Chapter-6

1912 Words
"Congressman Sebastian! Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya nang makilala ang lalaking sumuntok sa lalaking nambastos sa kanya at humila sa kanyang kamay hanggang sa may parking lot na kinatatayuan nila ngayon. "Are you ok? Anong ginawa sa iyo ng lalaking iyon?" Magkasunod nitong tanong sa kanya at ni hindi nito sinagot ang tanong niya rito. "I am ok, hindi naman niya ko nabastos," tugon niya at napalingon nang may marinig na sumigaw sa di kalayuan. "Ayun sila! Sila iyon!" Narinig niyang sigaw ng lalaking nambastos sa kanya kanina sa loob ng bar. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang may iba na itong kasama. Kung kanin mag isa lang ito ngayon ay apat na ito at lahat lalake. Mukhang hahabulin sila para gumanti dahil nasuntok ito ni Sebastian rito kanina. "Lagot kayo sa amin!" Galit na sigaw ng isa sa mga lalake na nakasalubong pa niya ang mga mata. Naitakutan siya. "Sebas-" Hindi pa man niya natapos ang pagtawag sa pangalan ni Sebastian nahila na nito ang kanyang kamay sabay takbo kaya naman napatakbo rin siya. Nang lingunin niya ang apat na lalake tumatakbo na rin ang mga ito at mukhang seryoso ang mga ito na mahabol sila. Panay pa ang sigaw ng mga ito sa kanila ng kung anu-anong mura. "Asaan ba ang mga security mo?' Tanong niya kay Sebastian habang tumatakbo pa rin sila. Katamtaman lang ang liwanag sa parking lot pero nasusundan pa rin sila ng apat na lalake. "Mag isa lang ako," tugon sa kanya ni Sebastian. "What? Bakit ka naman lumalakad mag isa eh Congressman ka! Dapat lagi kang may security!" saad niya kay Sebastian habang hinihingal na rin sa kakatakbo. Medyo nakalayo na rin sila pero patuloy pa rin ang apat sa pagsunod sa kanila. "Dito!" Sebastian said at hinila siya nito para magtago sa isa sa mga kotseng naroon. Hinila siya paupo ni Sebastian. Napatili pa nga siya sa pagkagulat at bago pa siya muling tumili mabilis nang tinakpan ni Sebastian ang kanyang bibig gamit ang malaking palad nito habang mahigpit nitong hawak ang isang kamay niya. "Ano ba bakit nawala!" Anak ng hanapin niyo! Hindi pwedeng hindi ako makaganti sa gagong iyon!" "P*tcha paano mo mahahanap sa ganito kadilim!" "P*tang ina!" Malinaw niyang naririnig ang palitan ng salita at pagmumura ng apat na lalaking humahabol sa kanila ni Sebastian habang nagtatago sila sa likuran ng isang kotse. Nasa bibig pa rin niya ang kamay ni Sebastian at ang isa at hawak pa rin ang braso niya na tila ayaw siya nitong makawala. Pakiramdam niya hindi na siya humihinga sa takot, kaba isama pa ang pagkakatakip ni Sebastian sa bibig niya. Kung kanina para na siyang nalalasing at wala ng energy ngayon naman ay nawala na yata ang kalasingan niya sa takot. Nakahinga lang siya ng maluwag nang tumakbo na palayo sa kanila ang apat na lalake. Mariin pa niyang pinikit ang kanyang mga mata at laylay ang mga balikat na tiningala si Sebastian nang magbukas siya ng mga mata. Nakita niyang sinisilip nito ang apat kung nakalayo na ng husto sa pinagtataguan nila. Napalunok pa siya nang kahit sa dilim naaninag niya ang magandang hugis ng gwapong mukha nito. Alam niyang gwapo si Sebastian, kahit naman noong unang kita pa lamang niya rito pansin na niya ang kagwapuhan at appeal nito. Pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na matitigan ng ganito kalapit ang dating stepbrother niya. Hindi lang pala ito gwapo kung di sobrang gwapo, para itong lalake sa mga turkish drama na sobrang gwapo with the beard. Ang macho palang tignan ng lalaking may beard tapos makinis ang mukha. Kung gwapo si Sebastian noon mas gwapo pala ito ngayon. Bagay na bagay pa rito ang suot nitong itim na sombrero. Nag sombrero marahil ito para hindi ito makilala sa loob ng bar. "Are you ok?" Tanong sa kanya ni Sebastian nang lingunin siya nito at noon pa lang tinanggal ang kamay nito sa kanyang bibig. Napalunok pa siya nang magtama ang kanilang mga mata. Maganda rin pala ang mga mata nito bagay na bagay sa masculine aura nito na lalaking-lalaki. Iyung tipong alam mo ligtas ka pag ito ang kasama mo. Napanganga pa siya rito dahil sa kagwapuhan nito at tumango. