Chapter-9

2003 Words
Kinabukasan nagising siya sa walang tigil na pag ring ng kanyang cellphone. Masakit ang kanyang ulo at antok na antok pa siya dahil late na siyang nakatulog, isama pang nakainom siya kahit papano ng alak kaya mabigat ang ulo niya. Pikit mata niyang kinapa ang cellphone sa side table para sagutin. Hindi na niya iyon tinignan pa basta na lang niya sinagot dahil sa sakit ng ulo. "Eliana!" Tinig ng Mommy niya ang nasa kabilang linya. "Mommy," tugon niya sa inaantok na tinig. "Anak nasa hotel ka pa ba ni Sebastian? Much better kung mag stay ka na muna diyan, mainit ang ulo ng Tito Arthur mo ngayon, huwag ka na munang umuwi dito sa bahay at baka madamay ka pa,' litanya niya ng ina. "Ano po?" Tanong niya at pinilit na bumangon para maupo kahit mabigat ang kanyang katawan at masakit ang ulo. "Tinawagan ko na si Sebastian at sinabi ko na sa kanya na diyan ka muna mag stay habang mainit pa ang ulo ng Tito Arthur mo. Pumayag naman siya, alam mo namang hindi makatanggi sa akin iyang si Sebastian," litanya ng ina. Halos hindi nga niya maunawahan ang mga sinasabi nito. Basta ang alam niya ayaw siya nitong umuwi muna sa bahay nila. Dahil mainit ang ulo ng asawa nito. "Tatawagan na lang kita pag ok na ang sitwasyon dito sa bahay. Mag ingat ka diyan at mag enjoy ka sa stay mo sa hotel," patuloy ng ina. "Mommy paano po ako makapag stay dito sa hotel eh wala naman po akong pera," she said. "Si Congressman Sebastian na ang bahala diyan, kinausap ko na siya. Huwag ka ng mag-alala. At least napapakinabangan pa natin ang naiwan ng Tito Severino mo," tugon ng ina sa kanya at bago pa siya makapag salita muli wala na ito sa kabilang linya. Nagbuga siya ng hangin at sinuklay ang mga kamay sa mahabang buhok saka binalik ang cellphone sa side table. Sabado ngayon at wala silang pasok kaya wala siyang ibang mapupuntahan kung bawal pa siyang umuwi sa bahay ng Mommy niya. Nahihiya naman siyang mag stay sa penthouse ni Sebastian. Masyado na niya itong naaabala. Hindi naman din siya pwede sa bahay ng kaibigan niyang si Crizel dahil puro lalake ang mga kapatid nito at naiilang siya. Isa pa nagtatampo sa kanya ang kaibigan dahil sa biglaan niyang pagkawala kagabi sa bar. Natawagan naman niya si Crizel kagabi bago siya natulog para sabihin rito na nakauwi na siya nakailang tawag din kasi ito sa kanya at hindi niya nasagot. Ganun rin si Philip na hinahanap siya sa bar kagabi. Nagsabi na lang siya sa mga ito na biglang sumama ang kanyang pakiramdam kaya umuwi na lang siya at humingi na rin ng pasensya sa mga ito. "Saan naman ako pupunta ngayon?' Bulong niyang tanong sa sarili. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya hindi pwedeng makauwi sa bahay nila. Wala pa naman siyang pera. Sapat lang kasi ang naibibigay ng Mommy niya sa kanya, dahil sa luho pa lang nito nauubos na ang pera ng bago nitong asawa. Salo niya ang masakit na ulo nang bumaba siya sa kama para mag hilamos na at makababa na. Suot niya ang puting polo long sleeve ni Sebastian na pinahiram nito sa kanya kagabi dahil wala siyang maisusuot na pantulog. Maluwag sa kanya ang polo dahil petite lang ang kanyang katawan. Sakto lang ding natakpan ang kanyang pang upo, ganoon pa man kumportable naman siya sa damit ni Sebastian. Kumpleto ang gamit ng CR para sa mga guest kaya hindi na siya nahirapan pang maghanap ng kanyang gagamitin. Matapos makapag hilamos magbibihis sana siya nang maamoy ang damit niyang suot niya kagabi na amoy alak. Kaya hindi na niya iyon sinuot pa. Ayos naman ang polo ni Sebastian. Maingat siyang lumabas ng silid at sinulyapan ang silid ni Sebastian. Alas siyete na ng umaga baka tulog pa si Sebastian, lalo na't sabado naman ngayon at wala itong trabaho sa kongreso. Kakatok sana siya sa silid nang magbago ang isip niya. Baka kasi maistorbo lang niya ito kaya naman nagtuloy na siya sa pagbaba. Maingat at dahan-dahan siya