Kanina pa siya nakatitig sa dalawang kamay niya na humawak sa kamay at bibig ni Eliana kanina. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa nangyari o ano.
Hindi niya inaasahan ang nangyari kanina sa loob ng bar, kahit na alam naman niyang normal na ang mga ganoong eksena basta sa loob ng bar. Pag may nalasing na lalake tiyak na mah babaing lasing na mababastos. Ang kaibahan lang kanina hindi lasing si Eliana, nakainom ito amoy niya at halata niya pero hindi pa ito lasing kaya alam pa nito ang ginagawa nito.
Hindi niya nagustuhan ang nakita niya kanina sa loob ng bar. May mga kasamang lalake si Eliana at ang isa na mukhang intsik ay halos yumakap na kay Eliana at pansin niyang hindi naman naiilang si Eliana sa lalake na para bang ok lang dito ang hawakan ng lalaking iyon ay yakapin.
Ilang minuto rin ang tiniis niyang makita si Eliana katabi ang intsik na iyon. Iniwasan kasi niyang gumawa ng gulo at lalo niyang iniiwasan na may makakilala sa kanya bilang Congressman. Hindi makakatulong sa political career niya kung may makakita sa kanya sa loob ng bar. Baka kung ano pa ang isipin sa kanya ng mga tao sa paligid.
Kahit nais na niyang hilahin ang intsik na iyon at pilipitin ang leeg hindi niya ginawa dahil sa kanyang political career. Kung sakali na sa ibang lugar sila magkita ng intsik na iyon baka hindi siya magdadalawang isip na ilayo si Eliana rito. Lalaki rin siya at alam niya ang galawan ng kapwa niya lalake. Obvious naman na gusto ng intsik na iyon ang makaisa kay Eliana.
Tinalakasan niya ang kanyang mga mata kaya nasundan niya si Eliana nang magtutungo sana ito sa powder room at doon na nga nangyari ang pambabastos ng isang lasing na lalake kay Eliana. Hindi na siya nakapagpigil kaya sinuntok niya ang lalake. Umaasa siyang hindi siya nakuhanan ng CCTV at naka makilala siya once na pina review ng lalaking iyon ang CCTV at baka kasuhan pa siya nito. Hindi naman siya natatakot na makasuhan nang dahil sa ginawa niyang pagtatanggol kay Eliana. Ang makilala siya bilamg Congressman Sebastian Lopez ang pinaka nais niyang maiwasan sana.
Eliana Roxas is special to him. Hindi lang ito basta anak ng kanyang dating stepmother. Hindi lang isang dating stepsister ang tingin niya kay Eliana.
Since he was seventeen years old nang mag asawa muli ang kanyang Papa after a long time na hiwalay na ito sa Mama niya. Nakilala niya si Eliana na isang ten years old little girl na sobrang cute at ganda kahit bata pa lutang na ang ganda ni Eliana. Hindi lang basta cute at maganda si Eliana nang makilala niya napaka sweet pa nitong bata kaya nagustuhan niya ito.
Bibihira lang naman sila magkita ni Eliana dahil sa states siya naka base kasama ang Mama niya. Sa tuwing bakasyon umuuwi siya ng Sta Juan para makasama na rin ang Papa niya at doon nakakasama rin niya si Eliana kahit saglit lang. Matagal na yata ang dalawang linggo sa bakasyon niya sa bahay ng Papa niya. Hindi kasi gusto ng Mama niya na nagtatagal siya kasama ang kanyang Papa at bago nitong pamilya.
Kinse anyos na si Eliana nang mamatay ang kanyang Papa. Ganap ng dalaga si Eliana sa kanyang paningin at wala na ring nag-uugnay sa kanilang dalawa dahil wala na ang Papa niya malaya na rin ang Mommy nito.
Sa pagkawala ng kanyang Papa hindi na siya umalis pa ng San Juan. Siya na kasi ang nag-asikaso ng lahat ng naiwang negosyo ng kanyang Papa. Isa pa wala na rin siyang balak umalis pa ng San Juan dahil kay Eliana.
Sa pag stay niya ng San Juan hindi man madalas pero at least nakikita pa rin niya si Eliana at nakakabalita pa rin siya sa magandang dalagita dahil sa Mommy nito. Hindi man niya gusto ang ugali ng Mommy ni Eliana dahil sa simula pa lang alam na niyang gold digger ito at pera ng kanyang Papa ang habol nito. Mabuti na lang at matino ang kaisapan ng kanyang Papa at sa kanya pa rin pinamana ang lahat ng ari-arian nito. Malaking halaga rin naman ang nakuha ng stepmother niya para nga sana daw iyon sa pag-aaral ni Eliana. Iyon nga lang wala pang isang taon nang mamatay ang Papa niya naubos na ng Mommy ni Eliana ang naiwang pera ng kanyang Papa para sa mga ito. At makalipas ang isang taon nakapag asawa na naman ng bago ang Mommy ni Eliana at iyon nga ay ang director na si Arthur at doon nga kasalukuyang tumutuloy si Eliana.
