"How come na nakapasok ka sa bar kanina?" Tanong sa kanya ni Sebastian habang kumakain siya. Tumanggi siyang magpa deliver ng pagkain pero nag order pa rin pala si Sebastian ng fastfood para sa kanya. Bigla naman siyang nakaramdam ng gutom nang maamoy ang burger at fries kaya kumain na siya.
"Seventeen ka lang isn't, Eliana," dagdag ni Sebastian sa kanya.
"Iyung friend ko si Philip kakilala niya ang owner kaya nakapasok ako. Beside eighteen na rin naman ako this month," tugon niya at kumagat sa malaking burger. Nakatingin lang sa kanya si Sebastian at tila wala itong planong kumain kahit good for two naman ang in order nito para sa kanila.
"Friend? Iyung bang katabi mo kanina while drinking alcohol?" May lamang tanong sa kanya ni Sebastian.
Napalunok siya at sinulyapan si Sebastian na nakatingin sa kanya. Hindi naman niya ito nakita kanina sa bar maliban na lang nang iligtas siya nito sa lalaking bastos na iyon.
"You were there?" She asked.
"Yes, inutusan ako ng Mommy mo na sunduin ka dahil sa sobrang pag-aalala niya sa iyo. Then I saw with your group of friends habang nag e-enjoy sa pag inom ng alak. Hindi lang ako nakalapit agad dahil baka makilala ako ng mga kasama mo. Hindi rin kasi makakabuti para sa akin ang may makakita sa ganoong crowd," paliwanag nito sa kanya.
Hindi na naman niya naiwasang kagatin ang ibabang labi niya. Kung bakit naman kasi tinawagan pa ito ng Mommy niya. Uuwi naman din siya. Nakakahiya tuloy kay Sebastian. Muntik pa itong mapahamak dahil sa kanya.
"Pasensya ka na Sebastian, pati tuloy ikaw muntik ng mapahamak nang dahil sa akin,' paumanhin niya rito para tignan ito. Nahuli na naman niya itong nakatingin sa kanyang labi.
"Hindi problema sa akin iyon Eliana. Ang problema eh baka mapahamak ka kung lagi ka kang sasama sa mga kasama mo sa bar kanina," saad nito.
"Teka may boyfriend ka na ba? Boyfriend muna ba iyunh intsik na dikit ng dikit sa iyo?" Tanong nito. Mabilis niyang iniling ang ulo rito at binaba ang hawak na burger.
"Si Philip. Hindi ko siya boyfriend, school mate ko lang siya," she said.
"Hindi mo boyfriend pero hinahayaan mo lang na umakbay at hawak-hawakan ka sa harap ng mga kaibigan niya," Sebastian said. Nahimigan niya ang galit sa tinig nito.
"Actually nanliligaw naman sa akin si Philip and-"
"And what? May balak ka ng sagutin ang ganoong klaseng lalake na dadalhin ka sa bar para painumin ng alak at lasingin. Then what will happen next? Alam mo pa ba ang mangyayari sa iyo once na nalasing ka na?" Galit na mga tanong nito sa kanya.
Hindi na nga siya nagawang patapusin nito sa sasabihin niya. At nagalit na ito agad sa kanya.
"I know what I am doing, Sebastian," inis niyang tugon rito. Hindi niya gusto ang napagsasabihan siya. Isa pa ngayon pa lang naman niya ginawa ang bagay na iyon. Ngayon lang siya sumama kay Philip kahit matagal na itong nanliligaw sa kanya. First time niya sa bar dahil malungkot siya sa bahay nila.
"Of course iyan ang sasabihin ng katulad mong menor de edad. You want to explore at your young age. Kaya pati ang pagyakap at kung anu-ano pa ng lalaking iyon sa iyo Eliana ay ok lang. Kahit yata halikan ka pa niya sa harap ng mga kaibigan niya at ok lang sa iyo!" Galit na litanya nito sa kanya.
"Bakit ba galit ka?' Tanong niya rito. Nawalan na siyang ganang kumain dahil sa biglang pag siklab ng galit nito sa kanya na hindi naman niya maintindihan. Daig pa nito ang Mommy niya kung mag sermon sa kanya.
"Hindi ako galit, Eliana. Inaalala lang kita at ang Mommy mo. Huwag mo ng bigyan ng sakit ng ulo ang Mommy mo. Huwag ka ng magpabigat pa sa kanya," Sebastian said to her.
