"Sh*t," mura niya nang makitang bumagsak ang babae sa sahig, mabilis siyang bumangon sa kama at napahawak pa sa noo niyang nasaktan sa pagkakauntog nila ng babae kanina. "Miss," tawag niya sa babae at nagmamadali siyang lumapit rito. Agad niyang inangat ang ulo nito at chineck ang mga kailangan i check para masigurado na humihinga pa ito. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdamang maayos pa ang paghinga nito. Maingat niyang binuhat ang hubod't hubad na babae sa may sahig, saka niya ito dinala sa kama para doon ilapag at masuri ang kalagayan nito. Hindi niya agad naibaba ang babae sa kama dahil may mga kalat sa kama na kinailangan pa niyang tanggalin. Maingat niyang inilapag ang walang malay na babae na sa kama at agad na ring tinakpan sa kumot ang hubad nitong katawan. Ilang beses pa s