Tutol siya sa pag-aasawang muli ng Mommy ni Eliana dahil nag-aalala siya para kay Eliana para sa kaligtasan nito bilang babae. Mabuti na lang din at puro babae ang anak ni Arthur at hindi siya masyadong mag-aalala para kay Eliana.
Nag-aalala siya kay Eliana dahil alam niya sa kanyang sarili na dise siete pa lamang siya at tinamaan na ang kanyang batang puso kay Eliana. Magpa hanggang ngayon ang damdamin niya para kay Eliana ay tinatago pa rin niya. Hindi pa rin niya magawang aminin sa dalagita kung gaano ito kahalaga sa kanya at kung gaano niya ito kamahal.
Dahil si Eliana lang ang babaing gusto ng kanyang puso. Never siyang pumasok sa isang relasyon. Hindi nais ng commitment kanino mang babae, tanging si Eliana lamang ang gusto ng kanyang puso. Ganoon pa man marami pa rin siyang nakakalarong mga maiinit na babae. Isa na rito si Marjorie na naging regular na niya sa loob ng dalawang taong pag stay niya rito sa San Juan. Marjorie is always available for him once na nais niya ng kalaro at nais niyang makapag relax. Alam na alam kasi ni Marjorie kung paano siya paligayahin. Aware naman si Marjorie sa ganoong set up nila. Kapwa sila malayang makipagkita o makipagtalik sa iba, dahil wala naman silang commitment basta maglalaro lang sila pag gusto nila. Wala silang pakialamanan ni Marjorie sa kanilang mag personal na buhay. They are both free to do anything they want.
"Eliana," bulong niya sa pangalan ng babaing unang nagpatibok ng kanyang puso at magpa hanggang ngayon napapatibok pa rin ni Eliana ang kanyang puso.
Sa dinami-rami ng mga babae sa paligid niya si Eliana pa lamang ang nagpatibok ng kanyang puso ng ganito. Sana na lang magkaroon na siya ng lakas ng loob na maamin rito ang tunay niyang damdamin. Kailan kaya? Sana hindi pa siya mahuli.
Bago siya bumaba matapos niyang magbihis tinawagan na niya ang Mommy ni Eliana para sabihin rito na kasama na niya si Eliana at nasa hotel na ito. Nagpasalamat lang sa kanya ang Mommy ni Eliana. Hindi man nito tinanong kung kumusta ba ang anak nito na muntik ng mabastos kanina sa loob ng bar kung hindi pa siya dumating.
"Hindi pa rin siya nagbabago. Pera pa rin ang mahalaga sa kanya kesa sa anak niya," bulong niya at napailing ng ulo. Sadyang hindi mo nga mapipili ang magiging magulang mo. Siya man ay hindi perfect ang kanyang mga magulang. May ibang pamilya na rin ang Mama niya at bago nawala ang Papa niya nakailan din itong kinakasama at tanging ang Mommy ni Eliana lamang ang muli nitong pinakasalan maliban sa Mama niya.
Habang si Eliana naman ay hindi nito kilala kung sino ang tunay nitong ama. Ang Mommy naman nito ay sinasamba ang pera at ayaw bumaba sa pedestral kaya asawa ng asawa ng mayaman at hindi na iniisip ang kahihiyan ng anak nitong babae na talaga na pa naman din.
Kung may lakas lang talaga siya ng loob aaminin na niya kay Eliana na matagal na niya itong mahal para magsama na sila at hindi na siya nag-aalala pa rito sa bahay ng asawa ng Mommy nito. Balita pa naman niya maldita ang mga anak ng asawa ng Mommy nito. Nag-aalala siyang baka hindi man maipagtanggol ni Eliana ang sarili niton
"Oh, Eliana kung alam mo lang kung gaano kita kagustong alagaan at protektahan," bulong pa niya habang sa mga kamay niya nakatingin. Masaya na siya sa simpleng pag hawak sa kamay ng babaing mahal niya.
"I love you so much, Eliana. I am willing to do everything for you," he whispered.
Kahit ano pa ang ginagawa niya handa niyang iwan basta para kay Eliana. Sino man ang kasama niya iiwan niya para kay Eliana, dahil mahal na mahal niya ito. Sadyang duwag lang siya ngayon.