Mabilis na lumipas ang mga araw na mula nang mag propose sa kanya si Troy. Nasabi na nga nila sa lolo at lola niya ang tungkol sa relasyon nila ni Troy at sa plano na nilang magpakasal soon. Kung gaano siya kasaya ganoon rin ang lolo at lola niya botong-boto ang mga ito ang Troy, kahit naman siguro sino magugustuhan ang isang katulad ni Troy na napakabait at masasabi niyang gentleman pa. Mula kasi nang may nangyari sa kanila nagsasama na sila ni Troy sa silid nito. Nailipat na niya ang lahat ng kanyang gamit sa silid nito. Para na nga silang mag asawa dahil magkatabi na sila matulog ni Troy. Ganoon pa man ramdam niya ang malaking respeto sa kanya ni Troy. Hindi siya nito sinasamantala. Sa katunayan nga tatlong beses pa lang may nangyari sa kanila, dahil ang nais nito ang maikasal muna daw