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin rito. Masyado siyang na starstruck sa gwapong mukha ni Sebastian na sa loob ng maraming taon ngayon pa lamang niya napapansin ang sobrang kagwapuhan nito. "Wala na sila, hindi na nila tayo makikita pa," Sebastian said sabay tayo at inalalayan siyang makatayo mula sa pagtatago sa likuran ng kotse. "Salamat," pasalamat niya nang makatayo at hinanap rin ng kanyang mga mata ang mga humahabol sa kanila. "Let's go, umuwi na tayo," Sebastian said. Tumango siya rito. Hindi na rin naman kasi siya makakabalik pa sa loob ng bar para magpaalam sa mga kasama niya baka makita siya ng mga humahabol sa kanila. Much better na umuwi na siya baka mapahamak pa siya muli at madamay pa si Sebastian. Mula sa pinagtaguan nilang kotse ilang sasakyan lang ang layo sa luxury SUV na dala ni Sebastian. "Sumakay ka na Eliana," Sebastian said nang buksan nito ang pintuan para sa kanya. "Asaan ang mga security mo?" Tanong niya. Tinanong na niya ito kanina kay Sebastian kaya lang hindi nito sinagot iyon. "I am alone, Eliana," tugon nito sa kanya at inalalayan siyang makasakay sa sasakyan nito at ito na rin ang nagsara sa pintuan. Medyo nagtaka siya sa sinabi ni Sebastian na mag isa lang ito. Hindi ba ito natatakot na umalis mag isa politician pa naman ito. Agad na ring binuhay ni Sebastian ang makina ng sasakyan nang makasakay ito at nagmaneho nito. Hindi naman niya naiwasang sumulyap sa labas ng bintana para tignan ang mga humahabol sa kanila. Nakahinga siya ng maluwag nang wala siyang nakitang grupo sa parking lot at sa labas ng bar. Mukhang pumasok na sa loob ang mga ito. "Sebastian," tawag niya kay Sebastian habang nagmamaneho ito. Hinubad na nito ang suot na itim na sombrero kaya kitang-kita na niya ang gwapong mukha nito. Liningon siya nito ng mabilisan lang at muling tinuon ang atensyon sa kalsada. Gabi na kaya halos madilim na sa buong kalsada. Ito yata ang unang beses niyang abutan ng malalim na gabi sa kalsada. Kung sa bagay ito ang unang beses niyang pumunta sa party. "Bakit ka nga pala nasa bar kanina?" Tanong niya rito. "Actually, your Mom called me," tugon nito sa kanya. "Si Mommy!" Bulalas niya at napakagat sa ibabang labi. Sinulyapan pa siya ni Sebastian at nahuli niya itong nakatingin sa ibabang labi niyang kinakagat-kagat. "Nag-aalala ang Mommy mo sa iyo dahil hating gabi na wala ka pa sa bahay niyo. Isa pa hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya sa iyo," litanya sa kanya ni Sebastian at muli siya nitong sinulyapan. Hindi na niya kinakagata ng ibabang labi pero nahuli niya itong doon pa tumingin ng mabilisan at muling tinuon ang atensyon sa kalsada. Nakulitan kasi siya sa Mommy niya kanina kaya hindi na niya sinagot pa ang mga tawag nito. Isa pa hindi na naman kasi siya sinama sa family dinner ng mga ito kaya siya nag decide na mag bar na lang kesa pabulungan na naman ng mga kasambahay roon dahil hindi siya sinasama sa mga family dinner at mga okasyon na buong pamilya ang invited. "Nakiusap sa akin ang Mommy mo kung pwede hanapin kita sa bar na sinabi mo sa kanya kung nasaan ka. Then ayun nakita naman kita, tyempo lang na may nambabastos sa iyo kaya pinangtanggol na kita," litanya pa rin ni Sebastian sa kanya. Nagyuko siya ng ulo. Nahihiya