanya.
Napaupo siya ng tuwid nang maramdaman ang kamay ni Philip sa likod niya na tila banayad na hinahagod-hagod ang kanyang likod. Kanina pa rin naman pinupwesto ni Philip ang kamay nito sa likuran niya, pero ngayon may pag hagod na kaya nakakaramdam siya ng pagka ilang. Kaya naman ang excuse na muna siya para magtungo sa powder room. Hindi na rin kasi maganda ang pakiramdam niya. Medyo nahihilo na siya at hindi na niya malaman kung ano maramdaman.
"Samahan na kita," presinta ni Philip sa kanya.
"Ah... Huwag na saglit lang naman ako," tanggi niya.
"Ako na lang ang sasama sa kanya," presinta naman ni Crizel.
"Huwag na kaya ko naman," tanggi niya sa kaibigan at tumayo na para magtungo na sa powder room.
"Are you sure na kaya mo?" Paninigurado sa kanya ni Philip.
"Yeah, yeah," tugon niya rito at lumakad na. Pinigilan pa siya ni Crizel sa kamay at tinanong din kung kaya niya. Tumango siya sa kaibigan.
Lumakad siya sa maingay at malikot na ilaw sa loob ng bar habang marami ang nagsasayawan at nagkakasiyahan sa masiglang tugtugin.
Habang naglalakad ginagala niya ang mga mata para makita kung ano nga ba ang nagustuhan ng mga kabataan sa ganitong lugar. Kung siya kasi ang tatanungin parang hindi niya gusto ang ganitong klase ng lugar. Parang delikado lalo na't may alak, lalo na sa mga babaing nalalasing habang nagsisiyahan.
Habang hinahanap niya ang powder room may nakabunggo siyang isang lalake.
"Ohh.. Sorry, Miss beautiful," paumanhin ng lalaki sa kanya na halatang lasing na. Hindi rin niya nagustuhan ang uri ng pagtingin nito sa kanya kahit na malikot ang ilaa sa buong paligid.
Tumango na lang siya rito at tutuloy na sana sa paglalakad nang pigilan siya ng lalake sa braso. Nagulat siya at sinulyapan ang kamay nitong hawak ang braso niya.
Sinubukan niyang bawiin ang braso sa lalake pero hinigpitan nito ang hawak sa braso niya.
"Ano ba," inis niyang saad rito at muling sinubukang bawiin ang braso niya rito pero lalo lang nitong hinigpitan ang hawak sa kanya na tila ba ayaw na siya nitong pakawalan. Naitakutan siya. Maraming tao sa paligid pero ni isa wala man lang nakikialam sa kanila o tumutulong sa kanya.
"Samahan mo muna ako," saad ng lalake saka ngumisi pa ito sa kanya na para bang manyakis ito na may masamang balak sa kanya. Kinilabutan siya at tuluyan ng natakutan sa lalaking kaharap na halatang wala sa sarili dahil lasing ito.
"Bitiwan mo nga ako! Hindi kita kilala ano ba!" Asik niya at dahil sa takot nag panic na siya at sinimulan na niya ang panlalaban sa lalaking ayaw siyang bitiwan nang bigla na lang may isang lalake na naka sumbrero na hindi man niya makita ang mukha ang lumapit sa kanila at sinuntok ng malakas ang lalake sa mukha dahilan para mabitiwan siya ng lalake.
Napatili pa nga siya pero sa lakas ng tugtugin sa paligid ay halos wala man nakarinig.
Sa isang suntok pa lang ng lalakeng naka sumbrerong itim tumilapon na agad sa sahig ang lalake at napaandusay.
"Anak ng! Sino ka bang pakialamero ka?!" Galit na saad ng lalaking bastos at galit na tumingin sa lalaking sumulpot na lang kung saan at sinuntok ito.
Nanlalaki naman ang mga mata niyang nilingon ang lalaking sumuntok sa bastos na lalaking humawak sa kanya. Ngunit muling nakipag buno ang lalake sa bastos na lalake. Napatili siya sa takot.
"P*ta ka! Sino ka ba?!" Galit na sigaw ng lalaking bastos.
Muling bumagsak ang lalaking bastos na lasing sa sahig. Umagaw na rin ng atensyon ang eksena sa mga naroong malapit.
"Let's go, Eliana!" Mariing saad ng lalake sa kanya sabay hila sa braso niya.
Magpupumiglas sana siya pero Eliana ang tinawag nito sa kanya. Ibig sabihin kilala siya nito. Isang tao lang ang tumatawag sa kanya sa buo niyang pangalan iyon ay si Congressman Sebastian.
"Teka,' saad niya habang hawak ng lalake ang braso niya at lumakad na sila palabas ng bar. Iniwan ang lalaking lasing na nakaandusay sa sahig. Sa gulo kanina wala namang nakialam mukhang normal na ang mga ganung klaseng gulo sa mga bar.
Hanggang sa makalabas sila ng bar hawak pa rin ng lalake ang kamay niya. Kanina pa niya tinitignan ang mukha niti at hindi niya makita ng maayos dahil sa sombrero nito.
"Teka sino ka ba!" Saad niya at mabilis na binawi ang brasong hawak nito. Nabawi naman niya iyon at huminto ang lalake sa paglalakad sa may parking lot.
"Who are you? Bakit alam mo ang pangalan ko?" Tanong niya. Hindi ganun kaliwanag sa labas kay hirap pa rin siyang makita ang mukha ng lalaking tumulong sa kanya.
"Tinawag mo kong Eliana. Kilala ba kita?" Tanong niya sa lalake na sadyang nakayuko ang ulo para itago ang mukha sa suot nitong sombrero.
Humarap sa kanya ang lalake at inalis nito ang suot na itim na sombrero sa kanyang harapan.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala kung sino ito. Napasinghap pa siya at inilagay ang kamay sa kanyang bibig.
"Congressman," she whispered