sa pagbaba ng hagdan habang ginagala ang mga mata sa napakagandang penthouse. Wala siyang mapipintas sa penthouse ni Sebastian. Moderno ito, kumpleto sa mga kagamitan at higit sa lahat maayos at malinis. Parang wala ni isang alikabok siyang makikita sa loob ng penthouse. Mukhang mitikuloso si Sebastian. Kung sa bagay sa awra pa lang naman nito makikita na malinis ito sa katawan at maselan sa dumi. "Sebastian," tawag niya baka kasi nasa ibaba na ito. Wala namang sumagot kaya nagtuloy na muna siya sa may kusina para uminom ng tubig o di kaya makapag timpla man lang ng kape para mawala ang lasa ng alak sa kanyang lalamunan. May malaking ref siyang nakita at agad niyang binuksan iyon. Nagulat pa siya nang makita niyang puno ng bottled water ang malaking ref. Walang ibang laman ang ref kung di tubig lang. Ni isang pagkain o prutas wala siyang makita. "Ano ito? Panicked buying siya ng tubig?" Bulong niyang tanong habang titig na titig sa napakaraming bote ng tubig. "Hindi ba siya kumakain ng pagkain at puro inom lang ito ng tubig? Kaya pala maganda ang katawan niya," bulong niya at dumampot ng isang bote ng tubig saka binuksan at sinarado na ang pinto ng ref. Naglakad siya pabalik sa sala habang umiinom ng tubig. Sa wakas nabawasan ang pait sa kanyang lalamunan. Nakita niya ang sliding door palabas ng hardin kaya naman lumakad siya at lumabas muna ng hardin habang hinihintay si Sebastian. Hindi naman kasi siya pwedeng basta na lang umalis sa penthouse. Isa pa wala siyang mapupuntahan, kailangan talaga niyang hintayin si Sebastian para malaman niya kung saan siya pwede mag stay. "Wow!" Bulalas niya nang tumingala sa langit at ginala ang mga mata sa napakaayos na hardin. Na excite pa nga siya nang makita ang swimming pool doon. Napatakbo siya palapit sa pool area. Naaalala niya sa bahay ng t**i Severino niya may swimming pool din at doon siya natutong lumangoy. Sa bahay din naman ng Tito Arthur niya may swimming pool, iyon nga lang pinagbabawalan sjya ng Mommy niya na mag swimming roon dahil nga ayaw ng dalawang malditang magkapatid. Halata naman niyang insecure lang sa kanya ang dalawang iyon, wala kasing ganda ang papangit pa ng mga ugali. "Ang sarap naman lumangoy dito,' parang batang saad niya habang nagniningning ang mga matang nakatingin sa malinis na tubig ng pool. "Eliana, what are you doing there?" Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Sebastian sa may malapit sa pintuan nakatayo ito habang nakatingin sa kanya. Pansin niyang mukhang galing sa gym o nag jogging ito dahil sa suot nitong puting t-shirt na halata niya ang basa sa may dibdib at grey jogger pants and running shoes. Suot pa ni Sebastian ang itim na cap nito na suot din nito kagabi nang puntahan siya nito sa bar. Iba ang dating nito pag naka cap ito. Mas masculine, dangerous at mas bata itong tignan kumpara sa tuwinh naka coat and tie ito sa kongreso. "Good.. Morning, Sebastian," alanganin niyang bati rito matapos masuri ang kabuuan nito. Ngayon pa lang niya napapansin na hindi pa isang politician ang datingan ni Sebastian kung di parang model o di kaya ay isang Hollywood celebrity na tinitilian ng marami. Teenager pa lang si Sebastian gwapo na ito at masasabi niyang mas gwapo na ito ngayong mature na ito. Lalaking-lalaki na kasi ang datingan nito. "Good morning," bati sa kanya ni Sebastian at humakbang palapit sa kinatatayuan niya malapit sa pool. "Bakit nariyan ka?' Sebastian asked. "Wala lang, nagandahan lang ako sa swimming pool,' tugon niya at ngumiti rito. Saka niya naalala ang hawak niyang bottled water. "Kumuha pala ako ng tubig sa ref mo," she said at tinaas ang hawak na bote. Tumango naman ito sa kanya. "Nag order na ko ng breakfast natin maya-maya lang iaakyat na iyon," Sebastian said. Habang kausap siya ni Sebastian hindi naman niya maiwasang mapatitig sa gwapong mukha nito. Kahit medyo pawisan pa ito at