"Ma'am Eliana bumaba na daw po kayo para maghapunan," saad sa kanya ng kasambahay sa labas ng pintuan ng kanyang silid na tinutuluyan.
"Bababa na po ako salamat," tugon niya at mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga. Kasalukuyan kasi siyang nagbabasa ng libro para sa subject nila bukas sa school.
Palabas na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng at basta na lang pumasok sa loob si Angeline na nakataas pa ang kilay at mukhang galit na naman sa kanya. Ganito naman madalas ang pag trato sa kanya ni Angeline never pa itong naging mabait sa kanya. Magka edaran lang sila halos ni Angeline kaya buong akala pa naman niya magkakasundo sila nito. Pero ganoon din pala ito sa masungit at suplada nitong Ate Angelica.
"Hoy! Ano itong pinagkakalat ng Mommy mo sa mga home owners dito na magkakaroon ka ng bonggang debut?" Taas kilay nitong tanong sa kanya nang huminto ito sa tapat niya at pinagsalikop ang mga kamay nito.
"Ah? Ano bang sinasabi mo?" Kunot noong tanong niya. Wala pa naman kasing nababanggit ang Mommy niya about sa magiging debut celebration niya. Ang alam niya wala siyang debut na gaganapin. Birthday celebration lang ganon simple pero hindi katulad ng mga mayayamang dalaga na ng debut. Katulad na lang ni Angeline na 3 months ago ay nag debut ng bongga. Hindi siya naka attend sa debut ni Angeline dahil sinadya siyang hindi pinasamahan.
"Huwag ka ngang nagmamaang-maangan diyan Ellie! Nililihim mo pa sa akin, bakit sa tingin mo ba hindi ako pupunta kahit hindi mo ko i invite! Alam ko naman na pera ng Daddy ang lulustayin ng Mommy mo para lang makapagyabang kayong mag ina sa mga home owners dito!" Mahabang litanya sa kanya ni Angeline.
Hindi naman niya alam ang isasagot rito. Kaya hindi na lang siya kumibo muna. Kakausapin muna niya ang Mommy niya about this, baka kasi nagyayabang lang ang ina sa mga bagong amiga nito. Wala naman kasing nababangit ang Mommy niya sa kanya.
"Subukan mo lang na lagpasan ang debut ko Eliana! Kakalbuhin kita!" Pagbabanta pa sa kanya ni Angeline.
"Huwag kang mag-alala hindi ko kayang lampasan ang milyon-milyon mong debut. Walang ganoon pera ang Mommy ko," tugon niya rito.
"I know na pareho kayong walang perang mag ina, umaasa lang sa pera ng Daddy ko!" Mataray nitong saad sa kanya sabay ismid at talikod na. Padabog itong lumabas ng silid niya, hindi na nga nito sinarado ang pintuan.
Iniling na lang niya ang ulo. Matagal na niyang kasama ang magkapatid at matagal na rin niyang pinagtitiisan ang ugali ng dalawa.
"Naku! Humanda kayo makahanap lang ako ng malilipatan aalis ako rito!" Inis niyang bulong saka lumakad na para bumaba. Baka siya na lang ang hinihintay sa hapag kainan at magpagsasabihan na naman siya ng Tito Arthur niya.
Kung ano ang ugali ng magkapatid sa kanya ganoon ang ama ng mga ito. Hindi mabait sa kanya ang Tito Arthur niya. Wala nga itong pakialam sa kanya at madalas pinagdadamutan pa siya at pinagsusungitan. Lagi ngang pinaparamdam ng Tito Arthur niya kung ano ang papel niya sa bahay na iyon. Bago pa man ikasal ang Mommy niya sa Tito Arthur niya sinabi na sa kanya ng Tito Arthur niya na hindi siya kasali sa pamilyang bubuuhin nito at ng Mommy niya. Ang Mommy lang daw niya ang nasali sa pamilya nito at hindi siya.
Sadyang napakalayo ng Tito Arthur niya sa Tito Severino niya. Ibang-iba ang trato sa kanya ng dalawa. Lagi nga niyang hinihiling na sana hindi na lang nawala ang Tito Arthur niya. Dahil tiyak na hindi lang ang Mommy niya ang masaya kung hindi pati siya. Kung noon malaya sila ng Mommy niya at puno ng pagmamahal sa bahay, ngayon wala silang layang mag ina lalo na siya, at napakalungkot ng bahay.
Pagdating niya sa komedor pinagpasalamat niyang wala pa sa hapag ang Tito Arthur niya, tiyak na mapagsasabihan na naman siya. Naroon naman na ang magkapatid at nagkukwentuhan ang mga ito. Napakasosyal pa ngang pakinggan ang pag-uusap ng mga ito.
"Ellie maupo ka na," saad ng Mommy niya. Tumango siya rito. Mamaya na lang niya ito tatanungin about sa sinabi ni Angeline sa kanya.
Saktong pag upo niya siya namang pasok ng Tito Arthur niya sa komedor. Dali na ring huminto ang magkapatid sa kwentuhan.
Habang kumakain sila tahimik lang siya at tinutuon ang buong atensyon sa pagkain. May mga pinag-uusapan ang Mommy niya at ang Tito Arthur niya about sa bahay pero hindi na lang niya iniintindi pa. Sa bahay naman kasi wala siyang boses. Mata at tenga lang ang pwede niyang gamitin, hindi siya pwedeng magsalita.
"Totoo ba na may engrandeng debut si Ellie?" Tanong ni Angelica at sinulyapan siya. Sinulyapan niya ang Mommy niya. Wala kasi siyang idea kaya ang Mommy niya dapat ang sumagot.
"Ah.. Well," simula ng Mommy niya na nagpunas pa ng bibig at sinulyapan ang ikatlong asawa nito na naghihintay rin sa sagot ng ina. Mukhang wala ding idea ang Tito Arthur niya ukol sa kanyang debut.
"May nag sponsor kasi sa debut ni Ellie," saad ng Mommy niya at sinulyapan siya.
"At sino naman?" Mataray na tanong ni Angeline.
"Oo nga sino ba iyan? Kung engrande iyan tiyak na malaki ang gastos," saad ng Tito Arthur niya.
"Sasagutin naman na daw niya lahat," tugon ng Mommy niya sa asawa nito.
"Eh Mommy sino po ba?" Tanong niya. Nais din niyang malaman kung sino ang gagastos ng malaki para sa kanya.
"Ang lolo mo," tugon ng Mommy niya sa kanya.
Napalunok siya. Wala naman kasing pera ang lolo at lola niya sa side ng Mommy niya. Sa side naman ng Daddy niya never pa niyang nakilala, ultimo ang Daddy niya hindi pa nga niya nakilala.
Nais pa niyang magtanong sa ina, pinili na lang niyang huwag muna. Hindi niya nais na magduda ang asawa at pamilya ng Mommy niya. Pwede naman nilang pag-usapan iyon ng Mommy niya mamaya na silang dalawa lang.
Pinagpasalamat na rin niyang hindi na nag-usisa pa ang asawa ng Mommy niya. Nagsabi na lang ang mga maldita nitong anak na a-attend daw ang mga ito kahit hindi naman niya gustong umattend ang mga ito. Siya nga hindi pina attend sa party.
Matapos kumain agad na rin siyang umakyat sa silid niya para ipagpatuloy ang pag-aaral. Hihintayin na lang niya ang Mommy niya na umakyat sa silid niya. Nag message naman siya sa ina na nais niya itong makausap.
Habang hinihintay ang Mommy niya tumawag sa kanya si Philip. Agad niyang sinagot iyon.
Nanliligaw na sa kanya si Philip at gusto naman niya ito. Mabait ito sa kanya at gentleman. Naisip nga niyang sagutin na ito sa debut niya, tutal eighteen na siya pwede na siyang makipag relasyon.
Hindi niya sinasagot si Philip dahil mayaman ang pamilya nito. Gusto na rin kasi niya ito. Isa pa matagal na itong nanliligaw sa kanya at ngayon nasa tamang edad na siya. Pwede na niya itong sagutin.
Naikonsulta na niya si Philip sa kaibigan niyang si Crizel. Approved na approved sa kaibigan si Philip kaya naman approved na rin ang binata sa kanya.
Sakto natapos ang usapan nila ni Philip nang bumukas ang pintuan ng silid niya at pumasok ang Mommy niya.
"Mommy sino po ang lolo ko na ang sponsor?" Agad niyang tanong sa ina.
"Hindi ang lolo mo! Wala ka namang lolong mayaman!" tugon nito sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Makinig ka sa akin Ellie," seryosong saad ng Mommy niya sabay hawak sa mga kamay niya.
"Alam mo ba kung para saan ang mga engrandeng debut sa mga alta sosyedad?" Tanong nito. Iniling niya ang ulo. Wala naman siyang idea dahil hindi siya isang alta sosyedad o mayaman.
"Ellie, those rich do that things para hanapan ng mayamang lalake ang anak nila. They invited every single rich in town na may anak na lalake, para maipakita ang debutant," saad ng Mommy niya sa kanya.
"What do you mean po, Mommy?" She asked.
"Hindi mo naman dapat pang malaman kung sino ang gumastos sa debut mo Ellie. Ang dapat mong mag handaan ay kung paano ka magiging maganda sa araw na iyon, para mapansin ka ng mga lalaking anak mayaman na talagang target mo sa party na iyon," saad ng ina sa kanya.
Napalunok siya habang nakatingin sa ina. Kilala niya ang ina na may pagka gold digger. Pero hindi niya inaasahan na nais din nitong maging katulad niya ito. Nais nitong makahanap siya ng matabang isda na kakapitan niya para mapanatili ang marangyang buhay.
"Naintindihan mo ko hindi ba? Ellie?" Tanong nito.
"I am doing this for you, Ellie. Para sa future mo, para sa magandang kinabukasan mo. Para kahit wala na ako alam kong hindi ka mahihirapan dahil marunong kang pumili ng lalaking bubuhay sa iyo," saad pa nito sa kanya.
Wala siyang balak umasa sa kahit na kaninong lalake. Nais lang niyang maging masaya. Kaya niyang mabuhay na walang lalake ang gusto lang niya ang magpakasaya at malibang ganun lang hindi seryosong relasyon ang nais niya. Maging masaya lang siya kahit mahirap ang lalake ay ok lang sa kanya. Dahil alam niyang kaya niyang buhayin ang kanyang sarili na hindi umaasa sa kahit na sinong lalake.