Pag mulat ng kanyang mga mata ramdam niya ang bigat ng kanyang katawan ay panghihina. Masakit din ang kanyang ulo na parang pinupukpok ng martilyo. "Aray," ngiwi niya sabay salo sa kanyang masakit na ulo saka mariing pinikit ang kanyang mga mata at naalala ang nangyari sa kanya kagabi sa party. Mabilis siyang nagbukas ng kanyang mga mata at ginala ang mga mata sa buong paligid ng silid na kanyang kinaroroonan. "Nasaan ako?" Tanong niya dahil hindi iyon ang silid na pinasukan nila ni Ms. K kagabi. Magkaibang silid ang kinaroroonan niya ngayon. Kinapa niya ang kanyang katawan at nanginig ang buong katawan niya nang maramdamang wala siyang saplot at tanging puting kumot lang ang tumatakip sa kanyang katawan. "F*ck!" Mariin niyang mura at hinablot ng kumot sa kanyang katawan. Tumambad sa