Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin habang hubod't hubad. Nais niyang tignan ang kanyang katawan kung may nagbago ba o wala. Black out siya, as in wala siyang maalala kahit ano. Ang lalaking Doctor ang huli niyang nakita bago siya na black out. Walang ibang masakit sa kanya maliban sa kanyang ulo na parang binibiyak sa sobrang sakit. Sa kanyang katawan wala naman lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita. Wala naman siyang unusual na nararamdaman sa parteng iyon. Baka nga hindi natuloy ni Mr. Valdez ang masamang balak nito sa kanya, baka nagsasabi ng totoo ang doctor na niligtas siya nito. Mabilis lang siyang naligo dahil kumakalam na ang kanyang sikmura. Ramdam na niya ang gutom kaya marahil lalong masakit ang kanyang ulo. Dahil wala naman siyang ibang maisusuot kaya sinuot na niya an