Dahil kasama niya si Tessa, hindi niya nais munang kausapin ang Daddy ni Lira. Hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari kung iwan niya sa table nila saglit si Tessa. Baka kanina pa pala sila sinusundan ng mga ito at may masamang balak na kay Tessa ang mga ito. Alam niyang maraming pwedeng mangyari at maraming kayang gawin ang isang ama dahil sa pagmamahal nito sa anak. "Pasensya na po, pero kung may nais po kayong sabihin sa akin. Pwede niyo pong sabihin sa harap ng aking nobya," saad niya sa ama ni Lira. Humugot ito ng malalim na paghinga. Pansin niyang ni isang sulyap at hindi nito sinulyapan si Tessa. Alam niyang mahal na mahal nito ang anak nitong si Lira, pero si Lira ang mali dito at hindi si Tessa. Ganoon pa man hindi na niya nais pang ipaliwanag ang bagay na alam niyang hind