Pinagpasalamat niyang sa bisig niya nawalan ng malay si Tessa at nakarating siya sa tamang oras para mailigtas ito. "What the hell did you do, Lira?!" Mabangis niyang tanong kay Lira na nakatingin sa kanya. Marahil hindi nito inaasahan ang kanyang pagdating. Akala siguro nito malaya na nitong magagawa ang ano mang masama nitong balak kay Tessa. "Binalaan na Lira! Sinabi ko na sa iyo na huwag na huwag mo nang guguluhin pa si Tessa! Hindi ka nakinig!' Mariing saad niya habang inaayos si Tessa na walang malay para buhatin niya at dalhin na sa ospital para masuri. "Ikaw ang may kasalanan nito Troy!" Sigaw ni Lira sa kanya. "Babalikan kita Lira! Humanda ka!" Pagbabanta niya rito at mabilis nang binuhat si Tessa pa bridal style at lumakad na pababa. Maraming mga matang nakasunod sa kanya h