Dahil sa nangyari hindi muna siya iniuwi ni Sebastian sa bahay nila, tiyak kasi na magkikita sila ni Angeline roon at baka ano pa ang mangyari. Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin sa Mommy niya ang nangyari. Unang-una magkakagulo lang sila at baka hindi rin siya paniwalaan ng Mama niya, baka siya pa ang sisihin nito sa nangyari. Pasalamat nga siya at dumating si Sebastian at nailigtas siya. Kung wala si Sebastian baka napagsamantalaan na siya ng lahat ng mga lalaking naroon at mas nanaisin na lang niyang mamatay kesa magpatuloy pa sa kanyang buhay. "Uminom ka muna," saad ni Sebastian sabay abot da bottled water sa kanya matapos nitong buksan iyon para sa kanya. Kinuha niya iyon at agad na ininom. Uhaw siya dahil sa nakakatakot na nangyari sa kanya. Hindi niya naisip na malalagay siya sa