Matalim ang tinging pinukol niya kay Sebastian. Akala ba nito nag-aalala talaga sa kanya ang Mommy niya. Wala namang pakialam sa kanya ang Mommy niya, kahit saan siya magpunta walang pakialam ang Mommy niya. Nagkataon lang na hindi siya nito nais umuwi ng bahay ng bago nitong asawa. Hindi nito nais mapahiya sa bago nitong pamilya.
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa kilala ang Mommy ko ah? Sebastian?" She asked.
"Hindi ako ang inaalala niya kaya ka niya tinawagan. Nag-aalala iyon na malaman ng bago niyang asawa na hating gabi na at wala pa ako sa bahay nila! Huwag kang magpadala sa drama ni Mommy. Kung tumawag siya ulit sa iyo about me, huwag mo na lang pansinin. She doesn't care about me anymore. Ang importante ngayon sa Mommy ko ay ang mga anak ng bago niyang asawa. Todo pakitang gilas siya sa dalawang anak ni Tito Arthur dahil takot ng mahirap si Mommy." Mahabang litanya niya kay Sebastian.
Dati naman niyan pamilya si Sebastian kaya ok lang kung mag open siya rito ng totoong sitwasyon niya kasama ang Mommy niya. Baka kasi iniisip nito na mahal na mahal siya ng Mommy niya.
Buong buhay niya hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng Mommy niya. Pabigat pa nga siya rito. Anak kasi siya nito kaya hindi siya nito magawang pabayaan. Eighteen birthday na nga niya two weeks from now pero wala siyang naririnig na ano pa man mula sa ina. Mukhang hindi siya ipaghahanda nito. Mukhang hindi niya ma e- experience ang magkaroon ng masayang debut party katulad ng ibang ka edaran niya. Alam din niyang money is the most important sa Mommy niya. Kung wala itong pera wala daw itong kapangyarihan at mas nanaisin na lang daw ng Mommy niya na mamatay kesa sa maghirap.
"Mali pa rin ang ginawa mo Eliana. Kung galit ka sa Mommy mo huwag mong idaan sa ipapahamak mo pati sarili mo," Sebastian said to her.
Humugot siya ng malalim na paghinga at pinigilan ang luhang nais pumatak. Naiiyak siya dahil hindi niya gusto ang nangyayari sa kanyang buhay.
Nag-aaral nga siya sa mamahalinh eskwelaan pero madalas sabihin sa kanya ng Mommy niya na kaya siya sa mamahaling school pinapasok para makakilala siya ng mayayamang lalake na pwede niyang magamit para umangat ang kanyang buhay. Sinabi rin sa kanya ng Mommy niya na kailangan niyang makabingwit ng mayamang lalake dahil hindi habang buhay ay kasama siya nito. Sa tuwing mag-uusap nga sila ng Mommy niya lagi nitong tinatanong kung may nanliligaw na ba sa kanya at kung mayaman ba ang pamilya. Para hindi na lang siya kulitin pa ng ina sinasabi na lang niyang wala pa. Para wala na silang pag-uusapan pa nito.
Hindi niya pangarap maging katulad ng Mommy niya na umaasa na lamang sa mga mayayamang lalaking kinakasama nito para sa luho nito. Ang Mommy niya ang uri ng ina na hindi kayang maghirap. Na gagawin ang lahat para lamang sa pera at masunod ang luho nito. Hindi man niya gusto ang ginagawa ng Mommy niya wala naman siyang magagawa ina pa rin niya ito.
"Umiiyak ka ba?" Sebastian asked her.
"No," tugon niya at mabilis na pinunasan ang mga mata na may namumuhong luha.
"Eliana may problema ba kayo ng Mommy mo ngayon?" Tanong sa kanya ni Sebastian.. Sinulyapan niya ito at nakita niya ang concern sa mga mata nito.
Isa lang ang nasa isip niya ngayon. Na sana hindi na lang namatay ang Papa ni Sebastian. Mas masaya kasi siya noon, kahit papano inaalagaan siya ng Mommy niya at nararamdaman niyang may alaga pa siya rito. And also ang Papa ni Sebastian ang tila naging ama para sa kanya. Kaya naman napakasakit para sa kanya ang pagkawala ng Tito Severino niya na masasabi niyang tumrato sa kanya ng tama na parang tunay siya nitong anak.
"Wala, wala," tugon niya at nag iwas ng tingin.
"Eliana kung may problema kayo pwede mo namang sabihin sa akin. Baka makatulong ako," Sebastian said.
Noon pa man mabait na si Sebastian sa kanya. Pero hindi naman niya pwedeng abusuhin ang magandang pag trato nito sa kanya. Isa pa hindi sila nito magkapatid kaya hindi siya obligasyon ni Sebastian. Hindi na rin sila nito mag stepbrother, wala ng ano mang namamagitan sa kanila. Magkakilala na lang sila nito. Pasalamat na lang siya at hindi nagbabago ang trato sa kanya ni Sebastian kahit wala na ang Papa nito.