pagod bakas pa rin ang kagwapuhan nito. Walang duda na marami itong babae. Tiyak na maraming humahabol rito. Wala siyang masyadong alam sa personal na buhay ni Sebastian lalo na pagdating sa love life nito. Hindi naman kasi sila nito ganon ka close para pag usapan pa nila ang love life nito. Isa pa pinupuntahan lang naman niya si Sebastian sa tuwing may iniuutos ang Mommy niya, kadalasan para magdala ng pagkain para rito. Alam naman niyang sinusuyo pa rin ng Mommy niya si Sebastian para madali rito ang lapitan si Sebastian sa tuwing may kailangan ito. Katulad na lang ngayon na wala siyang mapupuntahan at tanging si Sebastian ang pwedeng tumulong sa kanya. "Tumawag pala sa akin ang Mommy mo, and nabanggit niya na hindi ka pa pwedeng umuwi sa bahay nito ngayon kaya kailangan mo ng mapag iistayan,' Sebastian said to her. Nahihiya siyang ngumiti rito saka banayad na tumango. Nakakahiya naman kasi talaga. Parang abusado na ang Mommy niya sa part na ito. Hindi naman siya makareklamo dahil wala siyang pera at wala siyang pupuntahan. "Sebastian pasensya ka na sa Mommy ko ah," paumanhin niya sa binata. "Wala iyon, hindi ka naman na iba sa akin Eliana. Isa pa magagalit si Papa kung pababayaan kita ngayon," tugon nito sa kanya. "Salamat,' pasalamat niya rito. Tumango naman ito sa kanya saka tumunog ang doorbell ng penthouse. "Breakfast na siguro iyan. Kukunin ko lang,' Sebastian said at mabilis na tumalikod para pumasok sa loob at kunin ang inorder nitong pagkain para sa kanila. "Gusto kong mag swimming," simangot niya nang sulyapan muli ang swimming pool. Therapy na rin kasi sa kanya ang pag langoy at matagal na niyang hindi nagagawa ang lumangoy, mula ng umalis na sila sa bahay ng Tito Severino niya. Malungkot siyang pumasok sa loob ng penthouse dahil alam niyang hindi siya makakapag swimming doon. Kalabisan na kasi masyado kung hilingan pa niya kay Sebastian na mag swimming siya sa pool nito. "Saan nga pala ako pwedeng mag stay?" Tanong niya habang sabay silang kumakain ni Sebastian ng almusal. Buti na lang at may kape sa inorder nito at mainit pa ng dumating. "Gustuhin ko man na i check in sa isa sa mga hotel rooms ko, baka may makapansin sa akin. Hindi ka naman di. pwedeng mag check in mag isa dahil menor de edad ka pa, Eliana," tugon sa kanya ni Sebastian. "Saan ako pwede?" Nahihiyang tanong niya. "Dito ka na muna sa penthouse ko. Aalis naman ako mamaya may meeting ako. Ikaw lang naman mag isa rito. Makakapag pahinga ka buong araw,' tugon nito sa kanya. Lihim siyang natuwa dahil makakapag swimming siya mamaya pag alis ni Sebastian. Iyon nga lang wala siyang swim wear. Anyway mamaya na niya isipin iyon. "Pasensya ka na Sebastian kung pati ikaw naaabala sa amin ng Mommy ko," nahihiya niyang saad rito. "It's ok. Gaya ng sabi ko kanina hindi matutuwa si Papa kung pababayaan naman kita," tugon nito sa kanya. Ngumiti siya rito at tinuloy ang pagkain. "Anyway, Eliana," tawag sa kanya ni Sebastian. Nag angat siya ng ulo ay tumingin sa gwapong binata. "Kumusta ka naman pala sa bahay ng bagong asawa ng Mommy mo? Nagkakaroon ba kayo ng problema?" Tanong nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga at nagkibit ng mga balikat. Kung magpapakatotoo siya hindi niya gusto sa bahay na iyon. Sadyang wala lang siyang mapupuntahan. "Ang bagong asawa kasi ng Mommy ko medyo masungit at mahigpit siya. And also may pagka maldita ang dalawang anak niyang babae lalo na pagdating sa akin. Kaya medyo nahihirapan akong mah adjust sa ngayon," amin niya rito. Wala naman sigurong dahilan para hindi pa niya sabihin rito ang totoo. "So, you mean hindi mo gusto roon?" Sebastian asked her. "To be honest, Sebastian, no. I don't like it there. I don't feel safe, and I'm not happy in that house," malungkot niyang amin kay Sebastian na nakatingin sa kanya at seryosong nakikinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD