Dahil may kailangan siyang asikasuhin sa ospital kinailangan niyang munang iwan saglit si Tessa sa kanyang penthouse. Hindi naman kasi niya ito pwedeng basta na lang paalisin. Sa ngayon tiyak na hinahanap ito ni Mr. Valdez at kung makita ito baka ano pa ang gawin sa dalaga. Nailigtas na niya ito at nasa poder niya ang dalaga kaya hindi na dapag pa itong mapahamak habang nasa poder niya ito "Dito ka na muna huwag kang aalis, hintayin mo kong makabalik, may asikasuhin lang ako saglit sa ospital. Mas ligtas ka rito kesa sa labas. Tiyak na pinaghahanap ka na sa labas, kaya mabuti pang dito ka na muna," saad niya sa dalaga matapos makapagbihis at makapaghanda na sa pag alis. "Nakakahiya naman sa iyo Doc," saad nito. "Kesa naman sa hayaan kitang umalis rito at mapahamak muli," tugon niya. "