siya sa kanyang ginawa. Kung hindi siya nag inarte at nag stay na lamang sana siya sa bahay hindi na madadamay pa si Sebastian sa gulo niya. "Pasensya na Sebastian nadamay ka pa tuloy," nahihiyang paumanhin niya rito habang nakayuko pa rin ng ulo. "It's ok, Eliana. Mabuti na nga lang at dumating ako on time. I can't imagine kung ano ang mangyayari sa iyo kung wala ako roon. Baka tuluyan ka ng nabastos ng lalaking iyon. Mukhang hindi mo pa naman kayang ipagtanggol ang sarili mo," mahabang litanya sa kanya ni Sebastian. Nag angat siya ng ulo para sana magsalita ay dumepensa sa sinabi nito na hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya nang makitang iba ang pinasok nilang daanan. Hindi iyon ang daan papasok sa subdivision ng bahay ng bagong asawa ng Mommy niya. "Sebastian, sandali. Hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin," she said. "Sinabi ng Mommy mo na sa hotel ka na muna maglipas ng gabi ngayon. Baka daw malaman ng Tito Arthur mo ang tungkol rito at magalit sa iyo," tugon sa kanya ni Sebastian. Napalunok siya habang nakatingin kay Sebastian na sa kalsada ang mga mata at hindi man siya nito nilingon. "Kung ganon bawal akong umuwi sa bahay nila," malungkot niyang bulong. "Iyon ang bilin ng Mommy mo," Sebastian answered. Humugot siya ng malalim na paghinga at hindi na lang kumibo pa rito. Malungkot niyang sinulyapan ang labas ng bintana. Nalungkot siya at nakaramdam ng awa sa sarili. Paano na lang kung wala si Sebastian? Saan siya magpapalipas ng gabi kung hindi siya nais umuwi ng Mommy niya. Pagdating sa hotel na pagmamay-ari ni Sebastian agad na silang bumaba nito ng sasakyan at dumaan sa may parking lot kung saan may VIP elevator roon para lamang kay Sebastian. Para hindi na ito dumaan pa sa lobby ng hotel sa tuwing papasok at lalabas ng hotel. Tahimik lamang siya habang sakay sila ng elevator. Iniisip niya ang Mommy niya. Tiyak niyang galit ito at hindi na niya mauulit pa ang pag labas ng ganito. Tiyak na sasabihan siya ng ina mag stay na lamang sa bahay. Bilang siya ang kailangan makisama sa bahay na iyon ay wala siyang magagawa kung di sumunod na lamang sa Mommy niya. Sa pagkakaroon ng ikatlong asawa ng Mommy niya ngayon niya naramdaman na parang hindi na siya ang priority ng ina ngayon, hindi katulad noon na siya lagi ang inaalala nito dahil nga babae siya. Ngayon ramdam niyang tila mas mahalaga pa sa ina ang dalawang anak ng Tito Arthur niya. Na para bang napapabayaan na siya ng ina. Lumabas sila sa elevator at naglakad patungo sa penthouse ni Sebastian. Nagulat pa siya kung bakit sa penthouse sila nito nagpupunta. Tiyak naman kasi na pwede siya sa isa sa mga hotel room ng hotel nito. "Sebastian," tawag niya rito nang buksan na nito ang pintuan ng penthouse at pinapapasok na siya nito sa loob. "Bakit dito?" Tanong niya rito. "Eliana, I am a congressman hindi lang ako bast nagmamay-ari ng hotel na ito. Kung ikukuha pa kita ng hotel room mo dito baka kung ano ang isipin nila sa akin. You are still a minor na hindi pa pwedeng mag check in dito sa hotel. Ayokong makahanap sila ng butas laban sa akin pag nakita nilang may kasama akong minor de edad dito sa hotel," paliwanag sa kanya ni Sebastian. Naintindihan niya ang paliwanag nito kaya naman tumango na lamang siya at pumasok na sa loob ng penthouse. "Feel at home, Eliana para mo na ring bahay ito. Minsan ka rin namang naging anak ni Papa," saad ni Sebastian nang makapasok na sila sa loob ng malaking penthouse. "Kung nagugutom ka magpa deliver na lang tayo, bottled water lang kasi ang meron ako dito aside sa alak," saad nito sa kanya. "Huwag na I am ok. Thanks," ,tugon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD