Chapter-10

1509 Words
Makalipas ang tatlong araw nagulat siya nang sabihin ng kanyang secretary na may bisita siya at ang Tita Emma niya. Hindi niya alam kung ano pa ang kailangan ng Tita Emma niya sa kanya ngayon. Noong huli niyang nakausap ito ay nang patuluyin niya si Eliana sa penthouse niya dahil may gulo daw sa bahay ng asawa nito. Hindi siya tumanggi dahil nag-aalala din siya sa kaligtasan ni Eliana. Hindi niya nais na mapahamak ang dalagita. Ngayon narito sa opisina niya ang Mommy ni Eliana at wala siyang idea kung bakit. Hindi naman kasi siya nito tinawagan muna bago ito nagpunta. Buti na lang at naabutan siya nito sa opisina, madalas pa naman wala siya dahil busy siya sa kongreso. "Sige papasukin mo na," tugon niya sa secretary. Naisip rin kasi niya na baka may kinalaman kay Eliana ang sadya ng Mommy nito. Natuwa siya sa isang gabi at isang araw na pag stay ni Eliana sa penthouse niya. Nalaman din niyang hindi maganda ang kalagayan ng dalagita sa bahay ng bagong asawa ng Mommy nito. Kung pwede nga lang ay tumira na lang si Eliana sa penthouse niya o di kaya sa isa sa mga hotel rooms sa hotel para mapanatag ang loob niya. Iyun nga lang hindi niya basta magagawa ang bagay na iyon dahil tiyak na maraming tanong ang kailangan niyang sagutin, lalo ng napakabata pa ni Eliana. "Good afternoon, Congressman," masiglang bati sa kanya ng Mommy ni Eliana nang makapasok na ito sa loob ng kanyang opisina. "Good afternoon po, Tita," bati niya at tumayo mula sa swivel chair para salubungin ang dating asawa ng kanyang Papa. Nakipag beso-beso siya rito at niyaya niya itong maupo sa sofa na naroon para doon sila nito mag usap. "Napadaan po kayo Tita?" He asked. "May dala pala akong ulam para sa iyo. Paborito mo ito," saad nito sa kanya at inilapag sa mesa ang dala nitong paper bag. "Thank you po, Tita nag abala pa po kayo," pasalamat niya at tinanggap ang paper bag. Maselan siya sa pagkain pero ang luto ng Tita Emma niya ay masasabi niyang pasado sa kanyang panlasa. Tanging luto lang nito ang kinakain niya sa bahay pag hindi siya nakaka order sa mga mamahaling restaurant na nakasanayan niya. "Anyway, Congressman. Salamat nga pala sa pag pa pa stay mo kay Eliana sa penthouse," pasalamat nito sa kanya. "Wala po iyon Tita," he said. "Siya nga pala kaya pala ako napasugod dito, may gusto sana akong sabihin sa iyo at ihingi ng pabor," saad nito sa kanya. Hindi na siya nabigla pa sa sinabi nito. Sa tuwing pupuntahan siya nito tiyak na may hihingin itong pabor sa kanya. Mapa maliit man o malaki ay pinagbibigyan niya ito. Hindi dahil gusto niya ito bilang dating stepmother niya, kung di dahil Mommy ito ng babaing mahal niya. Pinagbibigyan niya ito para pag siya naman ang humingi ng pabor ay mapagbigyan siya nito, lalo na pagdating kay Eliana. "Ano po ba iyon Tita? Baka kaya ko naman po," tugon niya. "Walang duda na kaya mo Sebastian, iyon lang ay kung gusto mo," saad nito sa kanya. "Ano po ba iyon?" He asked. "Well, sa susunod na linggo na kasi ang birthday ni Eliana at hindi lang basta birthday iyon, debut na niya," tugon nito sa kanya. "Talaga ho, dalaga na po pala si Eliana," saad niya rito. Tumango naman ito sa kanya. "Oo nga eh. Minsan lang ang debut niya sa buong buhay niya, minsan lang siya mag eighteen at hindi ko naman gustong ipagkait sa kanya ang isa sa pinaka magandang araw sa buhay niya," saad nito sa kanya. Tumango naman siya rito bilang pag sangayon. "Sebastian," seryosong tawag sa kanya nito. Sinulyapan niya ito at hinintay ang susunod nitong sasabihin. "Kakapalan ko na ang mukha ko Sebastian, para naman ito sa unica hija ko," saad nito. Hindi na nga lang siya nag react sa sinabi nitong unica hija nito si Eliana. As if naman na hindi niya alam kung ano talaga ang turing nito kay Eliana. "Makikiusap sana ako sa iyo, Sebastian na kung pwede ikaw ang mag sponsor sa debut ni Eliana. Nahihiya kasi ako sa Tito Arthur niya kung ihihingi ko pa siya ng pang gastos sa debut ng anak ko, hindi naman niya anak si Eliana at may dalawang anak din siyang babae," litanya nito sa kanya. Na gets niya ang gusto nitong sabihin sa kanya. Nais nitong siya ang gumastos para sa debut nu Eliana, dahil hindi ito gagastusan ng asawa nito. Maliit na bagay lang iyon para sa kanya at willing din naman siyang