"Ok naman kami ni Mommy. Sanay na ko sa kanya. Ganun naman na talaga siya," saad niya at tinuloy na ang pagkain. Naramdaman niya ang pag hugot ng malalim na paghinga ni Sebastian.
"I see. Basta, if you need help, huwag kang magdalawang isip na lumapit sa akin, Eliana. Pamilya pa rin naman tayo kahit wala na ang Papa,' Sebastian said to her.
"Salamat, Sebastian," pasalamat niya rito nang sulyapan ito. Tumango naman ito sa kanya.
Matapos niyang kumain niyaya na siya ni Sebastian na umakyat para makapag pahinga na. May dalawang silid sa ikalawang palapag ang penthouse. Isang master bedroom at isang guest room. Sa guest room siya pinatuloy ni Sebastian.
"Ok lang naman kahit sa sala na lang ako," saad niya kay Sebastian nang makita kung gaano kaganda ang guest room ng penthouse nito. Para kasing wala pa ni minsan na natulog roon. Mukhang hindi naman tumatanggap ng bisita si Sebastian sa penthouse nito. Kung sa bagay sa dami ng hotel rooms sa hotel nito. Pwede naman nitong patulugin ang bisita nito sa hotel mismo.
"Para saan pa ang guest room kung hindi kita dito patutulugin," tugon nito nang maunang pumasok sa kanya sa loob para buksa nito ang aircon. Sumunod siya sa loob at napanganga sa sobrang ganda ng silid sa loob lalo na ang mga gamit. Halatang pinag-isipan ang interior ng buong silid. Kahit sino makakapag pahinga dito ng husto.
"Ang ganda naman. Nakakahiyanh guluhin, lalo na ang kama," saad niya habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng magandang silid.
"Feel at home, Eliana," Sebastian said.
"Salamat, Sebastian," pasalamat niya rito.
"Kanina ka pa nagpapasalamat sa akin Eliana," Sebastian said.
"Pasalamat lang kasi ang kaya kong ibalik sa iyo sa lahat ng ginawa mong tulong sa akin," tugon niya rito.
Sinulyapan siya ni Sebastian. Medyo na weirdohan pa siya sa pagkakatitig nito sa kanya, na para bang may nais itong sabihin sa kanya na hindi naman nito masabi-sabi.
"Magpahinga ka na Eliana. I know pagod ka sa nangyari kanina sa bar," saad nito. Tumango siya rito.
Humakbang na patungo sa may pintuan si Sebastian para lumabas na. Muli na naman siyang nagpasalamat sa binata.
"Goodnight, Eliana. Sweet dreams," Sebastian said to her.
"Goodnight, Sebastian," saad niya at tuluyan nang lumabas ng silid si Sebastian at naiwan siya sa loob ng malaking silid.
Humugot siya ng malalim na paghinga habang nakatingin sa napakagandang silid. Doble ang laki ng silid na ito kumpara sa silid na tinutuluyan niya sa bahay ng asawa ng Mommy niya.
Noong una sa maganda at malaking silid siya pinatuloy ng Tito Arthur niya, pero hindi rin nagtagal inilipat siya sa may attic ng bahay kung saan naka stock ang ibang mga gamit na hindi na ginagamit sa bahay na iyon. Maayos at malinis naman ang attic nang gawing silid na niya. Inayusan kase at nilagyan ng mga gamit kaya ok lang sa kanya. Isa pa mas gusto niya ang attic dahil tahimik hindi niya naririnig ang ingay ng dalawa niyang stepsisters na madalas mag sigawan.
Lumapit siya sa kama ay hinaplos iyon. Pati bed sheet maganda ang tela halatang mamahalin. Uupo na sana siya nang masulyapan ang sarili. Suot pa rin niya ang damit kanina at hindi pa siya nakakapag hilamos.
"I need to change," bulong niya. Hindi siya makakatulog na ito ang suot at hindi pa siya naghihilamos.
Lumabas siya ng guest room para hanapin si Sebastian at makahiram ng t-shirt nito pamalit sa suot niya.
Magkalapit lang ang master bedroom na silid ni Sebastian. Kumatok siya sa pintuan. Naka dalawang katok pa lang siya nang buksan na ni Sebastian ang pintuan sa kanya.
"Eliana? May kailangan ka?" Tanong nito.
"Sorry to bother you, Sebastian, but can I borrow one of your clothes? I need to change my mine, " she answered.