Kinabukasan pag gising niya masakit ang buong katawan niya, particular sa ibabang parte. Aware naman siya na ganito ang magiging pakiramdam niya sa unang araw matapos ng unang pakikipagtalik niya. Nagmulat siya ng mga mata at wala na si Troy sa tabi niya. Hindi siya makakilos dahil sa sakit pa rin sa may pagitan ng hita niya. Medyo nalungkot siya at nakasimangot dahil wala si Troy sa tabi niya. Inaasahan pa naman niyang ito ang unang masisilayan niya sa kanyang pag gising. Marahil maagang bumangon si Troy para mag jogging sa labas at hindi na siya nito ginising pa, dahil na rin pagod siya at hindi rin naman siya makakapag jogging pa dahil sa may masakit pa rin sa kanya. "Troy," bulong niya sa pangalan ng nobyo at tumitig sa puting kisame. Hindi niya napigilan ang mapangiti habang nakatit