Makalipas ang dalawang linggo nakapag decide na siyang uuwi muna sa bahay ng lolo at lola niya sa San Ignacio. Hindi na kasi siya safe sa Manila. Lagi siyang may pangamba na baka bigla na lang sumulpot kung saan ang mga tauhan ni Mr. Valdez. Panay na rin ang pananakot sa kanya ni Ms. K, kahit sinabi na niyang hindi siya magsusumbong sa mga pulis at pabayaan na siya ng mga ito. Pero naroon pa rin ang takot niya at hindi siya mapanatag, lalo na't mag isa lang siya sa kanyang condo unit. Isama pang dahil sa nangyari mukhang hiatus muna siya sa kanyang career, dahil hindi naman siya bibigyan ng project ni Ms. K dahil sa nangyari. Walang rason para manatili siya sa Maynila ngayon, wala naman kasi siyang trabaho. Mabuti pang umuwi na muna siya sa San Ignacio para makapagpahinga at makapag relax.