gawin ang bagay na makakapagpasaya kay Eliana. Deserve ni Eliana ang makapag debut katulad ng mga ka edad nito. Deserve ni Eliana ang engrandeng debut na kaya niyang ibigay rito. "Pasensya ka na Sebastian. Ikaw na lang kasi ang naisip kong lapitan. Hindi naman na iba sa iyo si Eliana, para mo na rin siyang nakababatang kapatid," saad nito. Nasamid pa siya sa huling sinabi nito sa kanya. Buong buhay niya hindi niya nakita si Eliana bilang nakababatang kapatid. Iba ang tingin niya kay Eliana at napakalayo sa kapatid. "Don't worry po Tita, ako na po ang bahala sa party," tugon niya rito para hindi na kung anu-ano pa ang sabihin sa kanya. "Talaga ba Sebastian? Ikaw na ang bahala sa lahat?" Tanong nito sa kanya. Tumango naman siya rito. "Yes po Tita, ako na po ang bahala sa debut ni Eliana. May isang pakiusap lang po ako sa inyo," he said. "Kahit ano pa iyan, Sebastian sabihin mo lang kung ano," mayabang nitong saad sa kanya. "Hindi na po kailangan malaman pa ni Eliana na ako ang nag sponsor sa debut niya. Sabihin niyo na lang na gastos niyo po lahat," tugon niya rito. Hindi niya nais na malaman pa ni Eliana ang maliit na bagay na iyon. Hindi niya nais na mag isip ng kung ano si Eliana sa kanya at lalo nang hindi niya gusto na maisip ni Eliana na may utang na loob ito sa kanya. Sapat na sa kanya ang makita niya itong masaya sa araw ng katawan nito. "Ah? Bakit naman Sebastian?" Kunot noong tanong nito sa kanya. Hindi niya inasahan na magtatanong pa ito sa kanya. "Mas matutuwa si Eliana kung malalaman niyang ikaw ang gumastos sa debut niya," saad nito. "Hindi na po niya kailangan malaman pa Tita. Kayo na po ang bahala kung paano niyo sasabihin sa kanya, basta huwag niyo na lang pong banggitin ang pangalan ko," he said. "Ganoon ba. Sige kung iyan ang gusto mo," tugon nito. "Pero dadalo ka sa debut niya?" Tanong nito. "Hindi pa po ako sigurado, depende po sa schedule ko sa kongreso at sa trabaho," he said. "Naku, Sebastian dapat makadalo ka. Minsan lang sa buhay ni Eliana ang ganito, at tiyak na gusto niyang naroon ka," saad ng Ginang sa kanya. "Susubukan ko pong makadalo," he said. Wala siyang balak dumalo at maki party. Nais lang niyang masilayan si Eliana kahit sa malayo. Makita lang niya itong masaya, masaya na rin siya. Bago umalis ang Ginang sa kanya opisina paulit-ulit pa itong nagpasalamat sa kanya. Nangako pa na papadalhan siya ng ulam sa penthouse niya. Tumango naman siya rito at nagpasalamat na rin. Tama lang na sumangayon siya na siya ang sagot sa debut ni Eliana. Hindi niya ginawa iyon dahil sa Mommy ni Eliana. Hindi niya gusto ang nakita niyang pag-uugali ng Tita Emma niya. Pagkamatay kasi ng kanyang Papa kinuha na nito ang perang iniwan ng kanyang Papa para kay Eliana. Maraming iniwang pera at may bahay at kotse pa ang kanyang Papa kay Eliana. Hindi nga niya tinutulan iyon sa pag-aakalang mapupunta kay Eliana ang mga iyon. Iyon nga lang halos isang taon pa lang naubos na lahat ng Mommy ni Eliana ang mga naiwan para rito. Maluho at sanay sa marangyang buhay ang Mommy ni Eliana kaya nga hindi pwedeng wala itong lalake sa buhay na magbibigay sa luho nito. Kung siya ang tatanungin, hindi ang isang katulad ni Emma ang nababagay na ina kay Eliana. Ramdam niyanh kulang sa pagmamahal si Eliana, hindi ito inaalagaan ng Mommy nito. Pinababayaan lang ito, kahit na sabihin pang sa magandang eskwelaan nag-aaral si Eliana. "Kung pwede nga lang akin ka na lang Eliana. Kung pwede nga lang na magsama na tayo para hindi na ko nag-aalala sa bawat araw," bulong niya. Mahal niya si Eliana pero naduduwag siya. Natatakot siyang tanggian siya ni Eliana. Ok lang naman sa kanya kahit hindi nito suklian ang pagmamahal niya rito, basta sana hindi siya nito tanggian at tanggapin siya nito kahit hindi na siya nito mahalin. Ganyan niya kamahal ang isang Eliana. Nais niyang gawin ang lahat para rito. Nais niyang ibigay ang lahat rito. Sa gagawing debut ni Eliana sisiguraduhin niyang maibibigay niya ang debut na pinapangarap ng bawat babae. Titiyakin niyang masisilayan niya ang magandang ngiti ni Eliana. Kahit isang araw lang maging prinsesa ito at maramdaman nito kung gaano ito ka espesyal sa araw na iyon. "I will do anything for you, Eliana," he whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD