Matapos niyang magkamalay sa ospital agad na rin niyang hiniling kay Troy na umuwi na sila sa bahay, pakiramdam kasi niya nasa malapit lang si Lira at baka gawan na naman siya ng hindi maganda. Mas safe siya kung nasa bahay siya ni Troy. Pinagbigyan naman siya ni Troy kaya agad na rin silang bumiyahe pauwi. "Are you ok?" Tanong nito sa kanya habang nasa biyahe na sila pauwi ng bahay. "Yes, I'm ok," tugon niya. Maayos na ang kanyang pakiramdam. Nasuri naman na siya ng maayos ni Troy, kaya safe na siya sa ano mang inilagay ni Lira sa kape niya kanina. Hindi mangyayari ang bagay na ito kung hindi siya agad nagtiwala kay Lira, masyado siyang nakampante na kakausapin lang siya ng bruha na iyon. Hindi man lang siya nagduda sa kape na nakahanda na para sa kanya. Masyado siyang naive, at hiyang