Malapit nang matapos ang kanyang huling klase nang makatanggap ng sunud-sunod na messages mula sa hindi niya kilalang tao, ganoon pa man chineck niya iyon kahit nasa klase pa siya at hindi pa tapos ang kanilang professor sa pagtuturo. Napakunot ang noo nang magpakilala ang sender na si Lira pala. Nais nitong makipagkita sa kanya, may sinend din itong larawan nito kasama si Troy sa isang coffee shop at mukhang ok naman ang dalawa na nag-uusap at nag e-enjoy sa pagkakakape. Parang tinusok ang kanyang dibdib nang makita ang iba pang larawan na galing din kay Lira. Masakit sa matang makita na mukhang masaya naman si Troy kasama si Lira. Latest ang mga larawan na iyon, dahil tanda niya ang suot ni Troy na damit. Marahil matapos siyang maihatid ni Troy sa university nakipagkita na ito kay Lira