Natulala siya sa sinabi ni Troy sa kanya. Napatitig siya rito at nagbuka ng bibig pero walang salitang lumabas mula sa kanya. Nanatili lang siyang nakatingin rito. "Will you marry me, Tessa?" Tanong nito muli sa kanya. Lumipas na kasi ang mahabang sandali at wala pa rin siyang naisasagot rito sa sobrang pagkagulat. Kahit naman siguro sino matutulala at hindi na malaman ang isasagot sa sinabi nito. Yes may relasyon sila at may nangyari na sa kanila ng isang beses, kahit na bago pa lang ang kanilang relasyon. Wala naman kasi sa tagal ng pagsasama iyan, ang importante may pagmamahal. Siya alam niya sa kanyang sarili kung gaano niya kamahal si Troy at ganoon rin si Troy sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. Kaya bakit pa ba nila patatagalin ang lahat. Nasa tamang edad